Professional Documents
Culture Documents
Rehistro NG Wika
Rehistro NG Wika
sa
Mababang Paaralan
Ipinasa ni: Sinead Audrey
Vallestero Ivy Villanueva
Dann Giongco
Arizza Sosa
Shari Celajes
Jessica
Santiago
Paunang Salita
Metodoloji
• Pinaghati-hati ng lider ang gawain sa bawat miyembro tulad ng
pangangalap ng mga reperens at sanggunian na magiging
basehan, paggawa ng paunang salita, pagdodokyument, pagtatala
ng mga termino at datos, at paggawa ng konklusyon. Lahat sa
pangkat ay nagpalitan ng mga ideya tungkol sa rehistro ng wika ng
guro upang lubos na maunawaan ang kahalagahan nito at para na
rin maintindihan ang mga dapat gawin. Sa pagdodokyument, isa
sa mga miyembro namin ang kumausap sa kanyang kamag-anak
na isang guro. Kayang tinanong ang mga iba’t-ibang kaalaman at
wika na ginagamit niya bilang isang guro sa paaralan sa pang-
araw-araw at ang kahalagahan ng kanyang propesyon at wika. Siya
ay si Gng. Benilda Vallestero. At siya ay dating guro ng mababang
paaralan ng Antonio Regidor sa Sta. Cruz, Maynila. Nagturo siya
ng Filipino, Matematika, at Siyensya sa mga estudyante sa
ikalawang baitang. Lahat ng datos ay pinagsama-sama ng buong
pangkat hanggang sa makabuo kami ng isang konklusyon.
Paglalahad ng Datos
Sa bawat grupo ng mga tao ay may mga angkop na mga salita
na tanging sila lamang ang nakakaunawa o nakakaintindi. Ang mga
salitang ito ay maaaring napagkasunduang buuhin, maaari namang
mga salita na nagmula sa mga taong sa kanila ay minsan ng nagtungo
at nanirahan na nagsisilbing tanda ng kanilang kinabibilangang
lipunan, samahan o pangkat.