You are on page 1of 5

SAMAHAN NG MGA NAGKAKAISANG MAMAMAYAN NG BATASAN

BATASAN, SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO

November 27, 2017

____________________________________
DOST
San Jose, Occidental Mindoro

Madam/Sir;

Magandang araw po!

Ang Samahan Ng Mga Nagkakaisang Mamamayan Ng Barangay


Batasan ay lumalapit sa inyong tanggapan upang humingi ng tulong para sa
pagpapaunlad ng kaalaman ng aming mga anak na mag-aaral ng Central
National High School Batasan Extension. Ang nasabing paaralan ay salat sa
mga kagamitan sa pag-aaral lalong lalo na sa kanilang asignaturang Agham
at Teknolohiya. Kung kaya’t kaming mga magulang at guro na kasapi ng
Samahan Ng Mga Nagkakaisang Mamamayan Ng Barangay Batasan ay
nagnanais na matugunan ang mga kakulangang ito sa pamamagitan ng
pagdulog sa inyong tanggapan upang magkaroon ng opurtunidad na mas
mapalawak ana kaalaman tungkol sa Agham at Teknolohiya.

Ang paaralan ay walang kagamitan pagdating sa mga gawain na


nangangailangan ng mga kagamitang panglaboratoryo. Kung kaya’t kami po
ay humihiling at umaasang magkakaroon ng mga Science Laboratory Tools
and Equipments sa tulong po ng inyong tangapan.

Lubos po naming pinasasalamatan ang inyong tulong na


magpapaunlad sa kaalaman ng aming mga anak.
Gumagalang,

Imelda R. Delgado Ambrocio Malicse


Project Manager Cashier

German Pan Maritess P. Garque


Treasurer Secretary

Edlyn M. Laquiores Jenelyn S. Paraiso


Teacher Leader Teacher

Wenilyn A. Dagohoy Bernadette G. Delgado


Teacher Teacher

Shella Grace Ann D. Facun


Teacher
SAMAHAN NG MGA NAGKAKAISANG MAMAMAYAN NG BATASAN
BATASAN, SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO

November 27, 2017

HON. ROMULO DM. FESTIN


Municipal Mayor
San Jose, Occidental Mindoro

Sir;

Magandang araw po!

Ang Samahan Ng Mga Nagkakaisang Mamamayan Ng Barangay


Batasan ay lumalapit sa inyong tanggapan upang humingi ng tulong para sa
aming gagawing Outreach Program sa bawat pamilya ng katutubong mag-
aaral ng paaralang Central National High School – Batasan Extension na
nakatira sa Sitio Naibuan Barangay Batasan, San Jose, Occidental Mindoro.

Kaugnay po nito kami po ay humihiling sa inyong tanggapan ng


mga pangunahing pangangailangan na aming maihahandog sa bawat
tahanan ng mga katutubong mangyan. Kung Kaya’t kami po ay humihingi ng
mga sumusunod:

2 kaban ng bigas
2 kahon ng sardinas
3 kahon ng noodles

Lubos po naming pinasasalamatan ang inyong tulong na


magpapaunlad sa kaalaman ng aming mga anak.
Gumagalang,

Imelda R. Delgado Ambrocio Malicse


Project Manager Cashier

German Pan Maritess P. Garque


Treasurer Secretary

Edlyn M. Laquiores Jenelyn S. Paraiso


Teacher Leader Teacher

Wenilyn A. Dagohoy Bernadette G. Delgado


Teacher Teacher

Shella Grace Ann D. Facun


Teacher

You might also like