You are on page 1of 5

COLLEGE DEPARTMENT

olshcodean@gmail.com

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8


IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng Balagtasan (F8PB-IIc-d-25)
2. Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad na may
pagsang-ayon at pagsalungat (F8PU-IIc-d-25)
3. Napapaliwanag ang masining na pahayag na ginamit sa balagtasan (F8PT-IIc-d-24)

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa
Balagtasan
b. Sanggunian
Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 176-198 Alma M. Dayag
c. Kagamitan
Rolling TV cart
Graphic organizer
Mga Larawan

Gawaing-guro Gawaing mag-aaral


“Magandang umaga klass” “ Magandang umaga rin po”

“Pangunahan mo ang panalangin, Ara”

“ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng


Espiritu Santo, Ama salamat po sa araw
na ito na kami po ay nagkasama-sama
muli upang matuto ng bagong kaalaman
nawa’y gabayan po ninyo ang
maghapon namin sa araw-araw”

“ May liban ba sa araw na ito ngayon?”

“ Wala po mam”

“ Mabuti kung ganon”

“ Bago natin simulan ang talakayan ay


sagutan niyo muna ito tukuyin kung
COLLEGE DEPARTMENT
olshcodean@gmail.com

anong salita ang mabubuo base sa mga


larawan”

(mag-iisip ang mga mag-aaral kung ano


ang sagot)

“Ano ang nabuo ninyong salita?”

“Balagtasan”

“Mahusay dahil ngayong araw ang ating


aralin ay tungkol sa balagtasan. Ano nga
ba ang Balagtasan?

“Pakibasa ang nakasulat, Edzel”

“Ang Balagtasan ay isang pilipinong


uri ng pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig na ukol sa isang
paksa”

“Salamat”

“sa pamamagitan ng balagtasan


nagkakaroon ng pagpapalitan ng
kaisipan at pananaw sa pagitan ng
manunulat at tagapakinig”

“Ang Balagtasan ay hinango sa


pangalan ni Francisco Balagtas, Sa
balagtasan ay patalinuhan ng
pagpapahayag ng panig sa patulang
pamamaraan”

“Ipaliliwanag ko naman ngayon ang


COLLEGE DEPARTMENT
olshcodean@gmail.com

mga Elemento ng Balagtasan, Unang


Elemento ay ang tauhan, mayroong
lakandiwa o lakambini ito ang
tagapagpakilala ng paksa at ito rin ang
tagapamagitan sa pinagtatalunan ng
dalawang mambabalagtas, Mayroon din
mambabalagtas ito ang tawag sa taong ( Makikinig ang mga mag-aaral)
makikipagbalagtasan at huli ay
manonood sila ang tagapakinig sa
pagtatanghal ng Balagtasan”

“Sunod na elemento ay Paksa, pakibasa


ang nakasulat Hazel”
“Paksa ito ay ang bagay na pinag-
uusapan, tinatalakay o pinagdedebatehan
para ganaping maipaliwanag at
maunawaan ang konteksto nito”

“Ang karaniwang paksa ay tungkol sa


politika, pag-ibig, kalikasan, lipunan at
karaniwang bagay, halimbawa ang
paksa ay Pag-aaral o Pag-ibig”

“Ikatlong Elemento ay ang


Pinagkaugalian, pakibasa ang
nakasulat Jayla”

“Pinagkaugalian sukat ito ang bilang ng


pantig sa bawat taludtod, tugma ito ang
pagkapareho ng tunog ng dulo ng mga
taludtod sa panulaan at indayog ito ay
tumutukoy sa tono kung paano
binibigkas ang mga taludturan”

“Sa tugma ay may dalawang uri ang


tugma ito ay ang tugmaang ganap at
tugmaang di-ganap”
COLLEGE DEPARTMENT
olshcodean@gmail.com

“Huling Elemento ay ang Mensahe ito


ang ideya at damdaming nais iparating
ng kabuuan ng anumang sasabihin,
teksto o akda tulad ng Balagtasan”

“Naunawaan ba klass kung ano ang


Balagtasan at ang mga Elemento nito?”

“ opo mam”

“May mga katanungan ba?”

“wala po”

“Dumako naman tayo ngayon sa mga


Gawain na aking ibibigay maglabas
kayo ng isang buong papel. Unang
gawain ay ipaliwanag niyo ang masining
na pahayag na ginamit sa Balagtasan,
Ikalawang gawain ay isusulat niyo ang
opinyon at katwiran ukol sa paksa ng ( Maglalabas ang mga mag-aaral ng
Balagtasan na Talino vs. Yaman at papel at magsasagot na ng gawain)
huling gawain gamit ang graphic
organizer ay magsusulat kayo ng limang
paglalahad na may pagsang-ayon at
limang may pagsalungat. Tignan ang
halimbawa na aking ipapakita Bibigyan
ko kayo ng tatlumpung (30) minuto
upang gawin”

Halimbawa sa huling gawain


Pagsang-ayon
Iyan din ang palagay ko Francisco
Balagtas ang sagot

Pagsalungat
Hindi tayo magkasundo dahil mahkaiba
ang pananaw natin sa buhay
COLLEGE DEPARTMENT
olshcodean@gmail.com

“Tapos na ang minuto na aking binigay,


pakipasa na ang inyong mga papel”

( Ipapasa na ng mga estudyante ang


kanilang papel)

“Ang inyong takdang – aralin ay


Basahin ang Balagtasan na may paksang
Talino vs. Yaman at pumili ng
pangangatwiranan kung ano ang mas
mahalaga Talino kaysa Yaman o mas ( Isusulat ng mga estudyante ang
mahalaga ang Yaman kaysa Talino” kanilang takdang-aralin)

“ Tumayo na ang lahat at tayo ay


manalangin na pangungunahan ni Ara”

( Tatayo na ang lahat at mananalangin


ang naatasan sa panalangin)

“ Paalam class” “Paalam din po”

You might also like