You are on page 1of 21

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

• Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng


mga tauhan batay sa usapang napakinggan
• Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa kaniyang
kilos, gawi at karakter
• Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di
makatotohanan ng akda
PAKSA:

Alamat ng Buhangin- Turkey


Pagpapakahulugan sa Kilos, Gawi at Karakter
ng Tauhan
o! Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
in m
u k
Sub
Para sa bilang
Para sa bilang 1-4 1-4
Nalaglag
1. Nang ibalik niang pera
Angel ang pera nini Aling
Aling Ruby
Ruby, anong habang
katangian namamalengke.
ang kaniyang ipinakita?
A. Maalalahanin B. mapagpanggap C. Matapat D. sipsip
Nakita ito ning mga
2. Anong katangian AngelPilipinoat
angagad
ipinakita pinulot. Hinabol
ni Aling Ruby nang alukin niy niya
kumain ang
si Angelale
dahil at
ibinalik nito ang kaniyang pera?
ibinalik ang pera.
A. pagpapasalamat Laking
C. pagtanaw ng utang pasasalamat
na loob ni Aling Ruby sa
B. pagiging mapagmalaki sa pera D. pagpapakita ng malasakit
dalaga at inalok itong kumain. Tumanggi si Angel at
3.Ano ang kahulugan ng pagtanggi ni Angel sa alok ni Aling Ruby na kumain?
masayang umalis.kumain
A. Ayaw niyang makasabay Natanaw
si Aling Ruby.ni Aling Ruby na nagtitinda ng
B. Ang ginawa niya ay labag sa kaniyang kalooban.
gulay ang dalaga.
C. Ang pagbabalik niya ng peraIsang
ang dapattindera
lamang niyangang
gawin.nagsalita, “Talagang
D. Hindi siya naghihintay ng kapalit sa ginawa niyang pagtulong.
mabait
4. Bilang anak,ang
paanobatang iyan.siSa
mo naman ilalarawan murang edad ay nagtitinda para
Angel?
A. madaldal B. makulit C. masinop D. mapagmahal
sa inang may sakit.”
5.Nagtatanim sa bakuran ang nanay ni Daniel. Kailangan niya ng tulong ng a Sumagot ito, “Mamaya na ‘yan,
naglalaro pa nga ako ng mobile legends.” Anong salita maglalarawan kay Daniel bilang isang anak?
A. masunurin B. Mapagparaya C. makulit D. tamad
6. Nabalitaan ni Mario na makatatanggap ang kaniyang pamilya ng ayuda d kabilang sila sa tinatawag na
poorest of the poor. Hindi na siya gumawa ng paraan para kumita. “Tutulungan naman tayo ng gobyerno.”
Anong uri ng mamamayan si Mario?
A.masinop B. palaasa C. reklamador D. responsable
7. Ang dahilan ng ginawang pagyakap ni Beha kay Tonio sa pagdating nito ay
A. pag-aalala B. pagmamahal C. pagkagalak D. pagkasabik
8. Nagbalik ako upang sabihin sa ‘yo ang aking nararamdaman. Ako ay nahulog na sa Beha.” Anong karakter ni
Tonio ang kaniyang ipinamalas.
A. pagiging tapat B. agresibo C. mambobola D. mapagmahal
9. Dahil sa pag-amin ng kanilang nararamdaman, lumalim ang kanilang ugnayan, nang sa isat isa, naghintay
sa pagbabalik hanggang lumipas ang maraming taon, Ang ipina ni Beha ay pagiging
A. tapat B. matiyaga C. pala-asa D. mapagmahal

10. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang “Alamat”

