You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Division of Gabaldon City of Nueca Ecija
GVAHS Senior High School

KATITIKAN NG PULONG NG MGA MAGULANG NG GRADE 12 STEM


Setyembre 20, 2023
12 STEM Room

Layunin ng Pulong: Magkaroon ng isang pagpupulong para sa Homeroom Parent-Teacher


Association (PTA) ng mga magulang ng 12 STEM.
Petsa / Oras: Septyembre 20, 2023 7:30- 8:30 n.u.
Lokasyon: 12 STEM Room
Tagapanguna: Gng. Rudezza Adriano (Class adviser)

Bilang ng mga Taong Dumalo: 20


Mga Dumalo:
G. Johnrey De Guzman Gng. Maria Valdez
Gng. Janella Florentin Gng. Perla Bautista
Gng. Alma Barron Gng. Rose Dizon
Gng. Denise Santos G. Robert Tiongson
Gng. Kayla Latorre G. Renato Bautista
Mga Hindi Dumalo:
Gng. Alma Asagra G. Bien Dacumos
Gng. Arianne Duba Gng. Mercy Reyes
G. Matthew Espenilla G. Michael Juan
G. JP Fernandez G. Reymond Estacio
Gng. April Dela Cruz Gng. Hanna Tonido
Agenda: Pagpupulong ng mga Magulang at Guro
1.Kagilirang Kaalaman sa STEM strand
2. Iskedyul ng 12 STEM
3. Mga Patakaran sa loob ng paaralan
4. Eleksyon ng Pinuno ng PTA
5. Panukalang Proyekto ng PTA
6. Mga iba pang pag-uusapan
Talakayan ng Pagpupulong:
A. Kagilirang Kaalaman sa STEM strand at iskedyul
 Ang pagpupulong ay itinayo ni Gng. Ruddeza Adriano bilang adviser ng
12 STEM sa ganap na 7: 30 ng umaga. Sinumalan niya ito sa pamamagitan
ng panalangin at ang kasunod , siya ay nagpakikila sa mga magulang ng
istudyante bilang adviser ng 12 STEM. Nilinaw niya at nagbigay ng
karagdagang impormasyon tungkol sa STEM curriculum at K+12 updates.

 Ipinaliwanag din niya ang iskedyul ng mga mag-aaral ng SHS. Mula lunes
hanggang byernes magsisimula ang kanilang klase sa ganap na 6:30 ng
umaga at magtatapos sa ganap na 11:45 ng tanghali at tuwing lunes
kinakailangan pumasok ng mga istudyante bago mag 6: 15 ng umaga para
sa flag ceremony.

B. Mga Patakaran sa loob ng paaralan


 Pagtalakay ng adviser sa pag-uugali at mga polisiya sa loob ng paaralan.
Pagsusuot ng uniporme mula lunes hanggang huwebes.
Bawal ang may kulay na buhok sa babae at lalaking istudyante.
Bawal ang maglagay ng hikaw ang mga lalaki.
Bawal gumamit ng cellphone sa oras ng klase.
Pagliban at hindi tamang pagpasok sa oras ng klase.

 Magsusulat ang mag-aaral ng promissory note para sa una at ikalawang


pagkakasala at pinapayagan na pumasok sa klase, ngunit kung ginawa nila
itong muli sa ikatlong pagkakataon, ang mag-aaral sa huling pagkakataon
ay susulat ng promissory note at pinapayagang pumasok sa klase ngunit
may kondisyon na ang mag-aaral, dadalhin ang kanyang
magulang/tagapag-alaga sa susunod na umaga. Para sa kadahilanang
pormalidad, ang adviser ay magbibigay ng imbitasyon para sa isang
Guidance conference.
C. Eleksyon ng Pinuno ng PTA
 Sa pangunguna ni Gng. Rudezza Adriano sinimulan niya ang halalan ng
mga PTA opisyal.

President: Denise Santos


Vice President: Janella Florentin
Treasurer: Rose Dizon
Auditor: Kayla Latorre
PIO: 1. Hanna Tonido
2. Alma Barron
Bussines Manager: Johnrey De Guzman

D. Panukalang Proyekto ng PTA at mga iba pang pag-uusapan


 Sa pangunguna ni Gng. Denise Santos nakapagkasunduan na pintura na
lamang ang magiging proyekto para sa silid paaralan ng Grade 12 STEM at
ito ay napaghatian sa halagang 100 pesos, ito ay kokolektahin ni Gng. Rose
Dizon bilang treasure ng PTA hanggang sa katapusan ng Setyembre.
 Napag-usapan ng mga magulang at ni Gng. Rudezza na gumawa ng group
chat para sa mga magulang upang ipaalam rin sa mga magulang na hindi
dumalo ang mga natalakay sa pagpupulong.
Iskedyul na susunod na pagpupulong:
Walang nabanggit na petsa
Pagtatapos ng Pulong:
Ang pagpupulong ay nagtapos sa ganap na 9:00 ng umaga.

Inihanda ni:

RUDEZZA ADRIANO
Guro

Inapprubahan ni:

RONALYN GONZALES
Punong Guro ng SHS

You might also like