You are on page 1of 46

4

Si ning
Kagamitan ng Mag-aaral

Yunit 4

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng

mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo,
at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Musika at Sining – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN:

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa

Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na
ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS)
Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga
akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher)
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Direktor IV: Marilyn D. Dimaano, EdD
Direktor III: Marilette R. Almayda, PhD
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Musika
Pangunahing Tagapangasiwa: Maria Blesseda Alfonso Cahapay
Consultant: Myrna T. Parakikay
Mga Tagasuri Ng Nilalaman: Jocelyn T. Guadalupe, Dolores T. Andres
Mga Manunulat: Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M. Ilagan,
Josepina D. Villareal, Mary Grace V. Cinco, Josephine Chonie M. Obseñares,
Chita E. Mendoza, at Victorina E. Mariano
Transcriber: Arthur M. Julian
Gumuhit ng Larawan: Hadji Miguelito S. Mendoza, Arthur M. Julian, Jason O. Villena
Tagatala: Richilo L. Laceda
Naglayout: Mary Grace Ann G. Cadisal

Sining
Pangunahing Tagapangasiwa: Marilou Gerero-Vispo
Consultant: Charo Defeo-Baquial
Mga Tagasuri ng Nilalaman: Juan Gepullano; Rosel Valenzuela
Mga Manunulat: Cynthia Montañez; Ma. Teresa Caringal; Adulfo Amit;
Benjamin Castro; Emily Maninang; Joan D. Sandoval
Mga Tagasuri ng Wika: Paolo-Ven Paculan; Erickson Gutierrez
Mga Gumuhit ng Larawan: Michael Villadolid; Jason O. Villena
Mga Naglayout: Algievoi Omaña; Jerby S. Mariano

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg. DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634–1054 or 634–1072
E–mail Address : imcsetd@yahoo.com

ii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Salita

Ang Kagamitan ng Mag-aral na ito sa Musika at Sining ay inihanda

upang malinang sa mga mag-aaral ang kanilang mga natatanging kakayahan
sa masining na pamamaraan. Hangad ng mga may-akda ng aklat na ito na
lubusang mapalaganap sa mga mag-aaral ang kamalayan sa iba’t ibang uri ng
sining. Kung kaya’t ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak at
natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas maging makabuluhan
ang pagkatuto sa bawat elemento ng Musika at Sining.

Ang mga itinakdang gawain na pawang kawili-wili ay makapagbibigay-

laya sa mga mag-aaral na makapag-isip at makalikha ng sariling awitin
at tugtugin sa Musika, gayundin ng mga disenyo o visual art sa Sining, na
magdudulot ng saya at kaganapan sa bawat aralin.

Ang mataas na antas ng pagkatuto sa Musika at Sining, batay sa

maraming pagsasaliksik, ay nagpapatunay na magdudulot sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng:

 mapanuri at replektibong pag-iisip;

 mas pinahusay na konsentrasyon at mas mahabang attention span;
 mas pinahusay na memorya at pagpapanatili ng mga natutuhan; at
 mas pinahusay na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwa, at
kakayahang makapagsagawa ng mga gawain kasama ang iba.

Ang makabuluhang paggamit sa aklat na ito ay magsisilbing tulong

upang maiangat ang antas ng pagkawili o interes at inspirasyon sa pag-aaral
ng Musika at Sining, na makatutulong sa adhikain ng K to 12 Basic Education
Program tungo sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang indibidwal.

iii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Yunit 4 – 3D at Iskultura
Aralin 1: Disenyo sa Tela................................................. 238
Aralin 2: Disenyo sa Tela ................................................ 241
Aralin 3: Disenyo sa Tela................................................. 245
Aralin 4: Pagbibigay ng Kahulugan sa Disenyo, Kulay
at Anyo na Ginamit sa Likhang-Sining.............. 249
Aralin 5: Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas................... 253
Aralin 6: Disenyo ng Banig.............................................. 256
Aralin 7: Paglalala na may Iba’t Ibang Disenyo............... 260
Aralin 8: Paglalala ng Banig............................................. 263