A. maikling kwento C. pinagmulan ng isang bagay

B. kwento tungkol sa tauhan D. kwentong makabanghay


MAIKLING
KATHANG-ISIP
KUWENTO

ALAMAT

PINAGMULAN NAGPASALIN-
SALIN LAMANG
ALAMAT NG
BUHANGIN
Noong unang panahon may isang magandang dilag na nagngangalang Beha siya ay
maputi, balinkinitan ang katawan at may mahabang buhok, siya ay nakitira sa
dalampasigang Bingan. Ulila na siya sa kanyang mga magulang kaya mag-isa na lamang
siyang namumuhay doon. Isang araw habang siya'y nangunguha ng prutas na makakain
sa puno ng saging, may dumating na isang pandigmang barko, nang di ano ano'y may
isang lalaking matipuno. Kapansin kansin sa lalake na siya'y nagtataglay ng dugong
banyaga. Makalipas ang ilang minuto, habang nagoobserba siya sa paligid napansin ng
lalaki ang isang maliit na kubo at agad itong nagtungo roon upang magtanong kung ano
o saang lugar siya napadpad. Habang naglalakad ang lalaki patungo sa kubo upang
magtanong nakita niya si Beha na nangunguha ng saging sa tabi ng kubo, siya'y
nangusap. Nagulat na lamang si Beha sa lalaking iyon at agad tumakbo paloob ng kubo.
Nagtaka at natawa na lamang ang lalaki sa inasal ni Beha kaya sinundan na lamang
niya ito sa munting kubo. Marahan siyang kumatok at nagsalita...
"Binibini, maaari bang magtanong?" Unti-unti binuksan ni Beha ang pinto at sumagot,
"Ginoo, nagtatanong ka na hindi ba!?..."Sino ka at bakit parang ngayon laman kita nakita sa islang
ito"
"Magtatanong lamang sana ako binibini kung nasaang lugar na ba ako naroroon?"
"Ah..... Ganoon ba.."
"Ako si Tonio ang kapitan ng barkong iyon, ako ay isang manlalakbay mula pa sa bansang Europa."
"Ngunit paano nangyari iyon, isa kang manlalakbay pero 'di mo man lang alam kung naasan ka."
"Nung ako'y nasa kalagitnaan ng pasipiko hindi ko inasahang may dararating na malakas na bagyo,
winasak nito ang mapang aking gamit pati na rin ang kompas na panukat sa direksyong anking
tinatahak"
"Marahil ikaw nga ay nawawala Ginoong Tonio. Ah ako nga pala si Beha"
"'Di mo man lang ba ako papasukin Binibining Beha"
"Pasensiya na..."
Pinapasok ni Beha si Tonio sa kanyang munting tahanan. Marami silang napag-usapan tungkol
sa mga ekspediyon at paglalakbay nito sa iba't ibang bahagi ng mundo, Marami ring nalaman
si Tonio kay Beha at sa isla kung saan siya napadpad. Dumating ang oras ng pag- alis ni
Tonio, dahil kailangan na niyang bumalik sa Europa upang magbigay ng ulat sa hari tungkol sa
mga natuklasan niya sa loob ng halos anim na buwan niyang paglalayag. Nagpaalam na siya
kay Beha at ipainagpatuloy ang paglalayag patungo sa kaniyang destinasyon. Sa kaunting oras
ng paglagi ni Tonio, nadama ni Beha ang kakaibang pakiramdam, tila nga ba siya'y nahulog na
sa manlalayag ng minsang lang napadpad sa kaniyang lugar. Segundo, Minuto, Oras, Araw at
Buwan ang lumipas, patuloy na umaasa si Beha na muli niyang makikita si Tonio,at hindi siya
nabigo. Buwan ng Mayo sa huling araw ng tag-sibol ay may dumaong sa mabatong
dalampasigan ng Bingan at tila pamilyar ito kay Beha. Pagkababa pa lamang ni Tonio sa barko
ay napatakbo si Beha sa pagkagalak masilayan ulit si Tonio. Napayakap si Beha sa kanya
na siyang ikinagulat ni Tonio...
"Oh, Beha ganyan ka ba kasabik na makita ako?" gulat at pabirong sabi ni Tonio kay Beha
"Paumanhin, nabigla lamang ako,matagal na rin mula ng huli kitang nakita"
"Ako rin Beha masaya ako na muli kitang makita, naaalala mo pa ba noong unang akong
mapadpad dito, nakatuwa ang iyong mga inasal at oras na tayo'y masayang naguusap, tila ba
nahulog na ata ako sayo Beha, nagbalik lamang ako upang maihayag ko ang nararamdaman
ko sayo Beha"
"Ha... Mukhang ganoon na rin ata ako sayo Tonio..."
Lumalim nang lumalim ang ugnayan ng dalawa hangggang sa nagkapalagayan na nga sila ng
loob... Ang akala ni Beha ay mananatili na si Tonio ngunit kinakailangan pa ulit bumalik ni
Tonio sa Europa. Nangako siya kay Beha na siya'y babalik makalipas lamang ang tatlong
buwan upang ito'y pakasalan at magkasamang maglalakbay. Naghintay nang naghintay si
Beha sa mabatong dalampasigan,lumipas na ang tatlo,apat,limang buwan hanggang umabot
na sa taon ang kaniyang paghihintay, ngunit ni anino ni Tonio ay di na nagpakita, unti-unting
nalungkot sa Beha sa ginawa ni Tonio ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal ng higit pa sa
kanyang sarili ay di tumupad sa mga pangakong kanyang binitawan. Ang kaniyang
kalungkutan ay napalitan
ng tampo at galit, sinumpa niya si Tonio habang hawak ang mga bato sa
dalampasigang kung saan unang sumibol ang pagmamahalang nawalan na
ng saysay. Lumipas ang panahon na hindi na muling nasilayan si Beha sa
masaganang isla kung saan siya namuhay. Kapansin- pansin na ang dating
mabatong dalampasigan, ay napapaligiran na ng mga maliliit at pinong bato
na kalauna'y tinawag na buhangin. Gayunpaman pinaniniwaalan nila di
dahil sa galit ni Beha kay Tonio kaya naging maliit ang bato kundi tanda ito
na kahit hindi na muling nagpakita si Tonio ang pagmamahal ni Beha ay
hindi magbabago.
"Kung ikaw man ay magbalik sa hinaharap makita mo sana ang mga maliliit
na batong ito na tanda ng aking wagas na pagmamahal tulad ng mga bituin
sa langit na wagas na nagniningning para sayo at sindami rin ng mga tala na
patuloy na mag-aabang sa'yong muling pagbabalik aking nagiisang Tonio ".
GABAY NA TANONG:
1. Sino ang mga tauhan sa alamat?
2. Saan ang tagpuan ng binasang akda. Ilarawan.
3. Ang mga pangyayari ba sa akda ay makatotohanan o
hindi? Patunayan.
4. Ipaliwanag kung paano masasalamin ang kultura ng
Turkey sa alamat.
5. Paano ipinakita ng may-akda ang kilos, gawi at karakter
ng mga tauhan?
Alam mo ba?!

