Jomar G. Adaya Kagawaran ng Filipinolohiya madaling maging tao mahirap magpakatao Layunin
Maibahagi ang mahahalagang susing
konsepto ng kapwa na dinalumat ni Virgilio Enriquez, at ang kritikal na pedagohiya ni Paulo Freire; Masipat ang posibilidad sa pagbuo o paglinang ng isang kolektibong ugnayan ng titser-istudyante gamit ang lente ng kapwa at kritikal na pedagohiya; Ayon kay Enriquez, ito ay [artikulong Kapwa: Core Concept of Filipino Social Psychology] hindi naglalayong lumikha o luminang ng isang teoretikal na balangkas tungkol sa pag-unawa sa Pilipinong kaisipan. Sa halip, ito ay nagpapanukala o pagbibigay-diin sa pagtukoy o pagkilala sa umiiral, makabuluhan, at kayariang konsepto sa wikang Filipino na maaaring magbigay ng susi sa mas malalim na pag-unawa sa Pilipinong sikolohiya. “Language is not merely a tool for communication... It is understandable why one’s faith in language leads one to believe that meaningful concepts for understanding society is most probably identifiable in its own language” (Enriquez 1978, 100). Antas at Moda ng Pilipinong Ugnayang Panlipunan Pakikitungo (civility with) Pakikisalamuha (interaction with) Pakikilahok (joining/participating with) Pakikibagay (in-accord with) Pakikisama (being along with) Pakikipagpalagayan (being in rapport/understanding/acceptance with) Pakikisangkot (getting involved) Pakikiisa (being one with) Ibang-tao or Outsider Category Pakikitungo Pakikibagay Pakikisama Hindi ibang-tao or One of us Category Pakikipagpalagayang-loob Pakikiisa KAPWA
both; fellow being
others (pinakamalapit na katumbas sa Ingles) - opposition to the “self” - pagkilala sa sarili bilang hiwalay na identidad KAPWA = unity of self and others = recognition of shared identity Pakikisama o Pakikipagkapwa?
Pakikipagkapwa – paninindigan (conviction)
at halagahin (value). Bahagi nito ang lahat ng antas at moda ng pakikipag-ugnayan. Pakikisama – anyo o bahagi lamang ng pakikipagkapwa Pakikipagkapwa
“as a conviction does not simply imply either
pakikitungo or pakikisama or any other levels or modes of interaction. Pakikipagkapwa is much deeper and profound in its implications. It also means accepting and dealing with other person as an equal.” Kritikal na Pedagohiya
“ Education is suffering from
narration sickness” – Paulo Freire Ang pagtuturo ay isa lamang pagsasalaysay kung saan nagsisilbing tagatanggap lamang ng mensahe ang mag- aaral. Ang edukasyon para sa kanya ay sistema ng pagbabangko, kung saan ang mag-aaral na dinedepositohan ng kaalaman ng guro ay nararapat na matyagang tumatanggap, nagsasaulo at nag-uulit ng mga pumapasok sa kanyang isip upang kalauna’y masalok o ma-withdraw din sa kanya. Hindi ganito ang pagkatuto sa konsepto ng kritikal na pedagohiya. “Violence is initiated by those who oppress, who exploit, who fail to recognize others as persons – not by those who are oppressed, exploited and unrecognized. It is not the unloved who initiate disaffection, but OPPRESSOR those who cannot love because they love only themselves… Forced is used not by those who have become weak under the preponderance of the strong, but by the strong who have OPPRESSED emasculated them.” (Freire 1984, 41) “Liberating education consists in acts of cognition, not transferrals of information. It is a learning situation in which the cognizable object intermediates the cognitive actors – teacher on the one hand and students on the other… the practice of problem-posing education entails at the outset that the teacher-student contradiction be resolved” (Freire 1984, 67). “Problem-posing education, as a humanist and liberating praxis, posits as fundamental that men subjected to domination must fight for their emancipation. To that end, in enables teachers and students to become Subjects of the educational process by overcoming authoritarianism and an alienating intellectualism; it also enables men to overcome their false perception of reality” (Freire 1984, 74). Ugnayang Titser-Istudyante