Glossary............................................................................. 267
Appendix .......................................................................... 274
Bibliography ...................................................................... 276

vii

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
SINING

141

COP
YUNIT IV
3D at ISKULTURA

Y
EPE
DD
141

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 1 : Disenyo sa Tela

Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May

mapusyaw na kulay (light colors), may matingkad (bright), at may
madilim na kulay (dark colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulay
na inilalapat sa isang may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay
ng tela. Ito ay maaaring ihalo para makagawa ng panibagong kulay.
Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo na kakikitaan hindi lang ng
kulay kung hindi mga linya at hugis rin.

Kagamitan: lumang eco-bag o anumang lagayan ng gamit, retaso na

may sukat na 10 x 10 na pulgada, 3 pakete ng tina na
may parehong kulay, palanggana, patpat na panghalo
ng solusyon, mainit na tubig, lastiko o pantali, asin at
suka.

Mga Hakbang sa Paggawa

1.

1. Ihanda ang mga kagamitan.

238

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Talian ang retaso ayon sa gustong
disenyo.

3. Sa mainit na tubig ihalo ang

dalawang pakete ng tina, dala-
wang kutsara ng suka at isang
kutsara ng asin. (Ang guro ang
gagawa ng timpla.)

4. Ilagay ang tinaling retaso sa

timpla ng 5 hanggang 15 minuto.

5. Banlawan ang ginawa sa purong

tubig. Alisin ang tali, patuyuin at
kapag tuyo na ay plantsahin.

6. Idikit sa harapang bahagi ng

eco-bag o anumang lagayan para
maging disenyo at mabuo ang
isang 3D na likhang-sining.
(Maaaring ipagpatuloy ang gawain
sa bahay).

7. Linisin ang lugar kung saan

gumawa ng likhang-sining.

Bawat bata na may angking talento sa pagdidisenyo

ay nakagagawa ng kakaibang likhang-sining gamit ang iba’t
ibang kulay.

239

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubrik.

Nakasunod Nakasunod Hindi

sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
PAMANTAYAN nang higit sa subalit pamantaya
inaasahan may ilang n
pagkukulang
(3) (2)
(1)
1. Nakagawa ako ng
orihinal na
disenyo.
2. Ang katangian ng
kulay ay naipakita
ko sa aking
likhang- sining.

3. Nasunod ko nang
tama ang
pamamaraan sa
paggawa.
4. Naipakita ko
ang kahusayan
sa paggawa.

240

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 2 : Disenyo sa Tela

Ang bawat lugar ay may natatanging disenyo na

nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Isa dito ay ang
paglalagay ng disenyo sa tela sa pamamagitan ng tie-dye.

Ang pagta-tie-dye ay isang simple at nakawiwiling paraan

upang gawin bago ang mga lumang tela o mga lumang damit,
tuwalya, panyo at iba pa.

Sa araling ito ay matututunan ninyo ang iba’t ibang

pamamaraan sa pagbuo ng iba’t ibang estilo at disenyo.

241

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o
tuwalya, tina (dye), palanggana, patpat na panghalo,
mainit na tubig, suka, at asin.

Hakbang sa Paggawa

1. Tupiin at talian ang tela ayon sa

gustong disenyo.

2. Ibabad ang tela sa tubig para

lumambot.

3. Magsuot ng dust mask/panyo

o gloves bago maghalo ng tina
(dye).

4. Ihalo ang isang kulay ng dalawang

pakete ng tina, dalawang kutsara
ng suka at isang kutsara ng asin
sa tubig gamit ang patpat na
panghalo.

242

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Ilagay ang tinaling tela sa timpla
mula 5 hanggang 15 minuto.

6. Pagkatapos, banlawan ang

ibinabad na tela sa purong tubig.

7. Alisin ang tali, isampay, patuyuin,

at plantsahin.

8. Linisin ang lugar kung saan

gumawa ng likhang- sining.

9. Tahiin ang natuyong tela upang

makabuo ng isang maliit na unan
o throw pillow.

