You are on page 1of 4

Palaging hinihinimok ang paggamit ng akademikong pagsulat sa mga edukasyonal at

propesyonal na institusyon dahil pinapakita nito ang husay, kompleksidad, at propesyonalismo


ng isang indibidwal.

Ang akademikong pagsulat ay isang maaliwalas na pagsusulat na maaaring maglaan ng mga


bago at makabulungang impormasyon sa isang paksa, pananaliksik, at isyu sa kasalukuyan.
Kaya maaari rin itong matawag na instrumento ng komunikasyon.

Gamit ang akademikong pagsulat, mas nauunawaan ng mga estudyante, mananaliksik, at


propesor ang mga nakaraang akademikong sulatin sa paglipas ng panahon. Samakatuwid, mas
nagiging mapaglarawan, mapanuri, mapanghikayat, at mabisa ang bawat akademikong sulatin
sa iba’t ibang larangan at asignatura.

Sa bawat sulatin na ginamit ang akademikong uri ng pagsulat, naglalaman lamang ang mga ito
ng iisang paksa o tema na sinusuportahan ng mga sumusunod na bahagi nito. Bilang
karagdagan, ang mga nilalaman ng mga bahagi na ito ay walang regresyon at hindi paulit-ulit.

Umusbong din ang katangian ng akademikong pagsulat na tunay at totoo dahil karamihan sa
mga akademikong sulatin ay pinapag-aralan nang paulit-ulit ng mga estudyante at eksperto.
Mayroon din ang mga ito ng kumpletong listahan ng mga napatunayan na sanggunian na
ginamit ng mga may-akda.

Layunin ng akademikong pagsulat ang pagtukoy at paghanap ng mga datos, ebidensya, at iba
pang mahahalagang impormasyon na makakatulong sa iba’t ibang isyu at pagtatalo sa
panlipunan at pandaigdigan na eskala.

Ang isang sulatin ay masasabing ginamitan ng akademikong uri ng pagsulat kapag iniiwasan ng
sulatin na ito ang kaswal o mapag-usap na lengguwa, pati na rin ang mga damdamin at
saloobin bilang sanggunian.

Tulad ng propesyonal na pagsulat, ang akademikong pagsulat ay itinuturi ring isa sa mga
pinakamataas na antas ng pagsulat sa intelektuwal na konteksto sapagkat ang partikular na uri
ng pagsulat na ito ay kinakailangan ng mahusay na kaalaman at disiplina sa kawastuhan,
kawalang-kinikilingan, at pormalidad.
Ang Akademikong Pagsulat

Ang pagsulat ay isang kayamanan


Sapagkat nahuhubog nito ang ating kaalaman
Nakikita natin ito sa ating mga bahay, lipunan, at paaralan
Na nagsisilbing gabay sa ating magandang kinabukasan

Ngunit may isang partikular na uri ng pagsulat


Na karaniwang nakikita sa mga balita at aklat
Kinakailangan ito ng matiyagang pagsisiyasat
Gayundin ang koneksyon ng mga ideya na walang lamat

Ito ang akademikong pagsulat kung tatawagin


Ito’y laging ginagamit sa mga lathain
Mapa-sintesis, abstrak, o magasin
Sa lahat ng konteksto ito’y dapat hasain

Isa itong prosesong sosyal at panlipunan


Na pinapalawak ang ating mga damdamin at isipan
Nagsisilbi rin itong bilang kasanayan
Sa pagbubuo ng mga mahuhusay na sulatin at panitikan

Sa bawat salitang nakalimbag sa mga pahina


Naghahatid ito ng karunungan at aliw sa madla
Malikhaing pagkakagawa sa lahat ng mga balarila
Na obhetibo’t pormal pa sa bawal talata

Ito ang susi ng mga matagumpay na doctor at inhenyero


Gayundin sa pagkaimbento ng mga telebisyon at radyo
Dahil sa akademikong sulat, ang mga ito’y nabubuo
At ang mga estudyante ng STEM track ay natututo nang organisado

