You are on page 1of 9

Banghay-Aralin 11

ASIGNATURA: Pagbasa at Baitang: 11


Pagsusuri ng Iba’t ibang Seksyon
Teksto tungo sa
Pananaliksik
Petsa: Marso 22, 2012 Sesyon:
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teskto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
ponemang kultural at panlipunan sa bansa
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng halimbawa ng
teksto (F11WG-IIIc-90)
I. LAYUNIN
Kaalaman: Nakatutukoy ng mga cohesive device na ginamit sa bawat pahayag.
Saykomotor: Nakagagawa ng tekstong deskriptibo gamit ang mga cohesive device

Apektiv: Naibabahagi ang kaalaman sa tekstong deskriptibo at cohesive device

II. PAKSANG- ARALIN


A. Paksa Tekstong Deskriptibo at Halimbawa ng Cohesive Device
B. Sanggunian http:/ siningngfilipino.blogspoty.com/2015/08/ang-
paglalarawan-na-pagpapahayag.html UP
Diksyunaryong Pilipino 2010 De Laza, C. & Batnag, A. (2016).
Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Rex Book Store. Manila, Philippines
C. Kagamitang Laptop, Mga Larawan, kartolina, PowerPoint presentation
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Pagbati

Magandang umaga sa inyo!


Isang bagong aralin naman ang ating
tatalakayin ngayon. Handa na ba ang lahat? Opo ma’am.

Paglalahad ng layunin
Bago tayo magsimula, basahin nang sabay- a. Nakatutukoy ng mga cohesive device na
sabay ang layunin natin para sa hapong ito. ginamit sa bawat pahayag.
b. Nakagagawa ng tekstong deskriptibo gamit
ang mga cohesive device
c. Naibabahagi ang kaalaman sa tekstong
deskriptibo at cohesive device

A. AKTIBI
Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating aralin ay
mamasyal muna tayo sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas. At dahil nasa pandemya pa tayo,
gagawin natin ito sa paraang birtwal. At sa
araw na ito ako ang magiging tour guide
ninyo. Kaya ano pa ang hinihintay natin?
Tayo nang mamasyal at humanga sa mga
tanawing nakakamangha dahil sa taglay
nitong kagandahan.

Magpapakita ng mga larawan at Makikinig ang mga mag-aaral.


magpapaliwanag ang guro.
BORACAY ISLAND

Chocolate Hills
Siargao

Ang mga lugar na ating napasyalan ay


Boracay, Chocolate Hills at Siargao.
Anu-anong mga lugar ang ating napasyalan?
Opo! Dahil magaganda ang mga tanawing
Gusto niyo bang bisitahin ang mga lugar na
makikita katulad na lamang ng Boracay island
ito? Bakit?
na kung saan ang tubig ay napakalinaw at
nahihikayat akong maligo. Sa Chocolate Hills
naman, hindi maipagkakaila na perpekto ang
pagkahubog nito at ang kulay ng burol ay
napakagandang tingnan. At sa Siargao, dahil
sa surfing ito maraming turista ang pumunta
rito. Napakalinaw rin ng tubig at marami pang
puwedeng puntahan gaya na lamang ng
Taktak Falls.

Paglalahad
Mailalarawan ito sa pamamagitan ng kung
Paano mo mailalarawan ang mga tanawing
ano ang aking nakita o pisikal na katangian
nakita?
nito.

Tama! Kapag ang paglalarawang ginawa ay


iyong isulat, ikaw ay makabubuo na ng
Tekstong Deskriptibo. Kaya ngayong araw
ang tatalakayin natin ay Tekstong Deskriptibo
at Halimbawa ng Cohesive Device.

B. ANALISIS
Pagtatalakay

Ngayon ay ating pag-aaralan kung ano nga ba


ang Tekstong Deskriptibo at Cohesive
Device.
Para po sa akin, ang tekstong deskriptibo ay
Kung ikaw ang tatanungin, ano para sa iyo
isang tekstong nagpapahayag ng paglalarawan
ang Tekstong Deskriptibo?
sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.

