You are on page 1of 1

DISIPLINA SA ESKWELA

Pabor ako sa pagpasa ng gawaing pang-paaralan sa itinakdang panahon ngayong


tayo ay nasa gitna ng pandemya, kung ating titignan ay isa itong magandang paraan upang
mapanatili ang disiplina at pagiging responsable ng bawat estudyante, ang mga ibinigay na
gawaing pang-paaralan ay isang responsibilidad na dapat tugunan ng isang kabataang mag-
aaral.
Ngayong panahon ng pandemya ay hindi lamang guro ang dapat mag adjust sa
bagong sistema ng edukasyon kundi ang mga estudyante rin, I-Ilan kase sa mga estudyante
ngayong panahong ito ay mahilig ipagpabukas ang mga gawaing nararapat na gawin sa
itinakdang araw, resulta nito ay ang pagpatong-patong at pagrami ng mga gawaing pang-
paaralan, kaya’t ang paglalapat ng itinakdang oras sa mga gawaing ibinigay ay isang malaking
tulong upang matapos agad ang gawain, at mabalanse ang uri ng pamumuhay ng isang
kabataan magandang paraan rin ito upang matuto ang isang estudyante sa maayos na
pamamahala sa kanyang oras.
Kaya’t napakagandang at napakaimportante sa isang estudyante ang pagtatakda ng
oras sa ibinigay sa pag-gawa ng gawain dahil malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa
kanyang sarili ngunit para rin sa kanyang kinabukasan.

You might also like