You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO 8

ELSIE ESCARIOS
Gurong Nagsasanay

HEIDI V. UMBLAS
Gurong Tagasanay

March 01, 2023


I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakilala ang pelikula at mga uri nito;
b. naihahayag ang sariling pananaw tungkol sa pelikula at natutukoy ang pagkakaiba ng mga uri
nito;
c. nakagagawa ng dayalogo at nagagamit sa pag-arte.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Pelikula at ang mga uri nito
B. Sanggunian: Internet
C. Kagamitan: Laptop, smart TV

III. PAMAMARAAN/ PROSESO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANG ARAW-ARAW NA GAWAIN

1.Panalangin

Bago ang lahat, tayo’y tumayo at manalangin


na papangunahan ni Larah Rumpon.

(panalangin)

2.Pagbati

Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga rin Ma’am!

Bago kayo umupo ay pakipulot muna ang


mga kalat sa inyong paligid at pagkatapos
nito ay maaari na kayong umupo.

3 Pagtala ng lumiban

Mayroon bang lumiban sa araw na ito?


Wala po, ma’am.

Nagagalak ako at kumpleto kayo ngayong


araw na ito.
B. PANIMULANG GAWAIN

Bago natin simulan ang ating talakayan,


Ako’y magbibigay lang ng mahahalagang
paalala.

• A- ayusin ang inyong mga sarili.


• M- makinig nang mabuti.
• A- at sumunod sa mga panuto.

Ngayon kung magagawa ninyo ito sa ating


klase, sabihin lang ang salitang “OPO”.
Opo ma’am!

C.PAGGANYAK

Bago ang lahat, mayroon akong inihandang


panimulang gawain para sa pagtuklas natin
sa susunod nating aralin.
Panuto: Hahatiin ko ang klase sa apat na
Pakibasa ang panuto. grupo. Bibigyan ko kayo ng puzzle kung saan
kailangan niyong buuin ang litrato. Suriin at
ibahagi ang inyong kaalaman tungkol sa
larawan. Ibigay ang pagkakaiba ng bawat
larawan.

Sa pagbuo ng inyong pangkat gagamitin natin


ang paraang pabilang, isa hanggang apat.
Magsimula tayo sayo Andrie.

Lahat ng bilang isa, magsama sama ganun din (Pupunta sa kagrupo)


ang iba pang bilang.Maaari na kayong
pumunta sa inyong kagrupo.

(Ibibigay ng guro ang puzzle) (Pagbuo ng puzzle at pagbibigay paliwanag)

Magaling! Ngayon ay maaari na kayong


bumalik sa inyong upuan.

D.PAGLALAHAD
Sa aktibiting ginawa natin, ano ang inyong Pelikula ma’am.
nahihinuhang paksang tatalakayin natin
ngayon?

Tama. Ang paksang tatalakayin natin ay ang


pelikula at ang mga uri nito.

D.PAGTATALAKAY

Ngayon, sino ang makapagbibigay ng ideya Ito ay mga palabas sa telebisyon.


patungkol sa pelikula?

Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak. Ako po ma’am.

Sino ang magpepresentang magbasa sa


kahulugan ng pelikula? PELIKULA

Sige anak, pakibasa. ➢ Isang obrang pansining na kakikitaan


ng galing, tradisyon, kultura,
kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga
ng tao/bansang pinagmulan nito.
➢ Layunin nito na magbahagi ng kwento
sa pamamagitan ng visual na
representasyon.

Ang pelikula po ay isang obrang pansining na


Sa iyong binasa ano ang iyong naunawaan? naglalayong magbahagi ng kwento sa
pamamagitan ng visual na representasyon.

Tama. Bilang karagdagan dito, ang pelikula ay


may responsibilidad na dapat gampanan sa
aspetong sosyal at nagiging libangan ng mga
tao.

Ang pelikula ay may walong uri. Ito ay ang


aksyon, animasyon, drama, historikal,
katatakutan, komedya, pantasya at pag-
ibig/romansa.

Ngayon ay makinig ng mabuti at atin itong


iisa-isahing talakayin.

Sino ang magpe-presentang magbasa sa Ako po ma’am.


unang uri?

Sige anak. Pakibasa. Mga Uri ng Pelikula

a. Aksyon
➢ Mga pelikulang nakapokus sa mga
bakbakang pisikal. Maaring hango sa
tunay na buhay o pangyayari o kaya
naman kathang-isip lamang.