Tekstong Deskriptibo- isang pagpapahayag


Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan ng
ng impresyon o kakintalang likha ng
Tekstong deskriptibo.
pandama. Ang paglalarawan ay may layuning
makapagmalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong
larawan.
Teksto:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan
Magpapakita ng isang teksto at ipapabasa sa ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila
mga mag-aaral. anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok
na bumagay naman sa magandang hugis ng
kanyang mukha.
Sa pamamagitan ng paglalarawan sa kaniyang
pisikal na katangian.
Paano inilarawan si Venus? Kapag may paglalarawan ang isang teksto
mas nakatutulong ito sa mga mambabasa na
Tumpak! Bakit kailangan pa ng maintindihan at malinawan sa kung ano ang
paglalarawan? binabasa.

Tama! Sa tekstong deskriptibo, ang


paglalarawan ay makatutulong upang makuha
ng mga mambabasa ang imahe na nais na
iparating ng manunulat at mas madali na itong Opo.
maunawaan.
Maliwanag na ba ang tekstong deskriptibo?

Tumungo naman tayo sa cohesive device o


kohesyong gramatikal. Makikinig ang mga mag-aaral.

Magpapaliwanag ang guro tungkol sa


cohesion device. REPERENSIYA
SUBSTITUSIYON
May limang pangunahing cohesin device o ELLIPSIS
kohesyong gramatikal. PANG-UGNAY
Basahin nang sabay-sabay. KOHESYONG LEKSIKAL

Ang una nating tatalakayin ay ang Reperensiya- ito ang paggamit ng mga
Reperensiya. salitang maaaring tumukoy o magiging
Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan reperensiya ng paksang pinag-uusapan.
nito. 1. Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
Magbibigay ng dalawang pangungusap at kaibigan.
ipapabasa sa mga mag-aaral. 2. Siya ang nagbigay sa akin ng
inspirasyong bumangon sa umaga at
masiglang umuwi sa gabi. Ang
matatamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat
para sa kapaguran hindi lang ang
aking katawan kundi ang aking puso
at damdamin. Siya si Bella, ang bunso
kong kapatid na mag-iisang taon pa
lamang.

Sa unang bilang, mas naunang banggitin ang


Ano ang napapansin ninyo sa dalawang pangngalan na Aso at ginamit na lamang ang
pangungusap? panghalip na Ito sa sumunod na pangungusap
samantala sa ikalawang bilang naman
naunang banggitin ang panghalip na Siya at
ginamit na lamang ang pangngalang Bella sa
huling pangungusap.

Tama! Kapag ang panghalip na ginamit ay


nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ito ay tinatawag na
Anapora.
At kapag ang panghalip na ginamit naman ay
nasa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ito ay tinatawag na Si Ayeza ang nangunguna sa klase dahil siya
Katapora. ay mahilig mag-aral at magbasa ng mga libro.
Magbigay ng pangungusap na Anapora. Sila ang nagbuwis ng buhay. Nagtrabaho
kahit alam nilang delikado kaya nararapat
Magbigay naman ng pangungusap na lang na bigyan ng pagkilala. Sila ang mga
Katapora. bagong bayani ng kasalukuyang panahon.
Opo Ma’am.

Maliwanag na ba? Substitusiyon- paggamit ng ibang salitang


Dumako naman tayo sa Substitusiyon. ipapalit sa halip na muling uulitin ang salita.
Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan
nito. Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili
na lang kita ng bago.
Magbibigay ng halimbawa ang guro. Aklat at bago
Basahin nang sabay-sabay.
Anong salita ang parehong tumutukoy sa Makikinig ang mga mag-aaral.
iisang bagay?
Ipapaliwanag ng guro. Nahulog ko ang iyong mangga. Ikukuha na
lang kita ng isa.
Magbigay ng halimbawa. Mangga at isa.

Anong salita ang parehong tumutukoy sa


iisang bagay? Ellipsis- may binawas na bahagi ng
Isa pang koheksyong gramatikal ay Ellipsis. pangungusap subalit inaasahang
Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan maiintindihan o magiging malinaw pa rin ito
nito. sa mambabasa.