243

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Nararapat na sumunod tayo sa mga hakbang lalo na sa
pagsasagawa ng tie-dye para makalikha ng isang maganda
at kakaibang disenyo.

Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pag-

kakasunod-sunod.
1. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5
hanggang 15 minuto.
2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo
ng tina (dye).
4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa
purong tubig.
6. Alisin and tali, patuyuin at plantsahin.
7. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka at isang kutsara ng asin sa tubig.

244

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 3 : Disenyo sa Tela
Paksang Pangkawilihan: Pagtitina-tali (tie-dye)

Ang kadalasang paraan sa pagta-tie-dye ay ang pagtali ng

tela bago ito lagyan ng tina (dye) upang magkaroon lamang ng
kulay ang mga bahagi ng tela na walang tali.

Maaaring gumamit ng isang kulay lamang sa pag-tie-dye

subalit mas maganda kong gumamit ng dalawa o higit pang mga
kulay sa pagtitina.

Kagamitan: tali/ pisi, lastiko (rubber band), tela o puting t-shirt, tina,
palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka,
at asin

Hakbang sa Paggawa

1. Tupiin at talian ang tela ayon sa

gustong disenyo.

245

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Ibabad ang tela sa tubig para
lumambot.

3. Magsuot ng dust mask/panyo

o gloves bago maghalo ng tina
(dye).

4. Maghanda ng dalawang timpla ng

magkaibang kulay sa magkaibang
lalagyan.

5. Ihalo ang dalawang pakete ng

tina, dalawang kutsara ng suka
at isang kutsara ng asin sa
tubig. Ganun din ang gagawin
sa isa pang kulay. (Ang guro ang
maghahanda ng timpla).

6. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla

mula 5 hanggang 15 minuto sa
unang kulay.

7. Pagkatapos, banlawan ang

ibinabad na tela sa purong tubig.

246

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
8. Alisin ang tali, patuyuin, at
plantsahin.
9. Tupiin nang panibago at talian ang
tela ayon sa naiisip na disenyo.

10. Pagkatapos ay ibabad naman

ang tela sa ikalawang kulay.

11. Muli ay banlawan ang ibinabad

na tela sa purong tubig.

12. Alisin ang tali, patuyuin at

plantsahin.

13. Linisin ang lugar kung saan

gumawa ng likhang- sining.

Ang disenyo sa tela ay napapaganda kapag sinusunod

ang tamang hakbang sa pagsasagawa ng tie-dye. Dapat ring
maging malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang natapos
na likhang-sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang
anyo.

247

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kaukulang hanay na nagsasabi ng
iyong sagot.

Nakasunod Nakasunod Hindi

sa sa nakasunod
PAMANTAYAN pamantayan pamantayan sa
nang higit sa subalit pamantaya
inaasahan may ilang n
pagkukulang
(3) (2)
(1)
1. Nakabuo ako ng
isang orihinal na
disenyo.

2. Naipahayag ko
ang aking
kaisipan at
damdamin sa
paggawa ng tie-
dye.
3. Nasunod ko ang
tradisyunal na
paraan sa
pagta- tie-dye.

248

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Naibalik ko
nang maayos
sa
kinalalagyan
ang mga
bagay na
ginamit sa
pagtitina.

249

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 4 : Pagbibigay ng Kahulugan sa
Disenyo, Kulay at Anyo na Ginamit
sa Likhang-Sining

Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo.

Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa
paggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala.
Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya
ng buli o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalagbag
upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.

Banig na Papel

Kagamitan: Magasin, gunting, at pandikit (glue).

Hakbang sa Paggawa:

Ang sumusunod na batayang kaalaman ay makatutulong

upang makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan
ng paglalala:

Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at

mapusyaw (light) na kulay.

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon.

2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel

habang naglalala.

250

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa
paglalala, maaaring lagyan ng patnubay na linya ang mga
bahaging gugupitin.

4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan,

sundin ang sumusunod na hakbang.

a. Gupitin ang papel na lalalahin.

b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel.

Maaaring isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat
isa.

