You are on page 1of 6

PWU-CDCEC CALAMBA

ALVA CENTER ROSAL ST. BRGY. UNO, CROSSING CALAMBA CITY, LAGUNA
Contact No.: 0922-821-6938/0939-904-3185/0917-527-5465 Tel. No: (049) 508-1963/ (02)420-8209

DEPARTAMENTO NG EDUKASYON
Detalyadong Banghay-Aralin sa Maikling Kwento
“Dead Stars ni Paz Marquez Benitez”
Inihanda ni: Crissel R. Anthony

I. Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


 Makilala ang mga tauhan ng kwento;
 Matukoy ang dahilan kung bakit pinamagatang “Dead Stars” ang tekstong
binasa;
 Matukoy ang mga Elemento ng Maikling Kwento sa pamamagitan ng
graphic-organizer;
 Maihambing ang sariling karanasan sa mga sitwasyon sa tekstong binasa.
II. Nilalaman
A. Paksa: Dead Stars ni Paz Marquez Benitez
B. Mga Sangunian:
C. Kagamitan:
 Larawan
 Kopya ng “Dead Stars” Tagalog na bersyon
 Video “Dead Stars”
https://www.youtube.com/watch?v=N3YYx_cEYdQ&t=3s
 Laptop, PPT,Projector,Speaker
 Graphic-Organizer
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagbati ng Guro Tugon ng mga Mag-aaral
Magandang Araw mga Mag-aaral! Magandang araw rin po Ma’am
Anthony!
2. Panalangin
Tayo ay manalangin. Pagdarasal
(Magplay ng video ng panalangin)

3. Pagtatala ng Liban
Wala po ma’am.
(Tatawagin ng Guro ang class monitor)
may lumiban ba sa araw na ito?
4. Ibigay ang mga Alituntunin sa pagsasagawa ng Klase. Makikinig ang mga mag-aaral habang
 Panatilihin ang Kalinisan ng silid aralan. binibigay ang mga panuntunan.
 Ayusin ang mga upuan
 Makinig sa Klase
Itaas ang Kamay kung nais sumagot.
5. Balik-Aral
Bago tayo dumako sa ating aralin ay magkakaroon muna
tayo ng balik-aral.
Naalala ninyo pa ba ang nakaraang talakayan?
(Hayaan sumagot ang mga mag-aaral ayon sa kanilang Opo, ang nakaraang leksyon po
natatandaan sa nakaraang aralin.) natin ay patungkol sa mga elemento
ng maikling kwento.
Magaling! Ano nga ba ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento ay isang
masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Magbigay ng mga elemento ng Maikling Kwento?

Panimula, Saglit na Kasiglahan,


Suliranin, Tunggalian, Kasukdulan,
Mahusay!May katanungan pa patungkol sa nakaraan Kakalasan, Wakas, Tagpuan, Paksang
talakayan? Diwa, Kaisipan, at Banghay.
*Kung wala ay magpatuloy sa paksa sa araw na ito.
*Kung meron ay sagutin ang katanungan.
Simulan na natin ang ating aralin.
Wala po Ma’am
6. Pagganyak
Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong aralin. Pero bago
ang lahat mayroon akong ipapakitang isang larawan.
“Magpakita ng isang larawan na nagpapakita ng “Love
Triangle” na relasyon.

Sa tingin Ninyo ano ang inilalarawan sa mga litrato?


(Tumawag ng Mag-aaral na sasagot)
(Inaasahang Kasagutan: Love Triangle)
Kung hindi maibigay ang inaasahang sagot, Itanong ang mga
sumusunod:
1. Anong relasyon meron ang tatlong tao na nasa larawan?
2. Sa inyong palagay, bakit kaya dalawa ang babae sa larawan?

Sabihin: Ang ideya ng pag-ibig na “Love Triangle” ay


lumitaw sa maraming mga akdang pampanitikan sa nakaraan at
kahit hanggang sa kasalukuyan.
Teleserye po nila Katrine Bernardo at
(Magbigay ng halimbawa). Sino ang maaaring magbigay ng Daniel Padilla Ma’am. Yung si Toks
halimbawa ng isang pelikula o drama sa telebisyon na may po gusto nya si Eloy.
eksenang love triangle?

Lahat ng inyong nabanggit ay tama at mga halimbawa ng


pag-ibig na meron sitwasyon ng “Love Triangle”.

Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa akdang ginawa


ni Paz Marquez Benitez na “Dead Stars”. Tunghayan natin ang
nilalaman ng nasabing akda. Alamin rin natin ang ibig sabihin ng
panliligaw, kasal at katapatan noon at ngayon. Tingnan natin kung
anong mga desisyon ang dapat nating itama. Opo Ma’am
Kahapon ay nagbigay ako ng takdang aralin na inyong
basahin ang maikling kwentong Dead Stars. Kaya’t inaasahan ko
ang inyong pakikilahok sa ating aralin.

B. Paglalahad ng Paksa

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

C. Pagtatalakay

Naintindihan ba Ninyo ng Mabuti ang binasang akda ni Paz Opo, Ma’am


Benitez?

Kung ganon ay tingnan natin kung ano nga ba ang Ma’am ako po!
nauunawaan Ninyo sa binasa at napanood. Magtaas ng kamay kung
sino ang sasagot sa mga ibinigay kong katanungan.

Ngayon ating suriin ang inyong binasa.


Para sa unang tanong, “sinu-sino ang mga tauhan sa akdang
Dead Stars?”
Alfredo Salazar, Esperanza, Julia
Sinu-sino ang mga tauhan sa maikling kwento? Salas, Don Julian, Judge Del Valle,
Donna Adella, Calixta,Dionisio,
Vicente, at Brigida Samuy po Ma’am.