Kabilang ako sa hiblang Agham, Teknolohiya, Inhinyerira, at Matematika


Kaya masasabi kong ang akademikong pagsulat ay napakahalaga
Mas napapadali nito ang pag-iintindi ng iba’t ibang paksa
Na makakatulong sa aming kinabukasan na maliwanag at masaya
Ayon sa pagsasalaysay ni Hesus, mayroong isang magsasakang naghahasik ng mga
binhi. Ang ilan ay nalaglag sa tabi, ang ilan naman ay nahulog sa batuhan, ang sumunod ay
nalaglag sa tinikan, at ang iba ay nahulog sa matabang lupa. Lahat ng mga binhing ito ay hindi
lumago at namunga maliban sa mga binhing nahasik sa matabang lupa.

Inihambing ni Hesus ang mga binhi sa salita ng Diyos, at ang mga lupa naman sa mga
taong nakarinig ng mga salita. Ang mga nahulog sa daan ay ang mga nag-alis ng mga salita sa
kanilang mga puso noong dumating ang diyablo. Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang
mga naniwala lamang ng saglitan dahil sa pagsusubok. Ang mga nahulog sa tinikan ay natalo
sa mga tukso noong tumagal, at ang mga nahulog sa matabang lupa ay ang mga iningatan ang
kanilang mga malinis na pusong tapat na namunga dahil sa pagtiyatiyaga.
Una sa lahat, nais kong bumati ng magandang araw sa aming iginagalang na mga guro
at sa aking mga kapwa mag-aaral. Andito ako upang mahikayat at magbigay ng impormasyon
sa kapwa kong kabataan upang mas maging responsable tayo sa pagpapahayag o paggamit
ng social media at makabagong teknolohiya.

Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang lubos na naiimpluwensiyahan ng social


media, tinagurian na nga tayong “social networking capital of the world.” Halos lahat ng
kabataan ngayon ay nakatutok sa platapormang ito, nagaabang ng balita, naghahanap ng
libangan o kaya’y ginagamit ito upang makipagusap sa kanilang kaibigan o pamilya. Ngunit
hindi natin maitatanggi na nagagamit din ang social media sa mga karahasan at pang-aapi.

Dapat bang pigilan ang mga kabataan sa paggamit nito? Nararapat bang umiwas sa
social media? Makasasama ba ito sa kabataan? Marahil marami kayong katanungan na nais
niyong mabigyang kasagutan, ngunit bilang may nasasakupan, nais kong sabihin na ang social
media ay tunay na magbibigay sa atin ng mas maginhawang buhay. Ngayon, ang social media
ay hindi lamang plataporma na maaari tayong kumuha ng datos, agham o impormasyon,
magagamit na rin natin ito upang makapaghayag ng ating damdamin, magbigay ngiti sa kapwa
o kaya’y makipagugnayan sa mga taong malayo ngunit malapit sa ating damdamin.

Ang pagiging responsable sa paggamit ng social media ay nararapat lang na ating


pagyamanin. Ang aming organisasyon ay nagsasagawa ng malawakang pamamahagi ng
impormasyon tungkol paggamit nito ng tama. Nais naming malaman niyo ang wastong
paggamit ng social media, kung ano ang dapat at hindi dapat ginagawa, o ang mga dapat hindi
paniwalaan na maari nating makita at mabasa dito. Ilang halimbawa ng hindi dapat gawin ay
ang pagbibigay ng pribadong impormasyon o kaya naman ay pagkausap sa mga taong hindi
naman kakilala. Nararapat lang din na tigilan ang pagkakalat ng maling impormasyon ng sa
ganoo’y maiwasan na rin ang paglaganap ng hindi kaaya-ayang balita.

Narito ako nagbibigay paalala na ang social media ay magandang plataporma na


magagamit ng bawat isa kung ako, ikaw, o tayo ay responsible sa paggamit nito. Sa totoo lang,
ang paniniwala na ang social media ay masama ay hindi totoo, nagiging masama lang ito kung
hindi tayo edukado.

You might also like