EPE
c. Lalahin nang salitan ang papel.

D
250

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong
papel pagkatapos ng paglalala.

e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang

lugar na pinaggawaan.

Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng

iba’t ibang pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang

EP paniniwala, tradisyon, at kultura kaya dapat natin itong igalang

at pahalagahan.

251

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at sagutin ang mga tanong.

Nakasunod Nakasunod
sa sa Hindi
PAMANTAYAN pamantayan pamantayan nakasunod
nang higit subalit sa
sa may ilang pamantaya
inaasahan pagkukulan n
g (2)
(3) (1)
1.Naipapamalas ko
ang kakayahan
sa paglalala.

2.Ang kumbinasyon
ng kulay, linya,
hugis, disenyo, at
pattern ay
naipakita ko sa
likhang- sining.

3.Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan
sa paggawa.

4. Naibahagi ko ang
damdamin sa
kapareha tungkol
sa likhang-sining
na nabuo.

252

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 5 : Tradisyon ng Paglalala
sa Pilipinas

Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikita

ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na
yari sa iba’t ibang lokal na materyales at istilo sa pagdidisenyo. May
iba’t ibang tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ng
banig. Isa na rito ang uri ng materyales, kulay, at disenyo.

Paggawa ng Pot Holder

Kagamitan: retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8

na pulgada.

Mga Hakbang sa Paggawa

1. Gumupit ng 20 pirasong tela

na lalalahin na may sukat na
2x8 na pulgada.

2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw

ng mesa ang isang piraso ng tela
at itali ang dulo ng sampung iba pa
na magkaka-hilera gaya ng nasa larawan.

253

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Kumuha ng isang linas (strip)
sa natitirang tela at itali ang
isang dulo nito sa unang
nakabitin na tela.

4. Lalahin nang salitan ang tela.

5.Itali ang dulo ng tela, at

gupitin ang sobrang tela.

6. Iligpit ang mga materyales

na hindi nagamit, at linisin
ang lugar na pinaggawaan.

Maipakikita ng bawat isa ang angking kaalaman sa

sining kung isinasaalang-alang niya ang paglikha ng orihinal
na disenyo at akmang kulay na ilalapat sa likhang-sining.

254

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubrik.

Nakasunod Nakasunod Hindi

sa sa nakasunod
PAMANTAYAN pamantayan pamantayan sa
nang higit subalit pamantaya
sa may ilang n
inaasahan pagkukulan
g (2) (1)
(3)
1. Naipamalas ko
ang kakayahan
sa paglalala.

2. Ang
kumbinasyon ng
kulay, disen- yo
at pattern ay
nakikita sa aking
likhang-sining.
3. Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan
sa paggawa.

255

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Natukoy ko ang
pagkakatulad
at pagkakaiba
ng mga
disenyo sa
paglalala.

256

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 6 : Disenyo ng Banig
Paksang Pangkawilihan: Tissue Holder na Gawa sa Banig

Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit

bilang higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya.
Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala
ng banig. Ang banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat
dahong damo. Isa sa bantog na lugar sa paglalala ng banig sa
Pilipinas ay ang Basey, Samar.

Masdan ang mga halimbawa ng mga disenyo sa larawan.

Kagamitan: dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales

na maaring gamitin sa paglalala, gunting, kahon ng
sapatos at pandikit.

257

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Hakbang sa Paggawa

1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na

gagamitin sa paglalala.

2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na

maging pusod ng banig.

CO
3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit-
salit sa dalawang linas.

PED
4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na
disenyo at lapad.

258

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis
tingnan.

6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing

Tissue Holder at mabuo ang isang 3D na likhang-sining.

7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar

na pinaggagawaan.

Ibat’ibang disenyo ng banig ang makikita dito sa Pilipinas

dahil iba-iba ang mga kulay at materyales na ginagamit dito.

259

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang hanay ng inyong sagot sa tapat
ng bawat sukatan.