Sa iyong binasa anak, ano ang iyong


naintindihan?
Ang pelikulang aksyon ma’am ay nakapokus
sa mga labanan.

Tama. Maraming salamat anak, maaari ka ng


umupo.

Ang pelikulang aksyon ay nagpapakita ng


mga labanang pisikal. Nariyan ang bugbugan,
barilan at iba pa.

Ang halimbawa nito ay ang “Ang


Probinsyano” kung saan ang pangunahing
tauhan ay si Coco Martin bilang Cardo
Dalisay.
Opo ma’am.
Naunawaan na ba ang pelikulang aksyon
klas?

Mabuti naman kung ganoon. Ngayon ay


dumako naman tayo sa pangalawang uri ng
pelikula, ang animasyon.
Ako po ma’am.
Sino ang magpe-presentang magbasa?
b. Animasyon
Sige anak. Pakibasa. ➢ Pelikulang gumagamit ng mga
larawan o pagguhit drowing upang
magmukhang buhay ang mga bagay
na walang buhay.

Sa iyong binasa anak, ano ang iyong


Ang pelikulang animasyon ma’am drowing
naintindihan?
ang mga karakter.

Tama. Maraming salamat anak, maaari ka ng


umupo.

Ang animasyon klas ay yung tinatawag nating


anime. Ang mga karakter dito ay iginuhit
lamang.

Ang halimbawa ng pelikulang animasyon ay


ang “Naruto”.

Sino ang mahilig manood sa inyo ng anime? Ako po ma’am.

Ano ang anime na paborito mo?


One piece ma’am.

Bigyan natin siya ng tatlong bagsak. (Palakpak)


Naunawaan na ba ninyo ang pelikulang
animasyon klas?
Opo ma’am.

Mabuti naman kung ganoon. Ngayon ay


dumako naman tayo sa ikatlong uri, ang
drama.

Sino ang magpe-presentang magbasa sa?


Ako po ma’am.
Sige anak. Pakibasa.
c. Drama
➢ Mga pelikulang nakapokus sa mga
personal na suliranin o tunggalian,
nagtutulak ito sa damdamin at
ginawa upang paiyakin ang
manonood.
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong
naintindihan?
Ito ay mga palabas sa telebisyon na
nagpapaiyak sa mga manonood ma’am.
Bigyan natin siya ng palakpak.
(Palakpak)

Maraming salamat anak, maaari ka ng


umupo.

Tama ang kanyang sinabi. Ito ay mga


pelikulang napapanood ninyo sa telebisyon
na nakakaiyak. Maaaring ang tema ay pag-
aagawan ng yaman, paghihiganti at iba pa.

Ang halimbawa ng pelikulang drama ay ang


“Wild flower” kung saan ang pangunahing
karakter ay si Maja Salvador bilang Ivy Aguas.

Sino ang makapagbibigay ng iba pang


halimbawa? (Sagot ng mag-aaral)

Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.


(Palakpak)

Naunawaan na ba ninyo ang pelikulang


drama klas? Opo ma’am.

Mabuti naman kung ganoon. Ngayon ay


dumako naman tayo sa ikaapat na uri, ang
historikal.

Sino ang magpe-presentang magbasa sa?


Ako po ma’am.
Sige anak. Pakibasa.
d. Historikal
➢ Mga pelikulang base sa mga tunay na
kaganapan sa kasaysayan.
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong
naintindihan?
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak. Ito ay mga palabas na nakabase sa mga
pangyayari noong unang panahon ma’am.

Maraming salamat anak, maaari ka ng (Palakpak)


umupo.

Ang historikal klas, gaya ng nasabi sa screen,


ito ay mga pelikulang patungkol sa
kasaysayan. Ibig sabihin, ang mga
pinapalabas dito ay mga kaganapan o
pangyayari noong unang panahon.

Tulad na lamang ng “Heneral Luna” kung


saan ang pangunahing karakter ay si John
Arcilla bilang Antonio Luna. Ang kwento ay
patungkol sa buhay ni Heneral Luna, ang isa
sa pinakamahusay na heneral na namuno sa
mga Pilipino sa digmaan laban sa mga
Amerikano.

Naunawaan na ba ninyo ang pelikulang


historikal klas?

Mabuti naman. Ngayon ay dumako naman


Opo ma’am.
tayo sa pelikulang katatakutan.

