You are on page 1of 15

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SAKLAW


PANIMULA

Rasyonale

Ang paaralan ay isa sa mga pinakamahalagang

institusiyon na kinabibilangan ng marami. Dito tayo kumukuha

ng edukasyon, na siyang puhunan natin upang maging

produktibo. Tinatawag nga itong pangalawang tahanan, di na

iba sa bahay na ating kinalakihan. Gaya ng tahanang ating

kinalakihan, napapaligiran tayo ng iba’t-ibang impluwensiya

sa paaralan na maaaring makahulma sa atin bilang isang

indibiduwal.

Malaking impluwensiya ang sistema ng edukasyon sa isang

paaralan. Sa silid-aralan, iba’t-bang mag-aaral na may

iba’t-ibang talento, kakayahan, at personalidad ang

naaapektuhan ng iisang sistema. Maaari ngang nagawa ang

nasabing sistema para sa ikabubuti ng lahat ng mga

estudyante, ngunit hindi natin maiiwasan ang nag-iibang

epekto nito sa nag-iibang abilidad ng nag-iibang katauhan.

May mga mag-aaral na nasasayang ang kanilang kakayahan dahil

sa iisang sistema lamang nakasalalay ang kanilang

kinabukasan. Maaari nitong maapektuhan ang indibiduwalidad

ng mga estudyante, ang kani-kanilang pagkatao.


2

Parte ng nasabing sistema ang mga guro ng paaralan.

Sila ang nagtuturo at nakakasalamuha ng mga estudyante araw-

araw. Ang kanilang mga aksyon, pakikitungo, at gawaing

ibinibigay ay maaaring maka-apekto sa pagkatao ng mga mag-

aaral.

Ang mga asignaturang ibinibigay ng paaralan ayon sa

sistema ay may malaking epekto sa paghulma ng iba’t-ibang

talento ng mga estudyante. Mabuti man ay hindi maiiwasan na

napipilitan ang ibang mag-aaral na kumuha ng mga

asignaturang hindi tugma sa kanilang kagustuhan at

kinabukasan. May mga importanteng asignaturang kailangang

bigyang pansin, ngunit may mga asignatura na masyadong

binibigyang pokus kahit hindi naman masyadong kailangan.

Ang kurikulum o paaralan ay ang pinakamalaking parte ng

sistema ng edukasyon. Sakop nito ang skedyul at ang iba’t-

ibang organisasyon sa paaralan. Malaki ang impluwensiya nito

sa mga estudyante sapagkat dito nakasalalay ang buhay ng mga

mag-aaral bilang mga mag-aaral.

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang

malaman ang saloobin at perspektibo ng mga mag-aaral ng

Bohol Wisdom School tungkol sa sistema ng paaralan at kung

nakakasagabal ba ito sa kanilang indibiduwalismo. Gagawin

ito sa pamamagitan ng survey. Naniniwala ang mga


3

mananaliksik na makakatulong ang pag-aaral na ito hindi

lamang sa mga estudyante, kundi pati na rin sa paaralan

mismo.

Batayang Teoretikal

Ang Functionalist Theory na inilathala ni Emile

Durkheim ay nakapokus sa pamamaraan na ang Unibersal na

edukasyon ay nagsisilbi ng pangangailangan ng lipunan. Ang

“moral education”, ayon kay Durkheim, ay nakakatulong mapag-

isa ang estraktura ng lipunan sa pamamagitan ng pagtipon-

tipon ng mga tao na nanggagaling sa iba’t ibang kapaligiran

na kinalakihan.

Ang edukasyon ay napaka-importante dahil ito ang

nagsisilbing tagapagsanay ng mga bagong miyembro ng lipunan

at iyon ay ang mga kabataan. Nararapat na malaman nila ang

kanilang sariling halaga para hindi nila mararamdaman na mas

mababa sila kaysa sa iba, na hindi sila parte sa lipunang

ikinabibilangan ng lahat.

