You are on page 1of 1

Pebrero 14, 2024

"Unsaon nako pagdalagan kung ang gugma mo kanunay kong gikuyugan.". Sa


malamig na umagang ito, ang aking paggising ay sinalubong ng isang kantang
puno ng masidhing damdamin. Ang mga liriko nito ay tumagos sa aking puso at
nagpapabukas ng aking araw.
Ang araw na ito ay inaabangan ng mga tao sa buong mundo, sapagkat alam
kong ito'y araw ng mga pusong nagmamahalan. Ang mundo ay tila nakapinta sa
kulay pula, puno ng pag-ibig at pagmamahal. Bawat isa handog ay tsokolate’t
bulaklak na simbolo ng pusong puno pagmamahal.
Sa kabila ng espesyal na okasyon, hindi ito naging hadlang sa aming pag-aaral.
Sa klase, patuloy kaming nag-aaral sa mga bagong konsepto na ibinabahagi ng
aming guro. Kaya kahit ang panahon ay makulimlim at malamig, handa pa rin
akong harapin ang araw at pumunta sa paaralan. Kahit na galing pa ako sa
bundok at inaasahan kong bubuhos ang ulan, hindi ito naging hadlang upang
maabala sa pagtungo sa klase. Kasama ang aking ama at ang kanyang
motorsiklo, nagpasiya kaming magpahinga muna at maghintay ng magandang
pagkakataon bago magpatuloy sa aming biyahe.
Sa wakas, dumating ang oras na makapasok sa klase. Kahit na may kakaibang
pakiramdam dahil sa pagkaantala, ipinakita ko pa rin ang aking dedikasyon sa
pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagpapaliwanag, sinabi ko
sa aking guro ang dahilan kung bakit ako nahuli sa klase.
Sa unang bahagi ng klase, binabalikan namin ang mga konsepto tungkol sa
pagsulat at ang proseso nito. Kasunod nito ay ang mahalagang talakayan
tungkol sa mga bahagi ng teksto at ang mga pamamaraan sa pagbuo ng
mabisang panimula at pag-organisa ng katawan ng teksto.
Sa pangalawang asignatura na "Assessment for Learning 2," mas lalo pang
pinalalim ang aming pag-unawa sa prinsipyong nagtutukoy sa mataas na
kalidad ng pagsusuri. Pinag-usapan namin ang limang prinsipyo nito,
kabilang ang malinaw at angkop na mga layunin, tamang mga pamamaraan at
paraan ng pagsusuri, balanse, katumpakan, at katiyakan.
Sa kabuuan, ako'y nagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito dahil sa kabila
ng mga hamon at pagsubok, ako ay binigyan ng pagkakataong mag-aral at
magpatuloy sa pag-unlad bilang isang mag-aaral. Ang araw na ito ay isang
paalala na sa gitna ng mga pagsubok, ang pagmamahal at dedikasyon sa pag-
aaral ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas.

You might also like