You are on page 1of 12

DALUMAT SA / NG FILIPINO

GEC 012

MODYUL 2
IKA- 7-11 LINGGO

MERLYN C. MANIEGO, Ph.D


Istructor

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
1
MODYUL 2
PILOSOPIYA NG AKADEMIKONG PAGBASA AT PAGSULAT

PANGKALAHATANG PANANAW:
Sa paglinang ng kaalaman at kasanayan sa kursong ito ng GEC 012-DALUMAT
SA/NG FILIPINO,Sa modyul na ito, bilang mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon,
kinakailangang palawakin mo ang iyong kaalaman, pataasin mo ang iyong kaisipan,
palalimin mo ang iyong pang-unawa. Maging kritikal at lohikal sa pag-iisip at tumuklas
ng mga bagong kaalamang makatutulong sa iyong pag-unlad. Buksan ang isipan upang
makatugon sa mapanghamong panahon. Kaya sa modyul na ito,nakapaloob ang mga
karagdagang aralin sa kasanayang Pagbasa at Pagsulat,Teoryang Interaktib sa Pagbasa
Mga uri ng Akademikong Pagsulat,Pilosopiya ng Akademikong Pagbasa at Pagsulat na
higit na makatutulong sa inyo sa pagpapalawak ng inyong kaalaman at kaisipan Subalit
higit pa sa mga batayang kaalaman mo hinggil sa mga paksa bagkus ang nakatagong
pilosopiya nito. Paano mo ito maisasagawa/ maisasapraktika upang matanto at makita
ang tunay na kahalagahan/implikasyon nito sa buhay mo na tulad ng iba nagtagumpay
sila sa kanilang napiling larangan hindi lamang nahubog ang kanilang kaisipan o talino
kundi ang kanilang buong pagkatao, na naging higit na kapaki-pakinabang na
miyembro ng lipunan kalaunan.

BUNGA NG PAGKATUTO
Pagkatapos ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito; inaasahang nagawa mo ang
mga sumusunod:
1. makapaglahad ng dati at bagong kaalaman hinggil sa kahulugan, kahalagahan at
layunin ng akademikong pagbasa at pagsulat;
2. mapag-ugnay ang kasanayang pagbasa at pagsulat;
3. masuri/matasa ang teoryang interaktib na pagbasa;
4. makapili at makapagsulat ng isang uri ng akademikong pagsulat; at
5. makabuo ng sariling pilosopiya hinggil sa akademikong pagbasa at pagsulat.

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
2
INTRODUKSIYON
A. Pagbabahagi ng dating kaalaman
Nais kong ibahagi ninyo ang inyong mga dating kaalaman hinggil sa
kasanayang pagbasa at pagsulat bilang bahagi ng makrong kasanayang
pangwika na natutuhan na ninyo sa inyong GEC-011-Pagbasa’t Pagsulat sa
iba’t ibang Disiplina (FILDIS). Subalit, kinakailangan mo pa ring pag-aralang
mabuti, tasain/ sukatin ang iyong saril kung gaano na kalalim ang iyong
pang-unawa at antas ng iyong karunungan. Sa iyong patuloy na paglalakbay
sa dalawang kasanayang ito higit mo pang matutuklasan ang pilosopiyang
nakapaloob dito at buong-tapang mong sasabihin “Ito ang nabuo kong
pilosopiya sa akademikong pagbasa at pagsulat na magsisilbing gabay ko para
sa aking maginhawang bukas.”

MAKABULUHANG TANONG:
1. Bilang isang mag-aaral sa napili mong propesyon, gaano kahalaga sa iyo ang
kasanayang pagbasa at pagsulat? Paano nakatutulong ang mga kasanayang ito sa
pagtaas ng iyong karunungan, paglalim ng iyong pang-unawa, at paghubog ng
iyong buong pagkatao? Patunayan..
2. Bakit biyaya sa iba ang kasanayang pagsulat? Naniniwala ka ba?
PAGTALAKAY
A. KAHULUGAN, KAHALAGAHAN,/LAYUNIN NG PAGBASA AT
PAGSULAT AYON SA IBA’T IBANG DALUBWIKA
Ayon sa paniniwala ni De Leon (2018) Sinasabi niyang bahagi na ng
buhay ng tao ang pagbabasa. Sa halos araw- araw ay ginagamit ang kasanayang
ito sa napakaraming gawain at pagkakataon di lamang ng mga pormal na
akademikong babasahin kundi maging ilaw trapiko, mga pananda, karatula,
panawagan, babala, para sa ganap na kaligtasan ng tao; maging mga pahayagan,
magasin, polyeto, buletin at paskilan upang mabigyan tayo ng impormasyon na
kailangan nating malaman at taglayin; ang mapa, globo, kompas naman ang
gagabay sa atin sa direksiyon ng ating patutunguhan; ang mga
saligan,panuntunan,polisiya, katitikan,konstitusyon, at tagubilin naman ang
nagsisilbing proteksiyon at paalala ng ating kalayaan, tungkulin, karapatan at
maging pribelehiyo sapagkat ang mga ito an gating panuntunan sa bawat
desisyon at aksiyon na ating gagawin, gayunpaman, ang mga ito rin ang

