You are on page 1of 23

RAMA AT SITA

EPIKONG HINDU
Inihanda ni G. Alfe S. Lito
Buod ng
Akda
Ang akdang pinamagatang Ramayana ay isang dakilang epikong
ipinagmamalaki ng India na isinalin ni Rene O. Villanueva sa wikang
Filipino. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan ni Rama at ang dakilang
pag-iibigan nila ni Sita.
Namuhay sina Rama, Sita at Lakshamanan sa kagubatan matapos silang
ipatapon sa Kaharian ng Ayodhya. Inakit ni Surpanaka, kapatid ni
Ravana na siyang Hari ng Lanka na isang kaharian ng mga higante at
demonyo, si Rama. Ngunit tumanggi ito dahil sa may asawa na siya at
iyon si Sita. Lumabas si Sita dahil narinig ang usapan nila ni Rama at
Surpanaka. Dahil sa pagseselos at pagkagalit, naging higante si
Surpanaka upang patayin si Sita ngunit naipagtanggol siya nina Rama
at Lakshamanan. Natagpas ang ilong at tenga ng higante. Nagsumbong
si Surpanaka nang mga mali-maling pagkukuwento upang magalit si
Ravana at maipagtanggol siya sa mga ginawa nina Sita, Rama at
Lakshamanan. Sinabi niyang tumanggi si Sita na maging asawa siya ni
Ravana at tinagpas siya ng isang prinsipe. Tinawag ni Ravana si Maritsa
upang matulungan siya na mahuli si Sita. Ngunit sinabi niya na dapat
daw na sila ay magplano nang mabuti dahil sina Rama at Lakshamanan
ay kakampi ng Diyos at kailangang mahuli nila si Sita nang hindi
nasasaktan si Rama.
Nagpanggap na gintong usa si Maritsa. Pinahabol ni Sita ang gintong
usa dahil sa kagandahan at puno ng kayamanan ng sungay ng usa na
iyon. Dahil sa pagmamahal sa asawa, sumunod si Rama sa mungkahi ni
Sita. Binilinan niya si Lakshamanan na bantayan si Sita sa kahit anong
maaaring mangyari. Matagal na naghintay ang dalawa ngunit hindi pa
bumabalik si Rama at biglang may narinig na lamang silang hiyaw o
sigaw. Biglang ipinautos ni Sita si Lakshamanan na hanapin si Rama
ngunit hindi raw maaari dahil ito ang bilin ni Rama. Sinabihan ni Sita si
Lakshamanan na siguro ay gusto nitong mamatay si Rama dahil gusto
nitong siya ang maging hari. Nasaktan siya sa pagbibintang ni Sita kaya
naman sinundan at hinanap niya si Rama. Napatay ni Rama ang gintong
usa at ito ay naging si Maritsa. Samantala, nagpanggap namang
matandang paring Brahmin na humihingi ng tubig si Ravana. Biglang
kinuha niya si Sita at sinabing bibigyan siya ng 5,000 alipin at
gagawing Reyna ng Lanka.
Inilagay si Sita sa karwaheng may mga kabayong may pakpak. Pilit na
nagpumiglas ang babae. Dahil sa sigaw ni Sita, narinig ito ng isang agila
at tangkang tutulungan si Sita ngunit siya ay pinagtataga ni Ravana at
bumagsak nang naghihingalo sa lupa. Sinabi niya kina Rama at
Lakshamanan ang tungkol dito na si Sita ay dinala ni Ravana sa
kaharian ng Lanka. Dahil dito, humingi ng tulong sina Rama at
Lakshamanan sa mga hari ng mga unggoy upang lusubin ang kaharian
ng Lanka at iligtas si Sita mula sa mga kamay ni Ravana. Pumayag itong
makipagtulungan sa digmaan. Ngunit maraming mga kawal na unggoy
ang namatay ngunit mas maramign higante ang napugutan ng ulo.
Hinanap ni Rama si Ravana upang silang dalawa ang maglaban. Naging
matagal ang labanan. Hanggang sa kahantungan ay ang miserableng
wakas at pagkamatay ni Ravana. Nailigtas ni Rama si Sita sa mga kamay
ni Ravana. Tumakas ang mga higanteng natira nang Makita nilang patay
na ang kanilang pinunong si Ravana. Umiyak na tumakbo si Sita kay
Rama at nagyakapan sila ng mahigpit at matagal. At sa wakas, ay muli
silang nagsama nang matagal nang mapayapa at maligaya.
Pagsusuri ng
Akda
Paano ipinakita ni Rama ang kaniyang
kabayanihan at katapangan?
 Ipinakita ang kabayanihan at katapangan dito ni Rama para lamang
iligtas ang kanyang minamahal na si Sita. Sa kasalukuyan, tinitingala
natin ang mga bayani ng ating bansa na nakatulong para makamit
ang kalayaan ng bansa. Sila ay nagbuhos ng kanilang sakripisyo,
dugo, pawis, at paghihirap para lamang unti-unti nating makamit
ang kalayaan na minimithi ng bayan. Sa kasalukuyan ay marami ring
maituturing na bayani ang bansa. Iyon ay ang mga taong gumagawa
