You are on page 1of 6

Ang Time Signature

Mapeh 5
Tandaan:
Ang pagsasama-sama ng mga beat ng dalawahan, tatluhan,
o apatan ay tinatawag na meter sa musika.
Ang bawat meter ay binubuo ng malakas at mahinang mga
beat. Kadalasan, ang unang beat ng bawat meter ay may
diin o may accent.
Ang time signature ang ginagamit na batayan upang
maisaayos nang wasto ang pagpapangkat ng mga note at
rest sa isang measure.
▪ May iba't ibang uri ng time signature na maaaring
gamitin sa iba't ibang estilo ng musika. Ang mga
simpleng time signature ay kinabibilangan ng 2/4, 3/4,
at 4/4na mga time signature.
▪ May dalawang bilang na matatagpuan sa bawat time
signature na ginagamit na batayan upang maipangkat
ang mga note at rest. Ang bilang na nasa itaas ay
nagsasaad kung ilang beat mayroon ang bawat
measure. Samantala, ang bilang sa ibaba ay tumutukoy
sa note na tatangap ng isang beat.
Ang 2/4 time signature ay
karaniwang ginagamit sa musikang
pangmartsa.

Sa time signature na ito, ang bawat


measure ay may dalawang beat
lamang at ang quarter note ang
tumatanggap ng isang bilang. Ang
accent sa time signature na ito ay
matatagpuan at mararamdaman sa
unang beat. Ang ikalawang beat ay
walang diin.
Ang ¾ time signature ay
may tatlong beat sa
bawat measure at ang
quarter note ang
tumatanggap ng isang
bilang.

Ang uring ito ng time


signatureay
pangkaraniwang
ginagamit sa mga balse
o waltz. Ang accent nito
ay nasa unang beat
samantalang ang ikalawa
at ikatlong beat ay
walang diin.
Ang 4/4 time signature ang
madalas na ginagamit sa
mga komposisyon.

Sa time signature na ito, ang


accent ay nasa unang beat
ng bawat measure.

You might also like