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
3
nagsisilbing daan sa ating kaparusahan kung pipiliin nating sumuway; ang
resipe,katalogo, gabay at manwal ang magtuturo ng ating gagawin; samantala
ang Bibliya naman, mga dasal at talaan ng kabutihang asal at paglilingkod sa
Diyos ag nagbibigay sa atin ng kalakasan sa mga sandaling tayo ay nalulugmok at
gumagapang habang patuloy na nagpapaalala na laging may pag-asa at mayroong
Maykapal na laging nakaagapay.
Sa makabagong panahon, sa paglulunsad ng iba’t ibang anyo ng
teknolohiya, gamit ang internet, ay naging makabago na rin ang pamamaraan ng
pagbasa. Marami ng mga kagamitan ang kadalasang nagiging daluyan ng
malayang pagbabasa tulad ng kompyuter, laptop, ipad, celfon atbp. Kung saan
ang mga aklat, magasin , Bibliya, pahayagan,diksyunaryo, ensayklopedya,globo at
mapa ay matutunghayan sa anumang oras at saanmang panig ng mundo. Ganito
kalawak at kahiwaga ang dulot ng pagbabasa sa buhay ng tao sa anumang paraan
maging sa tradisyunal man o teknolohikal. Kaya naman maituturing itong walang
hanggang dinamikong proseso.
Sa pamamagitan ng pagbabasa ay maaring matuklasan ang napakaraming
bagay maging sa loob man o labas ng daigdig,maging sa kalawakan o saan mang
planeta.
Maari nating malakbay ang napakaraming lugar sa mundo habang tayo ay
nasa iisang puwesto sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat Natatamo rin natin
ang iba’t ibang kultura,nasisipat ang ganda ng paligid at hiwaga ng kalikasan, ang
mga kalagayan , pamumuhay at pagkakaiba ng tao sa maraming kabihasnan.
Sa tulong ng pagbabasa, muli nating nababalikan ang bakas ng lumipas at
ang ganda ng kasaysayan, nakikilala ang mga tanyag at dakilang tao, makulay na
mga kaganapan at pag-unlad ng tao at lipunan. Natututo rin tayo ng maraming
bagay, konsepto, iba’t ibang pag-aaral, siyentipikong mga datos na maaring di pa
nating lubos na nalalaman at mga sangay ng karunungan na ating
kinabibilangan.
Gayunpaman, kaakibat ng di-mabilang na magaganda at positibong dulot
ng pagbabasa at ang ating kalayaang gawin ang lahat ng ito, nararapat pa rin na
suriin ang bawat babasahin at tiyak na hindi ito makapagdadala sa atin ng ano
mang panganib, kapahamakan at kaguluhan.
Para kay Goodman, na binanggit ni Badayos halaw sa aklat ni De
Leon(2018) Ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan
ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa
tekstong binasa. Dagdag pa niya na ang gawaing ito ng pagbibigay kahulugan ay

