You are on page 1of 9

Modyul 5

PAGBASA

P anahon pa naman ng katutubo, marunog nang sumulat at bumasa ang mga Pilipino. Bakit
nga ba naman hindi, e may sarili silang alpabeto noon, Ang alibata o Baybayin. Kaya
masasabing literado na ang mga ninuno at pinaunlad na lamang ito ng mga Kastialng misyunero
nang formal nilang itatag ang Sistema ng edukasyon sa ilalim ng bahay-pari na kung tawagin
nila noon ay calon. Karagdagan na lamang din nilang itinuro ang aritmetika at katekismo.

K AHULUGAN NG PAGBASA
Sa kanya-kanyang pagtatangka ng maraming dalubhasa sa larangan ng wika na bigyang-
depinisyon ang pagbasa, tila amarami ang nauuwi lamang sa kawalang-kaganapan ang mga
katuturan bunga ng pagkukuwestsyon at matatalinong pag-aargumento na kani-kaniyang ring
ipinipresenta. Datapwat, kailangan ditong pumili ng isang tinatayang mapagsisilbing batayan sa
pag-aaral.

A NGPAGBASA
Taglay niya ang kapangyarihang magalugad ang ibang mundong maaari niyang matuklasan.
Nagagampanan niya ito sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa. Isa sa apat na kasanayang
dapat na madevelop ng tao sa kanyang sarili ay ang pagbasa, pagkilala at pagkuha nito ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Pag-
unawa ito sa wika ng may akda ng mga nakasulat na simbolo. Paraan ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag. Ayon sa isang dalubhasa ang
pagbabasa ay susi ng pagtuklas sa mas malawak pang karunungan, sa pagbabasa nadidivelop ng
tao ang kanyang katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at nakakamtan niya ang kasiyahan at
kayamanang dulot ng karunungang nakakatas sa mga tekstong kanyang binabasa. Ang
kapakinabangang nakukuha sa pagbabasa ay nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging
puhunan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan, sa kapwa at sa
mundong kanyang ginagalawan. Patuloy ang paglawak at pagdami ng mga impormasyon at
babasahing inilalathala taun-taon, kaya't patuloy ang pagdami ng
bagong karunungang dapat tuklasin ng isang nilalang, tinatawag itong knowledge explosion. Sa
dami ng mga aklat na nalimbag at sa milyun milyong mahuhusay na kathang nailathala, ang
isang mambabasa'y hindi pa makabasa ng isang porsyento man lamang ng mga aklat na ito sa
buong buhay niya. Bagamat malaki ang tulong na naidudulot ng komunikasyong media sa
pagtatamo ng karunungan, hindi pa rin mapapantayan ang halaga ng panahong gugugulin sa
pagbasa. Sa aklat at materyal na binabasa nakatala ang kasaysayan ng tao, ang kanyang
pagkalikha, panlulupig at pananagumpay, ang mga pagtitiis, pagnanasa at pag-asa sa hinaharap.
Sa pang-araw-araw na gawain ng tao makikita ang pagsusumikap niyang makapagbasa. Iba't
ibang uri ng babasahin ang nagdadala sa kanya ng mga impormasyon at kasiyahan mga
pahayagan, dyaryo, magazine, komiks, aklat at iba pa. Sinasabing 90% sa napag-aralan ng tao ay
mula sa kanyang karanasan sa pagbasa
Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa tungo sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na
nais marating ng tao sa pagkilala sa mga bantog at dakila na hindi nakikita. Gabay ito sa
pagtugaygay ng landas sa mga karanasan at mithiing pinapangarap ng tao. Dahil dito ang
pagbabasa ay maituturing na unang hakbang sa anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto.
Magbubunga ito ng malaking impluwensya sa personalidad ng isang nilalang.
Sa pananaw ni Toze, nagbibigay ng imformasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan
ang pagbasa. Ayon pa rin sa kanya, isa itong aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa
mga suliranin at nagbibigay ng iba't ibang karanasan sa buhay.

Ang Dalawang Pangunahing Layunin sa Mapanaliksik na Pagbasa

Nakapamihasnan nang ang karaniwang layunin ng pangkalahatang mambabasa ang maglibang.


Datapwat, sa larangan ng akademya, lalo na sa paggawa ng mga iskolarling proyekto, malayo
itong makuha, sapagkat nakafokus ito sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalalim ng
karunungan.

Nagbabasa ang mga akademisyan para makapangalap ng mahahalagang impormasyon,


gayundin, para mapataas ang antas ng pag-unawa.