Magbibigay ng halimbawa:
Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at Bumili at aklat
si Rina nama’y tatlo. Makikinig ang mga mag-aaral.
Ano ang mga salitang binawas? Gusto kong bumili ng icecream pero ayaw ng
Ipapaliwanag ng guro. nanay ko.
Magbigay pa ng halimbawa. Binawas ang salitang icecream at bumili at
kahit na umikli ito ay malinaw pa rin ang
Paano ito naging Ellipsis? pinapahiwatig ng pangungusap.

Sa pagpapatuloy, tatalakayin naman natin ang Pang-ugnay- nagagamit ang pang-ugnay tulad
Pang-ugnay. ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
Basahin ang kahulugan nito. parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.

Magbibigay ng halimbawa.
Halimbawa: Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga
anak naman ay dapat magbalik ng Ang ginamit na pang-ugnay ay At.
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Ano ang ginamit na pang-ugnay sa Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo
pangungusap? para sa mga anak.
Ano ang mga pangungusap na pinag-ugnay? Ang mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Siya ay may maraming kamalian sa buhay
pero tanggap ko pa rin siya.
Magbigay pa ng halimbawa. Pero ang ginamit na pang-ugnay.
Opo Ma’am.
Ano ang ginamit na pang-ugnay?
Maliwanag na ba?

Ang ikalimang cohesive device ay Koheksyong Leksikal- mabibisang salitang


koheksyong leksikal. ginamit sa teksto upang magkaroon ito ng
Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan koheksyon. Maaaring mauri sa dalawa: ang
nito. reiterasyon at ang kolokasyon.

Ipapaliwanag ang Reiterasyon.


Reiterasyon- kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo: pag-uulit o repetasyon, pag-iis-isa, at
pagbibigay kahulugan. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
Magbibigay ng halimbawa ng Pag-uulit. paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho
Sabay-sabay na basahin ang pangungusap. na sa murang gulang pa lang.
Nagtatanim sila ng gulay sa bakuran. Ang
mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at
Basahin nang sabay-sabay ang pangungusap ampalaya.
na may Pag-iisa-isa.
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa pamilya ng dukha. Mahirap sila
Sabay-sabay na basahin ang pangungusap na kaya ang pag-aaral ay naisantabi kapalit ng
may Pagbibigay-kahulugan. ilang baryang maiaakyat nila para sa hapag-
kainan.
Pag-uulit o Repetasyon, Pag-iisa, at
Pagbibigay-kahulugan
Maliwanag na ba? Anu-ano ang tatlong uri ng
Reiterasyon?

Tama! Ngayon ay dumako naman tayo sa Kolokasyon- mga salitang karaniwang


Kolokasyon. nagagamit nang magkapareha o may kaugnay
Basahin nang sabay-sabay ang kahulugan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay
nito. naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o
magkasalungat.

Halimbawa:
Nanay-tatay Guro-mag-aaral Puti-itim at upuan-silya
Hilaga-timog aklat-libro Opo maam.
Magbigay pa ng halimbawa.
Tama! Nauunawaan na ba ang mga
Kohesyong Gramatikal?

Magaling! Sa pagpapatuloy ng ating


talakayan, aalamin natin kung anu-ano ang
mga Paraan ng Pagkakalarawan sa Damdamin 1. Pagsasaad sa aktuwal nararanasan
o Emosyon. ng tauhan.
Basahin nang sabay-sabay. Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni
Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kaniyang
paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa
matinding gutom na nadarama. Dalawang
araw na pala nang huling masayaran ng
pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
Paghihirap ng tauhan.

Anong damdamin o emosyon ang Dahil nakasaad sa halimbawa ang


namamayani sa binasa? nararanasan ng tauhan na kung saan
Bakit mo nasabing paghihirap ito? nahihirapan na siya sa kanyang
nararamdaman na pagkagutom.

2. Paggamit ng diyalogo o iniisip.


Ipapaliwanag ng guro. Halimbawa:”Ale, sa likod po ang pila. Isang
Sabay-sabay naming basahin ang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang
pangalawang paraan. na sa hulihan kayo pumila!”
Pagkainis
Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na
Anong damdamin ang namayani? kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa
Anong diyalogo ang sinabi ng tauhan? hulihan kayo pumila!