Nakasunod Nakasunod Hindi

sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
PAMANTAYAN nang higit subalit pamantaya
sa may ilang n
inaasahan pagkukulan
g (2)
(3) (1)
1. Naisagawa ko ang
disenyong nais
bilang batayan sa
paglalala ng
banig.
2. Naisagawa ko
ang paglalala ng
banig gamit ang
dahon ng
niyog/buri o
anumang bagay
na nakikita sa
kapaligiran.
3. Nakagawa ako
ng disenyo batay
sa mga
disenyong
napag-aralan.

260

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Naisagawa ko
nang buong
husay at malinis
ang
ginawang banig.
5. Natapos ko
ang paglalala
sa takdang
oras.

261

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 7 : Paglalala na may Iba’t Ibang
Disenyo

Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikita

ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan
na yari sa iba’t ibang lokal na materyales gayundin ang estilo sa
pagdidisenyo.

Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit

sa Silangang Asya at Pilipinas para sa pagtulog. Ang paggawa nito
ay may iba’t ibang pattern. May plain, pa-zigzag, square, stripes atbp.
at lumitaw ang mga disenyo nito sa pamamagitan ng kumbinasyon
ng mga kulay.

Paggawa ng Placemat

Kagamitan: gunting, buri o dahon ng niyog o anumang bagay na

maaaring gamitin sa paglalala

Hakbang Sa Paggawa:

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at

mapusyaw (light) na kulay bago magumpisa sa paglalala, at
gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.

260

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Lalahin nang salitan ang buri o dahon ng niyog na ginagawa
ang disenyong napili.

3. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis

tingnan.

PY
4. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang
lugar na pinaggawaan.
C

Ang pagpapayabong ng kaalaman at kahusayan sa

paglalala ay makatutulong sa pagpapanatili ng mayamang
kultura ng mga Pilipino.

261

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Panuto: Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubrik.

Nakasunod Nakasunod
sa sa Hindi
PAMANTAYAN pamantayan pamantaya nakasunod
nang higit n subalit sa
sa may ilang pamantaya
inaasahan pagkukulan n
g (2)
(3) (1)
1. Naipakita ko
ang kakayahan
sa paglalala.

2. Ang kumbinasyon
ng kulay at
disenyo ay
naipakita ko
sa aking likhang-
sining.
3. Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan
sa paggawa.

4. Naibahagi ko
ang sariling likha
sa kagrupo.

262

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Ang likhang-sining
ay natapos ko sa
takdang oras.

263

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
YUNIT 4 : 3D at Iskultura
Aralin Bilang 8 : Paglalala ng Banig
Paksang Pangkawilihan: Paggawa ng Kwadro
(Picture Frame)

Ang paglalala ng banig ay katulad din ng ibang sining na

napagaganda sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng disenyo nito.
Maaaring gamitin ang buri, dahon ng pandan at bamban sa
paglalala.

Karaniwang gawa sa dahon ng buri ang banig ng mga taga-

Samal at Sulu. Madalas, tinitina ang piraso ng buri at pinagtatagpi
upang makabuo ng makulay na disenyo.

Ang isa pang sikat na rehiyon sa Pilipinas dahil sa kakaibang

disenyo ay ang Basey, Samar.

EPE
D
264

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paggawa ng Banig

Kagamitan: dahon ng buri, niyog o pandan na may iba’t ibang kulay

o anumang bagay na maaaring gamitin sa paglalala na
nakikita sa kapaligiran, gunting, pandikit, card board,
at ruler

Hakbang sa Paggawa

Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang

matutulis na bagay.

1. Gumuhit ng sariling disenyo

sa gagawing banig.

2. Ihanda ang mga linas (strips)

ng dahon ng buri o niyog na
gagamitin sa paglala.

3. Simulan ang paglala na sinu-

sundan ang sariling disenyo.

4. Tupiin ang isang linas at isingit

ang isang linas nang pasalit-salit
sa dalawang linas.

265

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Gawin ito nang paulit-ulit
hanggang sa makuha ang
nais na disenyo at lapad.

6. Gupitin ang sobrang buri sa

dulo at itupi sa kilid para
malinis tingnan.