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
4
isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka/
paghuhula, pagtataya,pagpapatunay, pagrerebisa, at ibayo pang
pagpapakahulugan. Ayon naman kay Coady,halaw pa rin sa aklat ni De Leon
(2018) Ang pagbasa ay nagbibigay ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa
pagbasa sapagkat kanyang nilinaw na para sa lubusang pag-unawa ng isang
teksto, kilangan ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiuugnay niya sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng
mga impormasyong masasalamin sa teksto. Binigyang diin ni Coady na ang
kakayahang pangkaisipan ay ang panlahat na kakayahang intelektuwal ng isang
mambabasa. Ayon naman kina Bernales et.al Ang pagbasa y pagkilala at pagkuha
ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag Samakatuwid ang
pagbasa ay pagkilala at pagbibigay interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga
nakalimbag na simbulo ng kaisipan. Ayon kina Toze at Bernales et.al (2012) Ang
pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
karunungan. Samakatuwid ang pagbasa ay susi sa malawak na daigdig ng
kaalaman.
Pilosopiya/ Paniniwala Sa Pagbasa
Naniniwala ka bang “Malayo ang mararating ng taong palabasa”?
Alam mo bang mapalad ka bilang isang tao? Dahil sa tatlong may buhay
na nilikha ng Panginoon, ikaw ang binigyan ng kakayahang mag-isip at
makapagpahayag, bukod pa na ikaw ay nilalang na kawangis Niya? Ang tanging
tungkulin mo lmang ay kung papaano ka mabubuhay at uunlad nang marangal.
Ang paniniwalang nabanggit sa itaas ay napatunayan na sa iyong lipunan.
Itinakdang ang pagbasa ay isang akademikong kasanayan na magdadala sa
ikauunlad ng bawat isa. Kinikilala ito bilang akademiko sapagkat pinatataas nito
ang antas ng pakikipagtalastasan sa akademya tungo sa iba pang matataas na
larangan ng pagpapahayag.-Mabilin E et.al (2012)
The more you read, the more you learn.
The man who reads is the man who leads.
Pamilyar ka ba sa mga paniniwalang iyan ni Lord Chesterfield? Tama
naman di ba? Dahil kung palagi kang nagbabasa mas marami kang maidaragdag
na kaalaman sa iyong isipan at lubos mo itong mapakikinabangan sa maraming
pagkakataon. Katulad din ng pangalawa, ang taong palabasa ay kadalasang
nangunguna o namumuno, tama? Inilahad din ni Mabilin (2012) ang kanyang
mga pilosopiya sa pagbasa.

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
5
Ang utak ng tao’y parang “computer memory” rito mo iniimbak ang mga
kaalamang nakukuha mo sa pagbabasa.
Ang pagbasa’y bukal ng karunungang dumadaloy sa iyong isipan.
Ang pagbasa’y bahagi ng buhay at mabisang gamot sa nakalilimot at
nalulungkot. Samakatuwid, Malaki ang tungkulin ng pagbasa sa buhay ng
bawat indibidwal dahil kundi mo ito paghuhusayin ay mapag-iiwanan ka ng
panahon.

Ano rin ang paniniwala mo?


Ang taong palabasa, talino’y nahahasa, may ginhawang matatamasa.(M.C.M)
Ang pagbabasa’y ugaliin, gintong butil ng karununga’y aanihin. (M.C.M)

Interaktib na Pagbasa
Ayon kay Bernales (2010) sa teoryang Interaktib ang teksto ay kumakatawan
sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang kaalaman s wika at mga sariling konsepto at kaisipan.
Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Ang interaksyon kung gayon, ay may dalawang direksyon. Kung gayon,
masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa
pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

B. AKADEMIKONG PAGSULAT
-KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, LAYUNIN
Ayon sa aklat nina Bernales et. al (2012) Ang pagsulat ay mahalaga sa
pakikipag-ugnayan. Anuman ang iyong katayuan sa buhay, ang pagsulat ay
isang mahalagang kasanayan kaya ng hindi mapasusubalian ang halaga nito
sa paaralan. Kung gayon, ang pagsulat ay hindi isang opsyon para sa mga nasa
mundo ng akademya, ito’y isang pangangailangan na dapat linangin ng isang
mag-aaral.
Sa pagsulat, naipapasa ng isang tao ang kanyang ideya. Naipipreserba
ang mga katangi-tanging mga ideya na maaring kapupulutan ng kaalaman o
aral sa buhay Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng mga nabuong salita,
simbulo, at ilustrasyon ng tao sa layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan.
Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa tiyak na
layunin. Ayon naman kay Keller sa aklat nina Bernales et.al(2012) Ang
pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan,at isang kaligayahan ng