3. Pagsasaad sa ginagawa ng tauhan


Ipapaliwanag ng guro. Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi
Ngayon, basahin ang pangatlong paraan. ni Aling Lena habang tiim bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang
luhang kanina pa nagpupumilit bumalong
mula sa kanyang mga mata.
Nakatayo at pinipigilan ang luha sa kanyang
mga mata.
Ano ang ginagawa ng tauhan?
4. Paggamit ng tayutay o
Ipapaliwanag ng guro. matatalinhagang pananalita.
At basahin ang panghuling paraan. Halimbawa: Ito ay marahil ang pinakadilim
na sandali sa kanyang buhay. Maging ang
langit ay lumuha sa kalungkutan dulot ng
pagyumao ng pinakamamahal niyang si Berta.

Labis na pagkalungkot
Ang langit ay lumuha at ito ay pagsasatao.
Anong damdamin ang namayani sa tauhan?
Anong tayutay ang ginamit at anong uri ito?

C. ABSTRAKSYON Tungkol sa Tekstong Deskriptibo, mga


Paglalahat Cohesive Device at ang mga Paraan ng
Sa kabuuan, tungkol saan ang tinalakay natin? Paglalarawan ng Damdamin o Emosyon.

Ang tekstong deskriptibo ay isang tekstong


nagpapahayag ng paglalarawan sa katangian
Kung talagang nauunawaan niyo na ang ating ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari.
tinalakay, ano ang tekstong deskriptibo?
Ang mga cohesive device ay reperensiya,
substitusiyon, ellipsis, pang-ugnay, at
Anu-ano naman ang mga cohesive device? kohesyong leksikal.
Dahil sa paggamit ng cohesive device sa
pagsulat mas nagiging malinaw at maayos
Bakit kailangan isaalang-alang natin ang ang daloy ng kaisipan sa isang teksto.
paggamit ng cohesive device sa pagsulat ng
teksto? Ang mga paraan ng paglalarawan ng
damdamin o emosyon ay pagsasaad sa
Anu-ano naman ang mga paraan sa aktuwal na nararanasan ng tauhan, paggamit
paglalarawan ng damdamin o emosyon? ng diyalogo o iniisip, pagsasaad sa ginagawa
ng tauhan, at paggamit ng tayutay o
matatalinhagang salita.
Dahil mas maipapakita sa mga mambabasa
ang buong larawan at kaisipan ng isang
Bakit kailangang ilarawan ang damdamin ng teksto.
isang tauhan?

D. APLIKASYON
Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko ang klase sa
apat na pangkat.

Kailangang gumawa ang bawat pangkat ng


isang tekstong deskriptibo na ginagamitan ng
mga cohesive device. Sa unang pangkat, ang
cohesive device na gagamitin nila ay
REPERENSIYA. Sa pangalawang pangkat
naman ay SUBSTITUSIYON. Sa pangatlong
pangkat naman ay ELLIPSIS at sa pang-apat
na pangkat ay PANG-UGNAY at
KOHESYONG LEKSIKAL. Bibigyan ko
lamang kayo ng 10 minuto para matapos ito. Pamantayan:
Paggamit ng Cohesive Device----------------5
Basahin nang sabay-sabay ang pamantayan. Kalinawan---------------------------------------3
Kooperasyon------------------------------------2
Kabuuan ----------------------------------------10

PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at
tukuyin kung anong cohesive device ang mga
ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. KATAPORA
1. Hindi ko siya masisisi na umalis ng
bansa. Batid kong nahihirapan na si
itay na magtrabaho rito. 2. PANG-UGNAY
2. Iwasan mo na sila upang hindi ka
mapahamak. 3. ANAPORA
3. Si Luis na lang ang tanging
tumutulong sa akin ngayon. Siya, ang
itinuturing kong tunay na kaibigan. 4. SUBSTITUSIYON
4. Nakita mo ba ang mga medyas ko?
Kahit na ang itim lang. 5. ELLIPSIS
5. Pupunta sana kami sa dagat pero hindi
kami

IV. TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng tekstong nagpapahayag ng paraan
ng paglalarawan sa damdamin o emosyon.

You might also like