You are on page 1of 2

I.

PAGSASANAY / Activity
GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangang pag-aralan at malaman ang kahulugan ng akademikong pagsulat?
Ang akademikong pagsusulat ay isang mataas na kasanayan ng pag susulat, ginagamit ito upang
magbigay ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay. Dahil dito naipapakita kung
gaano ka epektibo ang isang manunulat sa ibat ibang larangan ng mga sulatin. Nakatutulong din ito sa
pagpapataas ng kaalaman ng manunulat sa iba’t ibang larangan.
2. Bakit kailangan mabatid ang mga tuntunin sa pagbuo ng sulatin sa akademikong pagsulat?
Kailangan na matutunan ng isang manunulat ang mga alintutunin sa pagbuo ng akademikong
pagsusulat para maging mas maayos at mas naititindihan ng mga magbabasa ang isang akademikong
sulatin.

3. Bakit kailangan mabatid mo ang mga layunin sa pagsasanay ng akademikong pagsulat? Paano ito
makatutulong sa iyo bilang mag- aaral?
Malaki ang maitutulong nito sa akin bilang mag-aaral dahil maaari kong maipahayag ang aking
saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat ng akademikong sulatin. At maaari ko rin ito magamit sa araw-
araw hanggang sa aking paglaki.
4. Paano mo magagamit sa pag-aaral at pagsusulat ang mga katangian ng akademikong pagsusulat?
Magagamit ko ang akademikong pagsulat upang mapaunlad ko ang aking pagkabihasa sa
pagsusulat. At mapa unlad ko ang aking kaalaman at impormasyon sa aking pag-iisip.

GAWAIN 2.
Basahin at Unawain ang talataan sa ibaba. Pagkatapos tukuyin kung kanino nauukol ang sulatin at kung ano-ano
ang katangian ng teksto.

Bilang isang kabataan at estudyante, hinahanap-hanap ko ang pakiramdam ng tag-araw dahil bakasyon
na. Lalong lalo na ang pakiramdam ng tuwa sa pag-iisip na malapit na ang araw para sa swimming. Ngunit hindi
lang ang paglangoy sa dagat ang naging habol ko sa lugar, kundi ang malibot ang buong lugar na kagandahang
gawa ng Diyos. Natatayang limang oras ang biyahe patungo sa lugar na ito. Kami ay nagmula sa Bagong Silang
sa Metro Manila at umalis ng ika-2 ng umaga at nakarating sa lugar sa ganap na ika-1 ng hapon dahil kailangan
naming tumigil muna sa bahay ng isang kasama upang kumain ng agahan.
Ang lugar na ito ay isla ng Pundaquit sa Zambales. Ito ay dinarayo dahil sa dalampasigan nitong gawa sa
abo ng bulkan na siyang nagmimistulang puting buhangin kapag nasisinagan ng araw. Ito rin ay daan patungo sa
iba’t-iba pang mga isla sa Zambales.Hindi lamang ang mga isla ang sentro ng atraksyon rito. Mayroon ding
pormasyon ng mga bato kung saan maaaring akyatin at makikita na ang lawak ng buong dalampasigan. Maaari
din namang kumuha ng litrato rito dahil sa ganda ng hampas ng alon sa mga bato. Marami ring makukuhang sea
shells na magandang ilagay sa koleksiyon.
Nagtatago rin dito ang isang napakataas na talon. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi namin ito nakitang
may tubig na dumadaloy. Ang talon ay nag tatago sa kaloob-looban ng isla at napapaligiran ng nagtataasang mga
puno at bato.Huwag palagpasin ang ganda ng kalikasan. Dayuhin at tangkilikin ang sariling atin. Tayo ay
magkaroon ng napakasayang alaala at karanasan sa mainit na yakap ng kalikasan na gawa ng Ating Diyos na
Buhay.
https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-halimbawa-ng-akademikong-sulatin-pangalawang-
markahan/
1. Sino ang pinag- uukulan ng teksto? Tungkol saan ito?
Tungkol ito sa isang estudyante na gustong-gusto ang panahon na tag-araw upang
makapagbakasyon. Tunalukoy niya dito ang mga kanyang ginawa at hinihikayat niya ang mga tao na dayuhin ang
mga isla sa Pilipinas.

2. Ano ang layunin ng teksto?


Ang layunin ng tekstong ito ay manghikayat ng mga turista at mga taong gustong magbakasyon na
pumunta o dumayo sa mga magagandang lugar at isla sa Pilipinas tulad ng Zambales.

3. Ano ang iyong damdamin nang mabasa ang teksto? Ipaliwanag.


Ako ay natuwa dahil habang binabasa ko and teksto naiisip ko na parang akong nasa isla na
nakahiga sa putting buhagin at lumalagoy sa dagat.

4. Nahikayat ka ba ng damdamin ng tesktong iyong binasa? Patunayan.


Ang damdamin ng teksto ay talagang nakaka pang hikayat kaya kapag ako ay nabakasyon
pinaplano ko na pumunta sa mga lugar sa Pilipinas na hindi ko pa napupuntahan.

5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng teksto sa mambabasa?


Ang mensaheng gustong ipahatid ng manunulat na dumayo at pumunta tayo sa mga lugar sa
Pilipinas at hinihikayat din nito na tangkilikin ang mga saliring hiyas ng Pilipinas.

You might also like