Madali lamang ang pagbabasang ang layon ay makakuha ng maraming impormasyon. Nagagawa
ito, sa totoo lang, sa araw-araw na pagtunghay sa mga dyaryo, magasin, folyeto, at mga
kagayang babasahin. Magagaan lamang ang mga itong intindihin. Mangyari, hindi na ito
gaanong pinag-iisipan sapagkat nakakapantay lamang ng ordinaryong pang-unawa. Katunayan,
isang paraan ito ng pagpapalipas-oras, kaya'y paglilibang.

Samantala, mahirap ang pagbasang layong magpalawak at magpalalim ng pang-unawa Karawan


nang hindi ito kinasisiyahan dahil mabigat intindihin ang mga materyal na kinakailangang
basahin Matataas na ang antas ng nilalaman nito sa kakayahang umunawa ng bumabasa. Kung
ang unang layunin ay isang kasanayang pangmemorya lamang ng mga kaalaman, itong huli ay
isang kasanayang pampagkatuto sapagkat hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para
tuklasin ang mga nakapaloob ditong mga konsepto o mensahe Ginagamit dito ang malarong
imahinasyon, ang matalas na pagmamasid, ang matalinong panunuri, at masigasig na
pagmumuni. Mga katangian itong hindi itinuturo kundi tikas at kusang sumisibol sa pagkatao
Ang Mga Kahalagahan ng Pagbasa

1. Karanasan, kabatiran, at imahinasyon o guniguni ang mahahalagang puhunan sa matalinong


pagbasa. Ang kahusayan sa pagbasa ang nagpapagingganap sa tao Di- matatawaran, samakatwid,
ang importansya ng pagbasaSa kabuuan, narito ang naidudulot na buti ng pagbasa
2. oras, sa pagbabasa, makapupulot ng siya Pangkaalaman. Maraming impormasyon tungkol sa
mga bagay-bagay sa kapaligiran, sa mga kuti kutiti ng pamumuhay, sa mga katriviahan o
kabuluhan ng pakikipamuhay ang mapa. panutuhan sa pagbabasa. Pangkasiyahan Sa mga sandali
ng kawalang-magawa, sa halip na magtunganga, magmukmok,magpakabagot sa mabagal na
pagtakbo ng

3. Pangmoral Kinababatiran ng mga aral sa buhay na mapanghahawakan sa araw-araw na


pakikihamok sa mga problemang sumusubok saPRUSA AT HEAT TUMD SA ANAAtao na
magpapabago sa kanyang pananaw direksyong pupuntahan ang pagbabasa.

4. Pangkasaysayan. Nababalikan ang mga nakaraan, napag-iingatan ang kasalukuyan, at


napaghahandaan ang kinabukasan sa tulong ng pagbabasa.

5 Pangkapakinabangan. Sa pagbasa nakatuklas ng matatayog na kaisipan sa paglikha ng mga


bagay-bagay na nagsisilbing puwersa ng tao para lunsarin niya ang landas patungong inisyatibo
ng malayuning aktibidad.

6. Pampaglalakbay-diwa Dahil sa pagbabasa, ang mga lugar na di pa nararating at hinahangad ay


nagkakaroon ng pamilyaridad gawa ng paglalarawan sa mga ito sa mga babasahin,

Ang mga Hakbang sa Pagbasa Bilang Isang Proseso

Isang mental na aktibidad ang pagbasa. Hindi ito basta pangmata o pagtingin lamang sa
nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang simbolo na walang iba kundi ang mga letra, kundi
isang pagtuklas sa mga nakapaloob ditong kahulugan. Para mainut-inot itong mamalayan
hanggang ganap na makuha, dapat hakbanging isa-isa ang mga sumusunod:

Una, kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang simbolo para magkaroon sa isip ng imahe
nito. Sapul sa unang baitang ng pag-aaral, kinundisyon na ang isip natin dito, kaya pag
nagbabasa tayo, may ipinakikita munang simbolo, saka isasabay ang pagpaparinig ng tunog nito
sa gayon makita ang porma ng bibig sa pagpapalabas nito, at ating gagayahin. Mangyari pa, ki
tahimik, ki malakasan tayong magbasa, alam na natin ang bawat simbolo at ang katumbas na
tunog nito sapagkat nakaukit na sa ating utak.
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
Nabubuo sa kanyang pagbabasa Maaaring ikonsider ng mambabasa hindi ang teksto kung hindi
ang tekstong pinagsanib na teoryang Top-Down at Bottom-UP Nagkakaroon ng interaktib na
ugnayan ang mambabasa teksto at sumulat. Sa metakognitiv na pagbasa, ang dating kaalaman ay
iniuugnay sa bagong kaalaman, pinipili ang estratehiyang pang-isipan at pinaplano, minomonitor
ang prosesong pangkaisipan Layunin nito ang makuha ang tiyak na impormasyon at magamit ito
para sa ibang gawain Pag-unawang may pagsusubaybay sa isipan ng nagbabasa Nakatutulong sa
ganitong istilo ng pagbasa ang muling pagtatanong at paglalagom sa binasa, muling pagtingin ng
bokabularyo at kayarian ng wika. Malalamang meta kognitibo ang pagbasa kung gumagamit ng
mga estratehiyang mapanuring pagbasa, pagmomonitor at pagsubaybay sa sariling pagbasa.
Sinasabi rin kung ang pagbasa ay hindi konsistent sa teksto binabago ang pamamaraan sa pag-
unawa sa teksto