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
6
nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob
ng Maykapal at ekslusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat ito
kasama ang iba pang makrong kasanayan ay may malaking impluwensiya
upang maging ganap ang ating pagkatao. I to ay isang kaligayahan dahil
bilang isang sining, maari itong maging hanguan ng kasiyahan ng sinuman sa
kanyang pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sa paglalarawan naman nina
Peck at Buckingham sa aklat pa rin nina Bernles et. al.(2012) Ang pagsulat ay
ekstensyon ng paggamit ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig, pagsasalita pagbabasa at panonood.
Ayon sa aklat nina Mabilin et. al.(2012) Ang pagsulat ay isang gawaing
komunikatibo at interaktibo na kahit sa anumang istilo ipahayag ay may
kaugnay na layuning nais ipahayag o ipaabot sa lipunan. Ang lipunan ay
komunidad ng tao, rito nagmumula , ibinabatay at inilalaan ang mga
kaalaman, paniniwala o karanasang ihahayag sa pagsulat.
1. Personal o ekspresib. Ito ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, iniisip o nadarama sa pagsulat Ang katulad nito ay
pansariling intensiyon sa pagsulat ng tula, awit ,maikling katha at iba
pang kaangkop ng malikhaing pagsulat.
2. Panlipunan o sosyal. Kasangkot sa layuning ito ang pakikipag-
ugnayan sa ibang tao o lipunang ginagalawan sa layuning ito ay
transaksyunal. Tulad ng pagsulat ng liham, korespondensya,
pamamahayag, paghahatid ng impormasyon, ilang sulatin panteknikal,
pampropesyonal at iba pang kauri.

Pilosopiya sa Pagsulat
Maituturing mo bang ang pagsulat ay pambihirang kakayahan ng isang
tao, at ito ay napakalaking bagay para sa kanya?
Naniniwala ka bang may mga taong sadyang isinilang na mahusay na
manunulat/ o ang pagsusulat ay pinag-aaralan bago ka maging mahusay na
manunulat? Naniniwala ka rin bang may mga taong nabubuhay sa tulong ng
kanyang mga panulat? May mga tao rin bang nagligtas ng kapwa’t bayan sa
tulong ng mga panulat, at gaano ba karaming tao ang umunlad at naging tanyag
na propesyonal sa pamamagitan ng pagsusulat? Samakatuwid biyayang kaloob
ng DIYOS na dapat sanayin at linangin ang kasanayang pagsusulat upang
matamo ng isang manunulat ang kaligayahan at kaluwalhatiang hinahangad.
C. URI NG AKADEMIKONG PAGSULAT

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
7
Ayon sa aklat nina Bernales et. al (2012) Maraming uri ang akademikong
pagsulat. Mauuri ito ayon s iba’t ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
Ang isang manunulat ay maaring magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o
isyu, tumalakay sa kasaysayan,o kaya’y magsulat ng isang simpleng akdang
nagbibigay-aliw sa mga mambabasa.
1. Akademik-Halos lahat ng gawaing pagsulat sa paaralan ay
maituturing na akademik mula sa antas primarya hanggang sa
doktoradong pag-aaral. Ang mga halimbawa nito ay kritikal na
sanaysay, pamanahong papel, tesis o disertasyon Itinuturing itong
intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
2. Teknikal- Ito ay isang espesyalisadong uri ng akademikong pagsulat
na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng
mambabasa at mga korespondensyang pampangangalakal.Hal
Feasibility Study
3. Journalistik- Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na
ginagawa ng mga mamamahayag o journalist Saklaw nito ang pagsulat
ng balita, editorial,kolum, lathalain at iba pang akdang nakikita sa
pahayagan.
4. Reperensyal-Naglalayong magrekomenda ng iba pang sors o
sanggunian hinggil sa paksa.
5. Propesyonal- Ang uring ito ng akademikong pagsulat ay nakatuon sa
ekslusibong propesyon. Ang mga halimbawa nito ay pagsulat ng police
report ng mga pulis, legal forms ng mga abogado,medical report ng
mga doktor atb.
6. Malikhain- Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat bagama’t maaaring piksyonal at di-
piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang
imahinasyon ng mga mambabasa. Ang pagsulat ng tula, nobela,
maikling katha,sanaysay ay maituturing na mga halimbawa ng uring
ito. Ang paggamit ng Idyoma,tayutay,simbolismo ay higit na
nagpapasining sa uring ito ng pagsulat.
INTERAKSIYON :
MGA PANG-UNAWANG TANONG
Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at sagutin ito nang maayos at
tumpak.(Sa mga CBL,isulat ang inyong mga sagot sa hiwalay na sariling sagutang
papel.Para naman sa mga ODL maaaring ipadala ninyo sa aking gmail)

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
8
1. Ano-ano ang pagpapakahulugan ng mga dalubwika,/mga paham hinggil sa
Akademikong pagbasa at pagsulat? Ang mga kahalagahan at layunin nito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________.

