You are on page 1of 7

Paaralan: CAMALIG ELEMENTARY SCHOOL Antas: 4

GRADES 1 to 12 Guro: PAUL LEONARD C. SALAZAR Asignatura: FILIPINO


DAILY LESSON LOG Petsa ng Pagtuturo: OKTUBRE 20, 2023 Markahan: UNA

TEACHER’S ACTIVITY Annotations


(PPST Indicators/ KRA Objectives to be
I. LAYUNIN observed during the classroom observation)
Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat lingo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang
kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat lingo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa binasang tekstong pang-impormasyon.
C. Mga Kasanayan sa Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang
Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat nagbibigay ng kahulugan (F4PT-lg-1.4)
kasanayan) -kasingkahulugan
-kasalungat
-paglalarawan
-pormal na depinisyon
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat lingo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.

II. NILALAMAN Paggamit ng mga Pahiwatig Upang Malaman ang Kahulugan ng mga Salita

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang Panturo gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 74-75
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag- 29-36
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint, TV, Tsart
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Para simulan ang ating leksyon, balik aralan muna natin ang ating aralin tungkol sa panghalip pananong na paano
pagsisimula ng aralin at bakit.

Gamit ang inyong “Show Me Board”, isulat kung paano at bakit ang angkop na panghalip pananong sa bawat
pangungusap. Itaas ang “Show Me Board” sa aking hudyat.
1. ______ mo ginawa ang iyong proyekto?
2. ________ hindi ka pumasok kahapon?
3. _______ kailangang alagaan ang ating kalikasan?
4. ________ gusto mong maging doktor?
5. _______ ang tamang pagluluto ng sopas?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Basahin naman natin ang tulang pangalawang nanay. Makinig maiigi dahil may mga tanong tayong sasagutan
pagkatapos. Sino ang maaring magbasa ng tula?

Page 1 of 7
Pangalawang Nanay

Noong ako’y munti pang hindi nag-aaral


Lagi nang malinis ang mukha ni Nanay
Kaydami ko nang magagandang laruan
Na tuwa ko’t aliw sa aming tahanan.

Isang araw noon, pagkaumaga na


Sa Mababang Paaralan ng Boboy ako’y dinala
Marami na kaming batang sama-sama
Sa yungyong ng isang magandang maestra.

Sa pag-aaral ko’y isip ay namulat


Sa tulong ng guro na ubod ng sipag.
Marunong na akong bumasa’t sumulat
May magandang asal at loob na tapat.

Tulad rin sa amin itong paaralan


Ang itinuturo’y pawang kabutihan
Nakapagtataka at siyang tunay
Ang guro pala’y pangalawang Nanay.

Ngayon naman ay sagutin natin ang mga sumusunod ukol sa tula.


Gamit ang interactitive claw machine. Pumili ng isa at sagutin ang tanong.
“Claw Machine Game”

1.Ano ang pamagat ng tula?


2. Ano ang sinasabi ng bata tungkol sa Nanay noong hindi pa siya nag-aaral?
3. Saan dinala ng nanay ang bata isang umaga?
4.Ano-ano ang natutuhan ng bata sa paaralan?
5.Sino ang tinutukoy na pangalawang nanay? Bakit?

Magaling mga bata!


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Basahin natin ang mga salita o pariralang buhat sa tula.
aralin
Yungyong munti namulat ubod ng sipag
Loob na tapat pangalawang nanay maestra

Ito ay ilan sa mga salitang tila di madaling maintindihan. Tukuyin natin ang kanilang kahulugan.

1. munti - kahulugan -maliit


2. loob na tapat - kabaligtaran - sinungaling
3. maestra - kahulugan - guro o pangalawang nanay
4. yungyong - kahulugan - kapiling o kasama

Page 2 of 7
5. ubod ng sipag - kahulugan - napakasipag, gawa nang gawa

Isa sa mga paraan upang matukoy ang kahulugan ng mga bagong salita ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
salitang kasingkahulugan, kasalungat, gamit ang pahiwatig (context clue) at mas mabuti rin ang paggamit ng
ating diksyunaryo.

Isa isahin natin ang mga paraan na ito.


D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Sa ating susunod na gawain, Pagtambalin natin ang mga 2 salitang may kapareho o kabaliktaran ng kahulugan.
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Ang mga salita ito ay nakatago sa likod ng mga kahon. Upang mas madali natin itong mapagpares ay i-add o
pagsamahin ang dalawang numero. Ang mga salitang magkapares ay magkamuka ang kanilang sagot.
“Matching Game- Pares pares”

Ang napili mo bang mga salitang magkapares ay may magkasalungat na kahulugan o magkasingkahulugan?

Ipaliwanag:
➢ Kasingkahulugang salita- Ito ay mga salitang magkaiba ang baybay ngunit pareho ang kahulugan.
Halimbawa: masipag- matiyaga
maalaga- maruga
➢ Kasalungat na Kahulugan- Magkaiba ang kahulugan ng
dalawang salita.
Halimbawa: masaya- malungkot
mabuti- masama
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at GAME
paglalahad bagong kasanayan #2
Piliin ang kasingkahulugan, kahulugang gamit ang pahiwatig o depinisyon ng salitang may salungguhit.