Elemento ng Metakognitibong Pagbasa

Sa pagtuklas ng karunungan kailangang madibelop ang estudyante sa pagbasa, ito'y daan tungo
sa pagtatagumpay, kaya't kailangang malinang ang kanilang kaalaman dito Ayon kay Steck -
Vaughn, tagapaglimbag ng mga materyales sa larangan ng edukasyon, (Sa pamamagitan ng
software) may mahahalagang elementong bumubuo sa pagbasa kasama na rito ang pag-unawa,
kahusayan, bokabularyo o talasalitaan, palabigkasan o palatungan

Pag-unawa ang pagtukoy sa kahulugan ng binabasa, may iba't ibang pagtuklas ng kahulugan,
pagtatanong at pagrereleyt sa nabasa na o dating kaalaman. Sa paggamit ng iba't ibang paraan sa
pagbabasa madaling mauunawaan ang binabasang teksto

Talasalitaan ang isa sa mahalagang elemento ng kognitibong pagbasa dahil sa mahalagang


maunawaan ng estudyante ang mga salitang nababasa sa teksto Mas malawak at mas maraming
alam na tulong sa kanyang pag-unawa. Nakatutulong pagkakaroon ng malawak na talasalitaan
ang paggamit ng diksyunaryo upang tingnan ang anumang salitang hindi niya nauunawaan Dito,
lalong nadadagdagan ang kanyang kakayahang kumilala ng mga salita at lumawak ang kanyang
kaalaman.

Palabigkasan, tumutukoy ito sa malinaw at tamang pagbigkas ng mga salita, maaaring ito'y
parirala o pangungusap. Mahalagang elemento ito sapagkat, dito natututong magbasa at bigkasin
nang tama ang mga salita. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng palatunugan at
palabigkasan, natututunan din ang pagbigkas nang may kaayusan, pagtukoy sa tamang bigkas ng
salita, at kanyang natututunan na ang mga salita ay binubuo ng may kaayusang tunog.

Ang Mga Pilosopiya ng mga Griyego at ng mga Makabagong Pilosopo

Sa simula pa lamang ng panahon, layunin na ng taong ipaliwanag ang kanyang kapaligiran.


Ginagamit niya ang agham at pilosopiya. Sa agham, pinag-eksperimentuhan niya ang mga
bagay-bagay sa kanyang paligid. Tinangka sa pamamagitan ng pangangatwiran. Ang pilosopiya
ang ginagamit ng mga sinaunang Griyego Dito nagmula ang ilang teorya

Ang nakararami sa iba’t ibang pilosopiya ng tao na pinaunlad at pinagyaman ay ang mga
pilosopiya ng mga pilosopong Griyego lan sa mga tao ay ang mga sumusunod

PLATO. Ang daigdig ay maganda puno ng ideya, sa daigdia na ito tiyak na matatagpuan ng tao
ang mga bagay ha may kinalaman sa ikauunlad ng pamumuhay tungo sa Kaganapan ng buhay:
Batay ito sa kalagayan ng tao sa punang ginagalawan, na kung saan sa gitna ng lipunang Hoy
matatagpuan ang mga taong patuloy ang pagnanaisna makakuha ng ginto pilak o tanso Ang
konseptong Platonik ay batay sa panlabas na kaanyuan lamang, katangiang impraktikal o di-
tahas: Ito ay nakatuon sa pag-aninag ng kaliwanagan

ARISTOTLE. Sa dalawang teorya ibinabatay ni Aristotle ang kanyang doktrina. Una, ang tao
ay nagkakaroon ng kaalamang madama ang mga pangyayari Sa

pamamagitan ng konsepto ng katwiran Ikalawa, ang lahat ay nakatuon sa isang wakas