ng mga paraan upang maging bantog ang bayan at kilalanin ng ibang
bansa at maiangat ang ekonomiya. Sila ay ang mga OFWs at iba
pang mga Pilipinong sikat sa iba’t ibang mga larangan.
Nakakatuwang isipin na tinitingala din an gating bansa dahil sa
kanilang galling, talino, kakayahan at abilidad na makipagtagisan at
makipagsabayan sa mga dayuhang bansa.
Paano ipinakita ni Rama sa akda ang kaniyang
katapatan sa kaniyang minamahal na si Sita?
 Ipinakita rin sa akda ang katapatan sa isang taong
minamahal nang si Rama ay akitin ni Surpanaka upang
maging asawa ay umayaw siya dahil siya ay may asawa
na. Si Sita rin na ayaw kay Ravana dahil mahal niya si
Rama. Nakakatuwang relasyon ang ipinakita ng dalawa
sa isa’t isa ngunit nakakalungkot na bibihira ang mga
ganitong mga magkarelasyon sa kasalukuyan dahil ang
bawat isa ay madaling madala ng tukso. Nangangaliwa o
nakikiapid sa hindi niya asawa. Dapat na tandaan ang isa
sa mg autos ng Diyos na huwag tayong makikiapid sa
hindi natin asawa. Madalas na naghihiwalayan at hindi
nagkakaroon ng pagkakaunawaan. Nagiging dahilan ito
upang masira ang kinabukasan ng mga anak nila na
dapat sana ay magkakaroon ng magandang hinaharap at
nag-aaral pa.
Sa anong pangayayari sa akda ang
nagpapakita ng pagmamahal sa kapatid?
 Ipinakita rin ang pagmamahal sa kapatid.
Masasabi nating may mga pagkakataon sa ating
buhay na nag-aaway-away tayong mga
magkakamag-anak dahil sa mga bagay na hindi
natin mapagkasunduan. Nagsisiraan at hindi
nagpapansinan dahil lang sa simpleng away.
Dapat nating isipin na mas matimbang pa rin ang
pagkakamag-anak. Awayin man natin sila at
hindi pansinin nang matagal na panahon, hindi
natin mababago at maitatago ang katotohanan
na kamag-anak pa rin natin sila.
Paano naging makabuluhan sa iyo ang
pagbasa ng akdang Rama at Sita?
 Naging makabuluhan ang akda
sapagkat ang binabasa ko ay isang
ipinagmamalaking epiko ng India na
isa sa mga maimpluwensiyang akdang
pampanitikan sa daigdig. Isa pa ay
ipinakita dito ang kaugalian ng India
at ang kanilang kultura. Punung-puno
ng aral at ganda ng takbo ng
pangyayari ang epiko.
Ipinakita sa akda na
palaging nananaig ang
kabutihan kaysa sa
kasamaan. Dahil ang
kabutihan ay kinalulugdan
ng Diyos samantalang ang
kasamaan ay kinapopootan
ng Panginoon.
 Tinalakay
rin sa akda na hindi ng lahat ng
ating mga nakikita ay totoo. Ang iba ay
ilusyon lamang at may nakatagong
patibong pagkatapos nito. Kaya dapat na
tayo ay maging mapanuri at mapagsiyasat
sa mga bagay-bagay upang malaman natin
ang buong katotohanan upang tayo ay
hindi maloko at hindi madaya at magsisi
sa bandang huli. Sa panahon ngayon, ay
laganap ang iba’t ibang panloloko kaya
dapat na maging mapanuri tayo.
 Bilang bisang pangkaisipan, ang tunay at wagas
na pag-ibig pa rin ang mamamayani hanggang sa
bandang huli.
 Bilang bisang pandamdamin, nakadama ako ng
pag-ibig dahil ang akdang ito ay punung-puno ng
pagmamahalan.
 Bilang bisang pangkaasalan, nararapat na
mahalin natin an gating kapwa at magpakabuti.
ANONG URI NG TEKSTO
ANG IYONG BINASA?
URI NG TEKSTO
NAGLALARAWAN
TANONG:
Sa anong Teoryang Pampanitikan
napabilang ang binasang akda?
TEORYANG PAMPANITIKAN

Romantisismo
BAKIT?

 pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan; ng pagpapalutang ng damdamin


kaysa isipan; ng pagkaabala sa mga henyo, bayani at pambihirang katauhan;
ng pagkahirati sa internal na tunggalian; at ng mahiwaga at kababalaghan.
 nagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman, nanghihikayat sa pagbubuo ng
kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento at pinapayagan ang
pagsasanib ng iba’t ibang uri at paksa (halimbawa: trahedya at komedya,
kapangitan at inspirasyunal) at malayang estilo.
 humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at
tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo at pagka-
Kristyano.
 nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.
BINABATI KITA SA IYONG
MATAGUMPAY NA
PAGLALAKBAY SA MUNDO
NINA RAMA AT SITA! 
Maraming salamat!

You might also like