Tama! Sino naman ang gustong sumagot sa pangalawang Ako po Ma’am


katanungan?

Si Esperanza po ma’am, gugustuhin


“Kung ikaw ang nasa posisyon ni Alfredo na nahaharap sa
ko ipaglaban ako ng aking minamahal
suliranin ng pagpili, sino ang iyong pipiliin? Si Esperanza o si Julia?
sa kung ano po ang nararapat. Handa
Ipaliwanag ang iyong sagot.”
po akong matiis at ibigay ang lahat sa
Sige anak aking minamahal.

Sa pangatlong katanungan naman? “Tunay ngang Hindi ko po ipagpapalit ang pag-ibig


mayroong mga pagkukulang si Esperanza, mga bagay na nakita ni na aming nasimulan sa panandaliang
Alfredo kay Julia. Ngunit ipagpapalit mo ba ang pag-ibig na saya lamang ma’am, Mas gugustuhin
namamalagi para sa sandalling kasiyahan? ko pa po na mapunta sa sigurado kesa
sa hindi pa sigurado.
Pang-apat na katanungan, “Bakit pinamagatang “Dead Ito po ay pinamagatang dead stars,
Stars” ang akda ni Paz Marquez Benitez? Ano ang sinisimbolo dahil nawalan na ng kinang o liwanag
nito?” ang pagmamahal ni Julia kay Alfredo,
Ma’am. Gayundin kay Alfredo kay
Julia ng muli silang nagkita ng
bumisita si Alfredo sa lugar nila Julia.

Kung bibigyan po ako ng pagkakataon


Sa huling katanungan naman tayo, “Kung ikaw ay upang baguhin ang waksa ng
makagagawa ng alternatibong pagtatapos para sa kweontong “Dead kuwentong ito, itatama ko po ang lahat
Stars”, paano mo pipiliing magtapos ang kwento?” ng maling desisyon ni Alfredo, hindi
po siya pipili kahit kanino sa dalawang
babae upang wala sa kanila ang
masasaktan.

Okey! Mukhang nagustuhan Ninyo ang ating paksa sa araw


na ito dahil lahat kayo ay nakabuo ng sarili ninyong opinion.

D. Pagsasanay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


PANUTO: Isulat ang T kung Tama ang pangungusap at kung
Mali ang isinasasaad ng pangungusap ay guhitan ang salitang mali
at isulat ang tamang sagot.
Tamang Sagot:
1. Si Esperanza ang asawa ni Alfredo Salazar. ________
2. Ang anak ni Judge Del Valle ay si Julia Salas. ________ 1. T
3. Si Dionisio ang as ani Dona Adella. _______ 2. Anak- Bayaw
4. Nagkakausap sina Julia at Alfredo sa hukom kung saan 3. T
nagtatrabaho si Alfredo. _______ 4. T
5. Si Esperanza ang ibang babae ni Alfredo. _______ 5. Esperanza-Julia
6. Tapat at totoo ang pagmamahal ni Esperanza kay Alfredo 6. T
Salazar. ______ 7. Starlight- Dead Stars
7. Starlight ang pamagat ng akdang ginawa ni Paz Marquez 8. Doktor-Abogado
Benitez. ______ 9. T
8. Si Alfredo Salazar ay isang doctor. ______ 10. T
9. Inilimbag ang Dead Stars noong 1925. ______
10. Carmen ang pangalan ng kapatid ni Alfredo Salazar. _____

E. Paglalapat
Ngayon base sa ating tinalakay kahapon na mga Elemento ng
Maikling Kwento. Sa pamamagitan ng Graphic-Organizer punan
ang mga ito ng tamang kasagutan ayon sa ating maikling kwentong
tinalakay.
Dead Stars ni Paz Marquez Benitez Sagutan ang binigay na kopya ng
Panimula Graphic-organizer ng guro.
Saglit na Kasiyahan
Suliranin
Tunggalian
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa Lipunan
 Tao Laban sa
kapaligiran o Kalikasan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Tagpuan
Paksang Diwa
Kaisipan
Banghay

F. Paglalahat

Ang kwento ito ay hindi lamang nakatuon sa ideya ng


pag-ibig, ngunit, ito din ay nagpapakita kung paano ang
isang tao ay nasakop ng kanyang sarili sa pamamagitan
ng pag-unawa sa kanyang damdamin. May mga tao sa
ating buhay na darating hindi upang maging
habangbuhay na makasama bagkus sila ay mga taong
maaring magsilbing gabay, turuan ka ng leksyon, o
tulungan kang malaman kung ano ang tama o mali.

Pwede din maging inspirasyon upang malaman ang gusto


mo sa buhay at malaman kung sino ka nga bang talaga.
Hindi lahat ng pangyayari sa ating buhay ay puro
kasiyahan. Ang buhay ay binubuo ng maraming kwento,
may mga panahon masasaktan tayo, panahon umibig,
makaranas ng katangahan, at tagumpay. Lahat ng iyon ay
nangyayari upang tayo ay subukan ang ating kaluluwa,
ang ating pagkatao.

Kung walang maliliit na pagsubok patungo sa daan gusto


natin maabot. Ito ay magiging ligtas at komportable
ngunit marupok at lubos na walang kabuluhan.

IV. Pagtataya/Ebalwasyon

Pumili ng isang karakter sa kwento at paghambingin mo ang kanyang karanasan at sa


sarili mong karanasan sa pag-ibig gamit. Isulat ito sa isang malinis na Papel.

V. Takdang Aralin
Basahin ang Maikling Kwento ni Guy de Maupassant na pinamagatang “Ang Kwintas”

You might also like