(Teleology) Naniniwala rin siya na dapat magbago ang mga luma, subalit anumang uma ay
magiging batayan ng tahas at tunay na pagbabago

HEDONISM. Ayon sa Griyegong paniniwalang ilo, anumang suliranin sa buhay ay


matutugunan ng paghahanap ng kasiyahan o kaligayahan. Ito ay isang reaksiyon ng
ideyalismong naghahanap ng higit na mabuting buhay, subalit hindi ito matagpuan kaya't
nagiging mapaghinala Tanging kasiyahan lamang ang mahalaga sa kanila at ito ang
pinagbabatayan ng realidad

ST. THOMAS AQUINAS. Inilalahad dito ang pananampalatayang Kristiyano, na ang Diyos
ang simula at wakas ng lahat Ang Hierarchy of Beings ang pinakatanyag niyang doktrina
ipinaliwanag niya na ang kaugnayan at distansiya ng tao sa Diyos ay nasa pagkakalapit nito
batay sa pagkakasunud-sunod sa itaas Itinuturing namang mga makabagong pilosopo ang mga
sumusunod

LUTHER Ang nagpalaganap ng kalagayan sa pananampalataya, pagkakapantay pantay at


indibidwalismo Naniniwalang ang pagkatatag ng simbahan ay siyang nag akay at naging daan ng
pagkakaroon ng kapitalismo sa lipunan Siya ang nagpalaganap ng kalayaan sa pananampalataya,
pagkakapantay-pantay at indibidwalismo

DESCARTES Naniniwala siya na ang karunungang pansarili ay matatagpuan sa labas ng


daigdig, Inalis niya ang Diyos sa pilosopiya ngunit kinasangkapan niya bilang tagapanagot sa
pagkamakatao ng tao

HUME Taliwas naman sa paniniwala ni Descartes ang pilosopiya ni Hume na ang


pagkamakasan ay hindi pinanggagalingan ng kaalaman kundi ang daigdig ng pandamdam, ayon
sa pandama ng indibidwal

KANT. Para sa kanya ang Diyos, ang pagkamakasarili at ang daigdig ay di makikilala dahil sa
katwiran Inalis ang Diyos sa kanyang pilosopiya at isinailalim sa Teolohiya

HOBBES. Nag-uugat ang paniniwala niyang mapagtatagumpayan ang digmaan sa pagkakaroon


ng higit na kapangyarihang magdudulot ng katahimikan sa lipunan.

LOCKE. Magkatulad halos ang pilosopiya nila ni Hobbes. Naniniwala siyang sa batas ng
kalikasan na ang tao sa kanyang kalayaan at pagkamakatarungan ay pinagpapasyahan ng
katwiran. Siya rin ang nagpalaganap ng uri ng pamahalaang parlyamento.

ROUSSEAU. Ang nagdala ng demokratikong uri ng pamahalaan. Ayon sa kanya ang tao ay
marangal subalit di-sibilisado. Marami pang iba't ibang pilosopiya ang lumabas at halos mga
batay na sa una. Sa kasalukuyang panahon, kailangan ba natin ang bagong pilosopiya? Bakit?
Sino sa mga nasa itaas ang higit na makatutulong sa inyo at dapat paniwalaan? Mga katanungan
itong dapat na pakasuriin, sapagkat sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila na kailangan ang
pilosopiyang maiaangkop sa tao sa kaugnayan niya sa Diyos, kaya't patuloy na magmasid at
makiramdam sa mga pangyayari sa kapaligiran at nang matuklasan ang pilosopiyang higit na
kakailanganin sa buhay.
Bago natin tapusin an gating aralin sa araw na ito nais ko munang magkaroon ng isang
pagsasanay na susubok sa inyong talas ng pag-aalala sa nakaraan, at kung talang kayo’y may
naunawaan sa ating naging aralin.
G AWAIN 1
Panuto: Paghambinghambingin ang mga Pilosopo at kanilang mga Pilosopiya kung sa pagbasa.
Itala sa mga kahon ang pagkakakilala at pagkakaiba ng bawat isa.