Sino ang magpe-presentang magbasa?

Sige anak. Pakibasa.


Ako po ma’am.

e. Katatakutan
➢ Pelikula na humihikayat ng
negatibong reaksyong emosyonal
mula sa mga manonood sa
pamamagitan ng pag-antig sa takot
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong nito.
naintindihan?
Ito yung mga palabas na nakakatakot ma’am.
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.

Maraming salamat anak, maaari ka ng (Palakpak)


umupo.

Ang pelikulang katatakutan ay mga


pelikulang nakakatakot na kung minsan ay
ayaw panoorin ng mga bata dahil talaga
namang matatakot ka sa nilalaman ng
pelikulang ito. Kagaya ito ng mga palabas sa
telebisyon na “Shake Rattle and Roll”.

Sino ang makapagbibigay ng iba pang


halimbawa ng pelikulang katatakutan?

(Sagot ng mag-aaral)
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.

Naunawaan na ba ninyo ang pelikulang


katatakutan klas? (Palakpak)

Mabuti. Ngayon ay pag-usapan naman natin


Opo ma’am.
ang pelikulang komedya.

Sino ang magpe-presentang magbasa sa?

Sige anak. Pakibasa.

Ako po ma’am.

f. Komedya
➢ Pelikula kung saan ang mga
nagsisiganap ay nagsasaad ng
kasiyahan o totoong pagpapatawa sa
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong bawat salitang namumutawi sa
naintindihan? kanyang bibig.
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak. Ang komedya ma’am ay mga palabas na
nakakatawa.
Maraming salamat anak, maaari ka ng
umupo. (Palakpak)
Gaya ng sinabi niya, ang pelikulang komedya
klas ay ang mga pelikulang nakakatawa.
Kadalasan, ito ay nakakapawi ng lungkot.

Ang halimbawa nito ay ang pelikulang


“Praybeyt Benjamin” kung saan ang
pangunahing tauhan ay si Vice Ganda.

Sa pelikulang ito ay bakla si Vice Ganda pero


kinailangan niyang sumama sa training ng
mga sundalo dahil ito ang gusto ng kanyang
Lolo.

Sino ang makapagbibigay ng iba pang


halimbawa ng pelikulang komedya?

Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.

Naunawaan na ba ang pelikulang komedya


(Sagot ng mag-aaral)
klas?

(Palakpak)

Mabuti kung ganoon. Ngayon naman ay


dumako tayo sa pelikulang pantasya. Opo ma’am.

Sino ang magpe-presentang magbasa sa?

Sige anak. Pakibasa.

Ako po ma’am.

g. Pantasya
➢ Nagdadala sa manonood sa isang
mundong gawa ng imahinasyon.
➢ Tulad ng mundo ng mga
prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong
mga istoryang hango sa mga
naintindihan?
natutuklasan ng siyensya.
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.
Ito ay mga pelikulang walang katotohanan at
Maraming salamat anak, maaari ka ng kuro-kuro lamang ma’am.
umupo.

Ang pelikulang pantasya klas ay mga (Palakpak)


pelikulang nagpapakita ng mga hindi kapani-
paniwalang bagay o gawa lamang ng
imahinasyon.

Ang halimbawa nito ay ang mga napapanood


natin sa “WANSAPANATAYM” kung saan may
humahaba ang ilong sa tuwing
nagsisinungaling, nagiging kabayo kapag
nagsasalita ng masama, at iba pa. Sa
pelikulang ito ay maaaring makapulot ng mga
aral.

Sino pa ang makapagbibigay ng iba pang


halimbawa?

Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.


(Sagot ng mag-aaral)
Naunawaan na ba ang pelikulang pantasya
klas?
(Palakpak)

Mabuti naman kung ganoon. Ngayon ay pag- Opo ma’am.


usapan naman natin ang patungkol sa
pelikulang pag-ibig/romansa.

Sino ang magpe-presentang magbasa?

Sige anak. Pakibasa. Ako po ma’am.

h. Pagibig/Romansa
➢ Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng
Sa iyong binasa anak, ano ang iyong mga tauhan sa pelikula.
naintindihan?
Ito ay mga pelikulang nag-iibigan ang mga
Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak. tauhan ma’am.
Maraming salamat anak, maaari ka ng
umupo.
(Palakpak)
Ang pelikulang pag-ibig o romansa klas ay
mga pelikula kung saan may dalawang nag-
iibigan. Minsan ay masaya ang wakas at kung
minsan naman ay nakakaiyak.