Kolektibong Kailangan makita ng guro ang sarili bilang
isang tagapagpadaloy ng kaalaman sa pagkatuto loob ng proseso ng pagkatuto kasama ang kanyang mga mag-aaral. Hindi sentralisado ang kaalaman sa guro dahil siya mismo ay sumasalok at humahango ng mga kaalaman mula sa danas ng mga mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon, nababaklas ang pader sa pagitan ng guro at mag-aaral dahil napapasok ng tagapagpadaloy ang loob ng mga naghahangad na matuto. Kailangang magkaroon ng kritikal na pag-iisip ang guro Kritikal na sa kanyang pagtuturo sa klase. Ito ay masusukat sa kakayahan ng guro na humabi ng mga tanong na diyalogo magbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataon na mag-isip (hindi lang magsaulo) at makibahagi sa talakayan. Imbis na magtanong kung ano ang mga tiyak na aral o ideya na napulot sa aralin, mas mainam na itanong kung ano ang kanilang nakita, nadama, mga nagtatalong ideya na pumukaw sa interes nila, o mga nabuong katanungan sa kanilang isip . Sa ganitong tipo ng pagtatanong, hindi na lamang natin hinahanap sa mga mag-aaral ang mga inaasahan na nating dapat nilang sagot, tulad ng depinisyon ng mga konsepto. Nasusubok ang husay sa pag-iisip at paghabi ng mga ideya ang mga mag-aaral. Pagkilala sa Kung nanaisin ng guro na mapukaw kapwa tao ang interes ng mga mag-aaral sa mga aralin, lalo na sa mga kumplikadong paksa, hindi lamang siya magiging malikhain sa pagbuo ng mga pamamaraan, kundi higit dito, siya’y magsisikap na ilapit ang loob sa pamamagitan ng yugto-yugtong paglikha ng tulay ng ugnayan hindi lamang bilang titser-istudyante, lalo’t higit bilang kapwa tao. Hindi dapat binabalewala ang mga karanasang Pagtatagpo bitbit ng mga mag-aaral sa klase dahil ang mga ito’y ng mga danas mga aktwal na praxis ng mga kaalamang hinubog ng kanyang nilulugarang panlipunang espasyo. Ang mga danas na ito ang maaaring tuntungan ng mga guro sa paglikha ng mga pamamaraan sa pagtuturo. Kailangang malaman at maunawaan ng guro ang dinamismo ng karanasan ng mga mag- aaral na maaaring nagtatagpo subalit mas madalas naghihiwalay dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang kultura. Bilang guro, marami tayong matututuhan sa mga matutuklasan nating karanasan ng mga mag-aaral na hindi natin matatagpuan sa anumang libro o teksbuk na ginagamit sa klase. Mahalagang naisasaalang-alang ng mga guro ang Pag-ugat sa komunidad na kinabibilangan ng kanyang mga mag-aaral. Sityo ng malawak na naratibo ang komunidad na kinagisnan komunidad ng mag-aaral dahil ito ang nagluwal sa kanya bilang tao. Kaya, mahalagang maipaunawa sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa kanyang komunidad upang sa akto ng pagtuklas at pagkatuto nabibigyan ng ahensya ng mag-aaral ang pagtupad sa mga pangarap at pagpapalaya sa komunidad sa anumang anyo ng pang-aapi. Hindi dapat maikahon sa loob ng klase ang pagtuturo kaya napakahalagang bigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral lumabas sa klase, o balikan ang kanilang komunidad. Sa pamamagitan nito, hindi nagiging tiwalag sa kanyang kultura at lipunan ang mag-aaral, at sa halip ay nagkakaroon pa nga ng pagkakataon upang pagsilbihan o kilalanin ang kanyang bayan. Pagsasakonteksto ito mula sa indibidwal na antas ng danas patungo sa panlipunan na pinag-uugatan nito. “Authentic liberation – the process of humanization – is not another deposit to be made in men. Liberation is a praxis: the action and reflection of men upon their world in order to transform it.”