PLATO Ang daigdig ay puno ng ideya Ayon kay Aristotle ang


ng mga tao, ang kakanyahan kakanyahan ng mga katawan
ng mga bagay ay nasa isang (nabubuhay o hindi
eroplano ng reyalidad na gumagalwa) ay matatagpuan
independiyente sa mga bagay sa anilang sarili
at katawan
ARISTOTLE Ang tao ay nagkakaroon ng Ayon kay kant ang daigdig ay
kaalamang madama ang mga di makikilala dahil sa
pangyayari sa pamamagitan katwiran
ng konsepto

KANT Ang daigdig ay di makikilala Ayon kay Descartes ang


sa katwiran. Inalis niya ang karunungang pansarili ay
Diyos sa kanyang Pilosopiya matatagpuan sa labas ng
at isinailalim sa Teolohiya daigdig

DESCARTES Naniniwala siya na ang Ayon kay Hume ang


karunungang pansarili ay pagkamakasan ay hindi
matatagpuan sa labas ng pinanggagalingan ng
daigdig kaalaman kundi ang daigdig
ng pandamdam
HUME Taliwas sa paniniwala ni Ayon kay Locke ay
Descartes ang Pilosopiya niya naniniwala siyang batas ng
na ang pagkamakasan ay kalikasan na ang tao sa
hindi pinanggagalingan ng kanyang kalayaan at
kaalaman kundi ang daigdig pagkamakatarungan
ng pandamdam
LOCKE Magkatulad halos ang Ayon kay Hobbes
pilosopiya nila ni Hobbes. mapagtatagumpayan ang
Naniniwala siyang batas ng digmaan sa pagkakaroon ng
kalikasan na ang tao sa higit na kapangyarihang
kanyang kalayaan at magdudulot ng katahimikan
pagkamakatarungan ay
pinagpapasyahan ng katwiran
HOBBES Nag-uugat ang paniniwala Ayon kay St. Thomas
niyang mapagtatagumpayan Aquinas ang Diyos ang
ang digmaan sa pagkakaroon simula at wakas ng lahat
ng higit na kapangyarihang
magdudulot ng katahimikan
sa lipunan
ST. THOMAS AQUINAS Inilalahad na ang Ayon kay Luther siya ang
pananampalatayang nagpalaganap ng kalayaan sa
kristiyano na ang diyos ang pananampalataya,
simula at wakas ng lahat ang pagkakapantay-pantay at
Hierarchy of Beings ang indibidwalismo
pinakatanyag niyang doktrina
ipinaliwanag niya na ang
kaugnayan at distansiya ng
tao sa Diyos ay nasa
pagkakalapit nito batay sa
pagkakasunud-sunod sa itaas
LUTHER Naniniwalang ang Ayon kay Hedonism Tanging
pagkatatag ng simbahan ay kasiyahan lamang ang
siyang nag akay at naging mahalaga sa kanila at ito ang
daan ng pagkakaroon ng pinagbabatayan ng realidad
kapitalismo sa lipunan

HEDONISM Ang suliranin sa buhay ay Ayon kay Plato Ang daigdig


matutugunan ng paghahanap ay maganda puno ng ideya, sa
ng kasiyahan o kaligayahan. daigdia na ito tiyak na
Ito ay isang reaksiyon ng matatagpuan ng tao ang mga
ideyalismong naghahanap ng bagay na may kinalaman sa
higit na mabuting buhay, ikauunlad ng pamumuhay
subalit hindi ito matagpuan tungo sa Kaganapan ng
kaya't nagiging mapaghinala buhay: Batay ito sa kalagayan
ng tao sa punang ginagalawan

G AWAIN 2
Panuto- Magsagawa ng isang masining ng na pagbasa. Pumili ng isang akdang pampanitikan at
magsagawa ng isang masining na pagbasa.
Alituntunin na dapat sundin sa pagsasagawa ng Masining na Pagbasa

I. Pumili ng isang akdang pampanitikan at gamitin itong script sa pagbabasa


II. Ang vidyo ay nanagngailangan naglalaman lamang ng limang minuto hanggang sampung
minuto

Link: https://drive.google.com/drive/folders/1EHdF4WEjONkXSxnDwt_T_n5u0gAJ9lzS

L EARNING S UMMARY
Panuto: Magbigay ng tig- dalawang halimbawa ng bawat teorya ng pagbasa

PLATO Teoryang istukturalismo Teoryang pormalismo

ARISTOTLE Teoryang naratolohiya Teoryang sikoanalitiko

KANT Teoryang post-istruktalismo Teoryang feminismo


at dekontruksyon

DISCARTES Teoryang postmodernismo Teoryang marxismo

HUME Teoryang historismo at Teoryang postkolonyalismo


materyalismong kultural

LOCKE Teoryang marxismo Teoryang feminismo


HOBBES Teoryang pormalismo Teoryang naratolohiya

ST. THOMAS AQUINAS Teoryang feminismo Teoryang istukturalismo

LUTHER Teoryang sikoanalitiko Teoryang postmodernismo

HEDONISM Teoryang postkolonyalismo Teoryang post-istruktalismo


at dekontruksyon

You might also like