Pebrero 07 (9talaarawan) Docx

You might also like

You are on page 1of 1

Pebrero 07, 2024

Ngayong araw, isang espesyal na okasyon ang aking sinalubong sapagkat ito ang
kaarawan ng aking minamahal na kapatid. Ang araw na ito ay puno ng
pagmamahal at pagdiriwang para sa kanya.
Habang ipinagdiriwang namin ang kaarawan ng aking kapatid, may isa pang
mahalagang pangyayari sa aking buhay na aking inaasikaso. Ipinagpapasalamat ko
sa Diyos na sa wakas, natupad na ang matagal ko nang ninanais na makuha ko ang
tatlong asignatura para sa semester na ito upang sa susunod na taunang panuruan
ay makatanggap ako ng diploma na higit kong inaasam.
Ang aking unang pasok sa asignaturang "malikhaing pagsulat" ay isang biyaya na
hindi ko lubos maisip. Sa pagkakataong ito, mayroon din kaming Assessment for
Learning 2 para punan ang aming mga pagkukulang bilang isang guro sa
hinaharap kasama si Jobell B. Jajalla bilang instuktor namin.
Sa kagyat na pag-aasikaso at paghahanda, nagkaroon ako ng maagang simula ng
aking araw. Mula sa pag-aaral ng mga konsepto na aming tinalakay noong
nakaraang linggo hanggang sa paghahanda sa susunod na klase at siniguro kong
handa ako para sa aming unang sesyon kasama ang mga mag-aaral sa BSED
Filipino 2B. Ang aming diskusyon kasama si Ma’am Conie bilang instruktor sa
asignaturang malikhaing pagsulat ay nagsimula sa pagtalakay sa kahulugan at
layunin ng asignaturang ito, kung ano ang pagsulat ayon sa iba't ibang mga awtor,
uri ng pagsulat, proseso nito, at mga bahagi ng pagsulat. Natapos ang aming
talakayan sesyon ng alas dyes ng umaga.
Pagkatapos ng aming klase, nagpunta ako sa silid-aklatan upang magpatuloy sa
aking pag-aaral habang hinihintay ang susunod na klase. Napagtagumpayan ko
ang mga oras na iyon sa pagbabasa at pagpapaunlad ng aking kaalaman.
Hindi naglaon, dumating ang oras para sa aming pangalawang klase. Dito ay mas
lalo pang nagiging malalim ang aming pag-unawa sa mga itinuro sa amin na lubos
na kapakipakinabang balang araw sa mga guro na katulad ko. Natapos ang aming
talakayan sa tanghaling tapat.
Sa pag-uwi ko, dala-dala ko ang bagong kaalaman at pagpapahalaga sa mga bagay
na minsan ko nang nakalimutan. Ang araw na ito ay puno ng mga karanasan at
kaalaman na magiging mahalaga sa aking paglago at pag-unlad bilang isang
gurong mag-aaral at indibidwal.

You might also like