Ang kuwento ng Alamat ng buhangin ay isang alamat mula sa


pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend sa wikang Ingles ay
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o
katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katotohanan.Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang,
“legendus” ng wikang Latin at “legend” ng wikang Ingles na ang ibig
sabihin ay “upang mabasa.”
Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang
sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.
Pagtukoy sa mga Katangian ng Tauhan

Ang isang tauhan sa akda ay nailalarawan sa pamamagitan ng pag-unawa


kung ano kaniyang ikinilos, paano siya nagsasalita at maging ang reaksiyon
niya sa mga sitwasyo kuwento. May iba’t ibang paraan ang isang manunulat
sa pagpapalutang ng katangian isang tauhan. Kadalasan, ang mga tauhan
ay inilalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pa uri. Kung minsan,
ang katangian ay inilalahad ng may-akda batay sa gampanin nit kuwento.
Kaya mahalaga na nabibigyang- kahulugan natin ang kilos, gawi at karakter
ng tau upang matukoy ang kaniyang katangian.
Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?

Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na kasanayan, o pagsasabuhay. Ang


mga adhikain, pagpapahalaga, motibo, iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at
ginagawa.
Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal.
Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng isang tao o grupo ng mga tao.
Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at
tradisyon ng mga tao sa isang lugar.
Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano siya nag-iisip, kumikilos at
nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o binibigyang-buhay.
Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang
kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap upang lubos na maunawaan ng mambabasa
ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito
kung paano tatanggapin ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito.
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga
Pahayag
1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayarina may dahilan o
basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Ginagamitan ito ng mga
salitang nagpapahayag ng batayan
o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan, ayon sa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na inaangkat ng bansa ay
makatutulong sa kasalukuyang krisis pangkalusugan.
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga
Pahayag
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung
bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o katuwiran.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-
aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko, sa
tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.
Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.
Panuto: Kilalanin ang mga tauhan at bigyang-kahulugan ang kanilang kilos, gawi at karakter batay sa
usapang napakinggan (ipabasa ito sa nakatatanda o sinomang makatutulong sa iyo). Isulat ang iyong
sagot sa loob ng grapikong pantulong.
ALAMAT NG BUHANGIN- (mula sa bansang Turkey)
Napakinggang Tauhang Kilos Gawi Karakter
pahayag/pangyayari binanggit
Nagulat na lamang siya sa
lalaking iyon at agad
tumakbo paloob ng kubo.
Marahan siyang kumatok at
nagsalita..."Binibini, maaari
bang magtanong?"
"Magtatanong lamang sana
ako binibini kung nasaang
lugar na ba ako naroroon?"
Naghintay siya nang
naghintay sa mabatong
dalampasigan,lumipas na
ang tatlo,apat,limang buwan
hanggang umabot na sa
taon ang kaniyang
paghihintay, ngunit ni anino
ng kasintahan ay di na
nagpakita
Unti-unti siyang nalungkot
sa ginawa ng kaisa-isang
lalaking kanyang minahal ng
higit pa sa kanyang sarili ay
di tumupad sa mga
pangakong kanyang
binitawan.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga makatotohanan at ‘di
makatotohanang pangyayaring naganap sa akdang binasa at bigyan ito ng
mga patunay.
ALAMAT NG BUHANGIN-TURKEY

MAKATOTOHANAN DI-MAKATOTOHANAN PATUNAY


Suriing mabuti ang usapan sa kartun na nasa ibaba. Isulat sa
iyong kuwade ang sagot sa mga kaugnay na tanong
1.Sa iyong palagay, sino ang pangalawang pasyente na nakausap
ng nurse sa kart Patunayan.
2. Ilarawan ang pangalawang pasyente batay sa ikinilos at
karakter nito sa usapang nabasa.
3.Anong kahulugan at katotohanan ang ipinakita ng ikinilos ng
nurse sa usapan?
4.Ano ang ipinapakita ng matandang lalaki sa kartun na
masasalamin sa kasalakuyan kalagayan ng ating lipunan?
PERFORMANCE TASK NO.5
Panuto: Balikan ang, “Alamat ng Buhangin” at sumulat ng gusto mong maging wakas nito kung saan babaguhin o papalitan mo ang ilang pangyayari
at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan.
 

You might also like