You are on page 1of 1

Pebrero 8, 2024

Ang pagsulat ay isang sandata na mabisang nagbabago ng takbo ng mundo at ng


aking sariling buhay. Sa bawat salita na isinusulat ko, nagiging organisado ang
aking mga pangarap at layunin.sa buhay.

Sa araw na ito, bumangon ako na may determinasyon na pag-aralan ang mga


bagong kaalaman at abisuhan ang aking kahandaan sa hinaharap.

Nagkaroon ako ng apat na mahahalagang asignatura ngayong araw na ito na


dapat bigyan ng pansin. Ito ang mga asignatura na magpupuno sa aking
kakulangan bilang isang guro at mag-aaral. Ang unang klase ko ay nagsimula
ng alas otso ng umaga sa asignaturang "Strategies for Teaching and Learning."
Kasunod nito ay ang mga klase sa "Dulaang Filipino" at "Panulaang Filipino"
na nagtapos ng alas dose at kalahati ng tanghali.

Sa hapon, bumalik ako sa paaralan upang makinig sa leksyon sa asignaturang


"The Teacher and the Community, School Culture and Organizational
Leadership." Habang nag-aaral sa aming silid-aklatan, lubos kong
pinasasalamatan ang araw na ito sapagkat nailaan ko ang oras ko para sa aking
pag-aaral ng mahabang-mahaba kumpara sa mga nakaraang araw. Matapos ang
aming mga klase, bumalik ako sa aming tahanan ng alas tres at kalahati ng
hapon bitbit ang mga panibagong kaalaman na syang tulay upang makatawid
tungo sa pag-abot ng isang pangarap

Sa kabuuan, ang araw na ito ay puno ng pagtitiyaga at pasasalamat. Ang bawat


oras na inilaan ko sa pag-aaral ay naglalayong higit pang mapalalim ang aking
kaalaman at maipagpatuloy ang aking pag-unlad bilang isang gurong mag-
aaral. Sa tulong ng pagsusulat at pag-aaral, ako'y patuloy na magiging handa
sa mga hamon at pagkakataon na darating sa hinaharap.

You might also like