2. Ano ang kaugnayan ng kasanayang pagbasa at pagsulat?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

3. Ano ang mga uri ng akademikong pagsulat? Magbigay ng mga halimbawa ng


bawat isa.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

4. Alin sa mga nailahad na pilosopiya ng Akademikong Pagbasa at Pagsulat ang


pinaniniwalaan mo? Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.
PAGTATAYA
1. Gamit ang “concept map” ilahad ang iyong sariling pang-unawa hinggil sa
kahulugan, kahalagahan ng Akademikong Pagbasa at Pagsulat. 15 pts.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.
2. Ipakita ang kaugnayan ng kasanayang pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng
Venn Diagram”10 pts.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED.
9
3. Suriin ang kahalagahan ng Teoryang Interaktib na pagbasa. Paano ito
nakatutulong para maging mahusay kang mambabasa?10 pts.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.
4. Pumili mula sa uri ng akademikong pagsulat ang nais mo pang linangin at maari
mong buuin at isulat ngayon. 20 pts.(May pamantayang nakalaan para sa
gawaing ito)
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

5. Bilang isang mag-aaral at aktibong indibidwal, ano ang pinaninwalaan


/pilosopiya mo hinggil sa kasanayang pagbasa at pagsulat? Ilahad ito at
patunayan.30 pts.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

Maaari din itong magsilbing proyekto mo sa Midterm. Gagawin mo itong parang


Islogan na nakaguhit sa1/4 na kartolinang puti na maaaring ipaskil sa Children
Development Center ng inyong barangay upang mahikayat ang mga bata na magkaroon
ng kagiliwan sa pagbabasa at pagsusulat. Sa may kompyuter maaari ninyong i-print na
may kulay.
Simpleng Pamantayan
Malikhaing Pagkakabuo-----20 pts.
Mapanghikayat na mensahe---30 pts.
Madaling intindihin/malinaw---30 pts.
Gamit ang Wikang Filipino--------20 pts.
Kabuuan-------------------------------100 pts.

INTEGRASYON
A. Sintesis

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
1
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED. 0
1. Bilang isang mag-aaral sa napili mong propesyon, gaano kahalaga sa iyo ang
kasanayang pagbasa at pagsulat? Paano nakatutulong ang mga kasanayang ito
sa pagtaas ng iyong karunungan, paglalim ng iyong pang-unawa at paghubog
ng iyong pagkatao? Patunayan.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.

2. Bakit biyaya sa iba ang kasanayang pagsulat? Naniniwala ka ba?


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____________________________________________________.

B. Repleksiyon
Bilang mag-aaral sa kursong ito, Sumulat ng maikling repleksiyon hinggil
sa natutuhan mo sa modyul na ito. Sumulat ng 3-5 pangungusap lamang.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________.
MGA SANGGUNIAN:
 Bernales,Rolando et.al (2010) Interaktibong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Akademikong Pananaliksik Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
 Bernales, Rolando et. al (2012) Pagbasa, Pagsulat at Introduksiyon sa
Pananaliksik Malabon City. Mutya Publishing House Inc.
 De Leon, Elmer B. (2018) TUKLAS-DIWA Pagbasa Panunuri Pananaliksik sa
Flipino Quezon City. Lorimar Publishing, Inc.
 Garcia, Lakandupil et. al (2008) KALATAS Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik, Cabanatuan City. Jimcy Publishing House.
 Mabilin, Edwin et. al (2012) Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat Para sa Esensyal
na Pananaliksik, Malabon City Mutya Publishing House, Inc.
Elektronikong Hanguan
 https://www.slideshare.net/MiguelDolores/akademikong-pagsulat

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
1
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED. 1
INIHANDA NI:

MERLYN C. MANIEGO, Ph.D


Instructor

THIS MODULE IS FOR THE EXCLUSIVE USE OF THE UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC. ANY FORM OF
REPRODUCTION, DISTRIBUTION, UPLOADING, OR POSTING ONLINE IN ANY FORM OR BY ANY
1
MEANS WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE UNIVERSITY IS STRICTLY PROHIBITED. 2

You might also like