Ang halimbawa ng pelikulang pag-ibig o


romansa ay ang “My Ex and Whys” ng
tambalang LizQuen.

Sino ang makapagbigay ng iba pang


halimbawa?

Tama. Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.

(Sagot ng mag-aaral)
Naunawaan na ba ninyo ang pelikula klas?

Ano ulit ang mga uri ng pelikula? (Palakpak)

Opo ma’am.

Tama. Aksyon, historikal, drama, pag-ibig,


katatakutan, komedya, pantasya at
Ngayon ay ihanda ang sarili sapagkat
animasyon ma’am.
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.

F. PAGLALAPAT

Bago natin gawin ang ating pangkatang


gawain, nais kong ipaalala sa inyo ang
magiging alitutunin. Pakibasa.

Mga Alituntunin
1. Huwag magsasalita kung ang
sasabihin ay walang kinalaman sa
aktibiti.
2. Huwag tayo ng tayo. Bawat mag-
aaral na tatayo ay katumbas ng
isang puntos na maibabawas sa
magigig iskor.
3. Kung may gustong itanong, itaas
ang kanang kamay.
4. Bumuo ng bilog upang
makapagtrabaho ng maayos.
5. Ang hindi tumutulong sa grupo ay
hindi magkakaroon ng iskor.

Naunawaan ba ang ating alituntunin?

Mabuti kung ganoon.

Ang gagamitin nating grupo ay ang ginamit Opo ma’am.


na grupo sa paunang gawain natin.

Pumunta sa harap ang mga lider para sa


pagbubunot.

(Magpapabunot ang guro ng mga uri ng


pelikula) (Pupunta sa harap ang mga lider)

(Bubunot)
Bumalik kayo sa dati ninyog upuan.

Pakibasa ang panuto.

Panuto: Pumili ng isang halimbawa ng


pelikulang nabunot ninyo. Pagkatapos ay
itanghal ito sa klase.
Naunawaan ba ang ating panuto klas?

Opo ma’am.
Mabuti. Maaari na kayong pumunta sa
inyong kagrupo at bumuo ng bilog. Tandaan
lagi ang mga alituntunin.
(Paghahanda)
(Pagbibigay komento) (Pagtatanghal ng bawat grupo)
Napakahusay ng inyong ginawa. Tunay ngang
may naunawaan kayo sa paksang tinalakay
natin. Palakpakan ninyo ang inyong sarili.

Ngayon ay maaari na kayong bumalik sa dati


ninyong upuan. (Palakpak)

G. PAGLALAHAT

Kung ikaw ang director ng isang pelikula,


anong uri ng pelikula ang iyong gagawin?
Bakit?
(Babalik sa dating upuan)

Mahusay. Bigyan natin siya ng tatlong


bagsak.

Ma’am, ang pipiliin ko po ay pelikulang


katatakutan. Ang dahilan po nito ay mahilig
Sino pa ang may ibang kasagutan? ako sa ganitong uri ng pelikula.

(Palakpak)
Mahusay. Bigyan natin siya ng tatlong
bagsak.
Ma’am, ang pipiliin ko naman po ay ang
Napakaganda ng inyong mga sagot. Batid pelikulang komedya dahil gusto ko pong
kong naunawaan ninyo ang ating paksang- patawanin ang mga manonood.
aralin kaya naman kalahating papel at
magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit.

IV. EBALWASYON
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pelikula ang mga sumusunod.
1. Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
2. Pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa
sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.
3. Nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon.
4. Umiikot ang kwento sa pag-ibigan ng mga tauhan sa pelikula.
5. Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal. Maaring hango sa tunay na buhay o
pangyayari o kaya naman kathang-isip lamang.
6. Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit drowing upang magmukhang buhay ang
mga bagay na walang buhay.
7. Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa
pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.
8. Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa
damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood.

9-10. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng pelikula.

V. KASUNDUAN
1. Kung ikaw ang director ng isang pelikula, anong uri ng pelikula ang iyong gagawin? Bakit?
2. Magsaliksik patungkol sa mga elemento ng pelikula.

Pamantayan Puntos

Nilalaman may kaugnayan sa napiling uri ng 20


pelikula

Maayos ang kooperasyon sa bawat miyembro 10

Props/ mga gagamitin sa pagtatanghal 5

Kabuuang bilang 35%

You might also like