1.Hinihikayat nila ang mga kabataan upang sumali sa Proyektong Tree Planting.
(inaayawan, kinukumbinsi)
2. Todo alerto ang ating kapulisan ngayon upang SUPILIN ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.(pigilin,
aprubahan)
3.Naging agresibo ang taong lulong sa ipinagbabawal na gamot kayat nakakapanakit sila.
(mabilis magpasya, masinop sa buhay)
4. Nakahinga siya nang maluwag dahil naapuhap niya ang nawalang dokumento.
(natagpuan, nawaglit)
5. Mas kinatigan niya ang sinabi ng kaibigan kaysa sa pahayag ng kanyang kapatid. (kinampihan, kinupitan)

Sa atin naming pagsagot dito ay gumamit tayo ng context clue.


Ipaliwanag:
➢ Gamit ang pahiwatig(Context Clue) – dito naman makikita
ang kahulugan sa loob ng buong pangungusap.
Halimbawa: Todo alerto ang ating mga kapulisan ngayon
upang SUPILIN ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamut.
( supilin- ipinagbabawal)

Page 3 of 7
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Ngayon naman, tukuyin arito ang isang bahagi ng diksyonaryo, tukuyin natin ang mga sumusunod na kahulugan
Formative Assessment ) ng mga nakalistang salita gamit ito.

1. Galang
2. Galasgas
3. Galante
4. Galit
Ipaliwanag:
➢ Gamit ang Diksyunaryo- (Talahulugan) Nakatala rin dito
ang mga kahulugan ng isang salita,maging ang mga etimolohiya o pinagmulan ng salita,mga
pagbigkas(diksyon)at iba pang mahalagang impormasyon.
Halimbawa: Batya- Ito ay isang kagamitan na mamaring pagbabaran ng ating mga damit.
Pangungusap: Si Ana ay nagbabad ng kanyang damit sa malinis na batya.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw Pangkatang Gawain
na buhay Bago tayo mag umpisa ay tandan muna natin ang mga pamantayan sa paggawa.

Pangkat 1
PANUTO: Isulat ang tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at mali kung hindi .
_____1. Ginagamit ang diksyonaryo upang malaman ang kahulugan ng salita.
_____ 2.Ang pagbibigay ng kasalungat ay nakatutulong upang maunawaan ang kahulugan ng isang salita.
_____3. Ang magkasingkahulugan ay mga salitang magkapareho Ng kahulugan .
Page 4 of 7
_____4.Ang paggamit ng isang salita sa pangungusap ay nakatutulong upang maunawaan ang kahulugan ng
isang salita. Ito ang paggamit ng pahiwatig .(context clue)
_____5. Hindi nakatutulong ang diksyonaryo sa paghanap ng kasingkahulugan o kasalungat ng mga salita.

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Hanapin ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita sa diksyonaryo ito.

Page 5 of 7
1. Abaka
2. Abo
3. Abot
4. Abay
5. Abayan
H. Paglalahat ng Aralin Maarai nating matukoy ang kahulugan ng mga bagong salita ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salitang
kasingkahulugan, kasalungat, gamit ang pahiwatig (context clue) at mas mabuti rin ang paggamit ng ating
diksyunaryo.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Mahapdi ang aking mata dahil sa alikabok. Ano ang kasingkahulugan ng mahapdi?
A.masakit B. malinaw C. Maganda D. Malabo
2. Masarap ang tulog ng sanggol dahil busog siya. Ano ang kahulugan ng masarap sa pangungusap?
A.malinamnam B. mahimbing C.puyat D. malasa
3. Malakas ang tunog ng radyo. Ano ang kabaligtaran ng malakas?
A.maliit B.malaki C. mataas D. mahina
4. Ang bata ay masikhay sa kanyang pag-aaral kaya mataas ang kanyang grado. Ano ang kahulugan ng
masikhay?
A.masikap B.maagap C. masigla D. mahilig
5. Ang Nanay ko ay masinop, hindi niya pinababayaang nakakalat ang mga gamit. Ano ang kahulugan ng
masinop?
A.hinahayaang nakakalat ang mga gamit
B.maalaga at maingat sa mga gamit
C.mataas ang presyo ng mga gamit
D.walang pakialam sa mga gamit

J. Karagdagang gawain para sa takdang- PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita sa pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
aralin at remediation

Page 6 of 7
1.Nakakita ka ba ng multo at ________ ka sa takot dyan?
2.Sa aking ugat ___________ ang dugo ng tunay na Pilipino.
3.Ano ba yang dala-dala mo at ________ mo pa na parang aagawan ka?
4.Hindi ko maunawaan ang mga naririnig ko sayo, ___________ na ako.
5.“Aba! Kailan ba tayo makalalabas ng bahay?”, _________ ng matanda dahil sa sobrang pagkainip.
IV. MGA TALA
Magnilay sa inyong mga istratehiy ang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mag-aaral sa bawat lingo. Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin upang sila’y
V. PAGNINILAY matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maari nilang ibigay saiyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang mag-aaral na na ngangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheya ng pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni: Iwinasto ni: Binigyang Panin:

PAUL LEONARD C. SALAZAR SIERRA DACLES EMMANUEL GERONIMO


Guro III Master Teacher I Punungguro I

Page 7 of 7

You might also like