7. Gumawa ng isang kwadro na

lagayan ng larawan (picture frame).
Gamitin ang nilalang banig
OPY
bilang disenyong panggilid
(border design) upang makabuo ng
isang 3D na likhang-sining.

8. Iligpit ang mga materyales na

hindi nagamit at linisin ang
lugar na pinaggagawaan.

266

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Maaari tayong gumamit ng iba’t ibang kagamitan sa
paggawa ng banig tulad ng buri at pandan na ginamit din
ng mga rehiyon dito sa Pilipinas. Piliin din natin ang mga
materyales na makikita at mayaman sa ating pamayanan
tulad ng dahon ng niyog, at iba pa. Kailangan lamang ang
ibayong tiyaga para makabuo ng isang magandang disenyo.

Napapaganda ang isang likhang-sining sa pamamagitan

ng paglalagay ng sariling disenyo na hindi nalalayo sa mga
nilikha ng ating mga ninuno.

Panuto: Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek () ang hanay ng

napiling sagot sa bawat sukatan.

Mga Sukatan O Hindi Di-Tiyak

o
1. Naipakita ko ba ang
aking kakayahan sa
pag gawa ng banig?
2. Naunawaan ko ba ang
mga paraan sa paggawa
ng banig?
3. Nasiyahan ba ako
habang
gumagawa?

267

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Natapos ko ba ang
aking gawain sa
itinakdang oras?

268

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GLOSSARY
SINING

acrylic paint isang uri ng pintura na ginagamitan ng tubig

Background tanawin pinakamalyo sa tumitingin, likod
Bookmark ginagamit na pananda sa isang pahina ng libro
pabalat sa takip sa libro na may iba’t ibang disenyo o kulay
libro
border design disenyo sa paligid ng papel
banana stalk bahagi ng halamang saging na ginagamit na
pangdisenyo sa gawaing-sining
Bloke nagsisilbing pampatigas sa gilid na bahagi ng
papel
cardboard isang uri ng matigas na papel na ginagamit sa
gawaing-sining
container lalagyan ng tubig o anumang bagay
construction isang uri ng papel na ginagamit sa gawaing-sining
paper na may iba’t ibang kulay

cotton buds ginagamit na panlinis sa tainga

Chlorine nakalalasong kemikal na ginagamit na panlinis o
pang alis ng mantsa sa damit

coin purse lagayan ng barya

Disenyo ginamitan ng linya, kulay, at hugis upang
makabuo ng dibuho
disenyong disenyong nakaayos na ginagamitan ng linya
radial
disposable kutsarang yari sa plastik
spoon

271

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Espasyo bahagi ng isang buong lugar na nasusukat
elemento isang mahalagang sangkap o bahagi ng sining

Foreground Tanawing pinakamalapit sa tumitingin, harap

itanghal ipakita sa marami sa pamamagitan ng paglagay
sa harap o pagpaskil
Istilo pamamaraan
jewelry pouch lagayan ng iba’t ibang palamuti tulad ng singsing,
hikaw at kuwintas
kalikasan natural na makikita sa kapaligiran na gawa ng
Diyos
kultural kaugnayan sa isang partikular na grupo ng mga
tao at kanilang mga gawi, paniniwala, at tradisyon
kontribusyon mahalagang naiambag upang matapos ang isang
gawain o proyekto
Luwad Molde
Myural malaking larawan na ipininta na kadalasan
makikita sa mga dingding o pader
Middleground tanawin sa gitna, pagitan ng foreground at
background motif na iba’t-ibang uri ng disenyo
mula sa mga pangkat-etniko
malong isang uri ng kasuotan nagmula sa ating mga
pangkat-etniko
Overlap pagpapatong-patong ng mga hugis
Oil pastel isang uri ng pangkulay ginagamit sa gawaing-
sining
Palamuti Dekorasyon
Pista pagdiriwang sa isang lugar
Prinsipyo sinusunod na pamantayan sa sining

