You are on page 1of 2

KONGKLUSYON

Bilang resulta ng masusing pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa mga


mag-aaral ng Humss sa Senior High school grade 11 ng Manuel S. Enverga
University Foundation Camdelaria Incorporated, napagpasiyahan na nakakaapekto
ang online learning sa akademiko na oryentasyon ng mga estudyante sa pagganap nila
sa asignaturan . Madami ang tumugon na nakakatulong ang online learning ngayong
pandemya ngunit hindi nagiging sapat ang kanilang kaalaman. Nakakaranas din sila
ng mga problema sa instrumentong ginagamit nila kapag online class bukod doon
nahihhirapan silang mag-aral ngayong pandemya. At ayon sa serbey nakakakuha sila
ng mas mabababang grado ngayong online class kesa face to face na klas. Hindi rin
pareho ang kanilang pagkatuto ngayong online na klase kesa sa harapang pagkaklase.
Sa kabuoan ng serbey nakakaapekto sa kanilang performance ang oryentasyon
ngayong pandemya, nababawasan ang kanilang pagkatuto at nakakakuha sila ng
mababang grado.

REKOMENDASYON
Ang maaari lamang nating gawin ngayong panahon ng pandemya aay makinig ng
maayos upang may matutunan tayo dahil hindi habang buhay ay may pandemya. May
hangganan ang lahat kailangan din nating tulungan ang ating mga sarili ngayong
panahon ng pandemya. Kailangan nating magkaisa at sumunod dahil iyon lamang ang
makakatulong sa atin bilang estudiyante.

MGA MAG AARAL


Kung nahihirapan kayong mag-aral ngayong panahon ng pandemya gawin na
lamang ang mga gawain sa tamang oras upang makakuha ng sapat na grado dahil
hindi naman habang buhay may pandemya. Makinig sa mga guro at huwag tamadin sa
pag-aaral dahil nasa atin din yan kung gusto nating matuto hindi man sapat ang ating
natutunan may mga bagay ding itinuro sa ating ang pagkakaroon ng pandemya at iton
ay ang maging responsable sa lahat ng bagay. Kayanin mo ang lahat upang matupad
mo ang mga pangarap mo, humingi ng trulong kapag nahihirapan at maging positibo
sa lahat ng bagay.

MGA GURO
Kailangan namin ang inyong tulong ngayong panahon pandemya para sa aming
pag-aaral. Sana mas lawakan niyo pa ang inyong pang-unawa sa mga mag-aaral dahil
hindi lahat ng mag-aaral ay pare pareho ang pamumuhay. Madami po kaming gustong
matutunan mula sa inyo. Ipagpaumanhin niyo po ang iba sa kanilang pagiging
iresponsable at turuan sila kung paano maitatama ang kanilang pagkakamali.

MGA MAGULANG
Sa mga magulang tulungan ang mga anak na lampasan ang kanilang mga
problema huwag mag expect ng matataas na grado ngayong panahon ng pandemya
dahil hindi lahat ng estudyante ay sapat ang natutunan. Huwag I-pressure ang mga
anak dahil sa mga kagustuhan niyong maging kung sino sila. Bigyan ng matinding
gabay ang inyong mga anak dahil hindi madali ang pag-aaral ngayong panahon.

MGA PAARALAN
Sapat dapat ang pagbibigay ng mga gawain at alamin din ang kalagayan ng mga
estudiyante. Bigyan sila ng sapat na pahinga sapag-aaral at bigyan din sila ng sapat
gabay upang hindi sila gumawa ng mga bagay na hindi dapat ginagawa.
MGA MANANALIKSIK
Makakatulong ang pananliksik na ito hindi lamang sa mga makakabasa ganon din
sa mga susunod na mananaliksik. Magkakaroon kayo ng kaalaman tungkol sa mga
pangyayari ngayong pnahon ng pandemya at mas lalawak ang inyong pag-iisip
tungkol sa mga bagay bagay.

You might also like