pangkat- grupo ng mga sinaunang tao

etniko

272

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pattern proseso ng sining na ginagawao ginagamit nang
paulit-ulit
placemat ginagamit na patungan ng mga pinggan,
kubyertos, at baso sa hapag kainan
Paglalala ng Masining na paglalala at pagtitiklop ng mga piraso
Banig ng materyales upang makalikha ng kahanga-
hangang disenyo ng banig-plorera na lalagyan ng
bulaklak
retaso pinagtabasang piraso ng tela
recycled paper papel na gamit na
Table runner isang mahabang tela na inilalagay sa mesa para
dekorasyon
Tina-tali ang Tina-tali (Tie-Dye) ay proseso ng pagkukulay
ay karaniwang binubuo ng pagtiklop, pagpilipit,
papatong na pagtiklop, o paglukot ng tela o isang
damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band)
na sinusundan ng pagbabad o paglubog sa timpla
na may kulay
T’boli mga taong nakatira sa pamayanang kultural na
matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng
T’nalak mula sa hibla ng abaka
T'nalak ay isang tradisyonal na tela ng ginagawa ng mga
T’boli sa Lake Sebu, Timog Cotabato. Ito
tradisyonal na tela ay hinabing-kamay na gawa sa
Abaka fibers na ayon sa kaugalian ay may tatlong
pangunahing mga kulay, pula, itim at ang orihinal
na kulay ng dahon Abaka
Value sangkap ng kulay na tumutukoy sa kapusyawan
at kadiliman nito
wall décor palamuti sa dingding

water color isang uri ng pangkula na ginagamitan ng tubig at

brotcha o brush

273

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Awit
Ako Mananggete
An Sakong Abaniko
Ang Alibangbang
Ang Huni ng Ibong Pipit
Ano-Ano
Atin Cu Pung Singsing
Baby Seeds
Bahay Kubo
Bandang Musika
Batang Magalang
Batang Masipag
Chua-ay
Clean Up Week Song
Do a Little Thing
Early to Bed
Gising Na
Hear the Rain
Huli Ka!
Ili-ili Tulog Anay
Inday Kalachuchi
Kalesa
Little Band
Liza Jane
Lupang Hinirang
Magandang Araw
Magtanim ay ‘Di Biro
Manang Biday
Masaya Kung Sama-sama
Ode to Joy
Oh, Come Play a Merry Tune
Oh, Who Can Play

274

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ohoy Alibangbang
Pamulinawen
Paruparong Bukid
Pentik Manok
Pilipinas Kong Mahal
Pilipinas Kong Mahal
Rain,Rain Go Away
Reach for the Sky
Run And Walk
Salidommay
She’ll be Coming Round the Mountain
Song and Dance
Tayo Na!
Tayo’y Magpasalamat
Tayo’y Magsaya
Tayo’y Umawit ng ABC
Tiririt ng Maya
Ugoy ng Duyan
Umawit at Sumayaw
Umayka Ti Eskuela
We’re on the Upward Trail
Will You Dance With Me?
Mga Awit sa Pakikinig
Ading
Are You Sleeping Lazy Juan?
Bahay Kubo
Blue Danube Waltz
Hallelujah Chorus
Happy Birthday
It Came Upon the Midnight Clear
Mindanao Sketches
My Heart Will Go on
Philippine Tongatong
Pop Goes the Weasel
Row, Row, Row Your Boat
Somewhere Over the Rainbow
Star Wars- Opening Theme
Tayo’y Umawit
275

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
APPENDIX

Sining
Discovery in Art 3 Elementary Worktext, pp. 109-110
Gawad ng Manlilikha ng Bayan, Pambansang Komisyon para sa
Kultura at mga Sining, Republika ng Pilipinas, 2004.
Modern Teacher Magazine, Sept. 2011, Vol.60.
Musika, Sining at Edukasyong Pangkatawan 4, pahina 21-24
Sining 4, pahina 11-12
Sining 4, pahina 78-79,
Sining 5, pahina 104-105
http://www.ehow.com/about_6669221_history-tie_dye.html
http://ecozeal.com/blog/the-history-and-art-of-tie-dyeing

280

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

You might also like