Ang Symbolic Interactionist Theory na pinanukala nina

Rosenthal at Jacobson ay naglilimit sa pagsusuri na ang

edukasyon ay nakabase sa kung ano ang nangyayari sa loob ng

silid-aralan. Sila ay nakapokus kung paano naiimpluwensyahan

ng ekspektasyon ng mga guro sa kanilang


4

BATAYANG TEORETIKAL BATAYANG LEGAL

Functionalist Theory Artikulo 1, Kabanata 1 ng


(Emile Durkheim) Batas Pambansa
Bilang 232
Symbolic Interactionist
Theory Artikulo 3, Kabanata 3,
(Rosenthal at Seksyon 22 ng Batas
Jacobson, 1966) Pambansa Bilang 232

John Dewey’s Theory of Kabanata 2, Seksyon 4 ng


New Individuality Education Act of
(John Dewey, 1930) 1982

Mga Estudyante ng Ika-7 at


Ika-8 na Baitang ng Bohol
Wisdom School

Pananaw Tungkol Pananaw Tungkol Pananaw Tungkol


sa mga Guro sa mga sa Kurikulum o
Asignatura Paaralan

Ang Imumukhaing Gawain Upang Mas Mapabuti Ang


Sistema ng Edukasyon Para sa mga Estudyante

Tayahin 1. Teoretikal at Konseptuwal na Balangkas


5

estudyante ang kanilang kilos at at pananaw.

Ang mga guro ay isa sa mga pangunahing tauhan na

nakakaimpluwensya sa mga kabataan dahil sila ang nagtatanim

ng kaalaman sa isipan ng kanilang mga estudyante.

Samakatuwid, ang bawat galaw ng mga guro ay nakikita ng

kabataan. Dahil dito, ang kabuuan ng lipunan ay nakasalalay

rin sa ating mga guro at ang interasksiyon nila sa kanilang

mga estudyante.

Sa Theory of New Individuality ni John Dewey (1930),

isinasaad na ang mga institusiyon ay may malaking

impluwensiya sa paghulma ng mga indibiduwal. Ang interes at

kaibahan ng bawat isa ay dapat bigyang pansin ng mga

nasabing institusyon.

Isinasaad din dito na nawawala ang indibiduwal sa

kalagitnaan ng isang mundong punong-puno ng mga walang

saysay na asosasyon. Dahil dito ay nakakalimutan ng

indibiduwal ang kanyang sarili, at hindi nito mapapaunlad

ang kanyang kakayahan.

Batayang Legal

Ang Artikulo 3, Kabanata 3, Seksyon 22 ng Batas

Pambansa Bilang 232 ay ang patakaran upang matuklasan at

mapahusay ang iba't ibang mga interes ng mga estudyante at

mapabuti ang kanilang kakayahan para sila ay maging

produktibo at makakapag-handa sa kolehiyo.


6

Ang mga estudyante ay dapat matutong maging mapag-isa

sa mga gawain dahil hindi lahat ng oras sila’y magdedepende

sa kanilang magulang, guro, mga kaklase o kahit kanino man.

Dadating din ang panahon na sila ay pupunta na ng kolehiyo

na magiging mas mahirap para sa kanila kapag hindi nila

nasanay ang kinalang mga kakayahan nang mabuti.

Ayon sa Artikulo 1, Kabanata 1 ng Batas Pambansa Bilang

232 ang bawat mag-aaral ay may karapatang tumanggap ng

karampatang pagtuturo, kaugnay sa kalidad ng edukasyon

alinsunod sa pambansang layunin para sa kanilang buong pag-

unlad bilang taong may karangalan.

Ang batas na ito ay nagsasabi na ang mga guro ay

responsable sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga

mag-aaral upang mapahusay ang kani-kanilang mga kakayahan at

talento na nakakaambag sa kanilang pag-asenso hindi lamang

bilang isang mag-aaral kundi bilang isang mamamayan ng

bansa.

Importanteng patibayin ang indibidwalismo ng mga

kabataan dahil sila ang magiging mga pampublikong

tagapaglingkod, tagataguyod at pinuno ng ating komunidad sa

hinaharap, dapat bawat isa sa kanila ay mapanatiling bukas

ang mga mata tungkol sa problema sa lipunan at magkaroon ng

sariling paninindigan bilang parte ng komunidad.


7

Ang Kabanata 2, Seksyon 4 ng Education Act of 1982 ay

naglalahad na isa sa kanilang mga layunin ay makapagbigay ng

isang malawak na pangkalahatang edukasyon na tutulong sa

bawat indibidwal sa kakaibang ekolohiya ng kanyang sariling

lipunan upang matamo ang kanyang potensyal bilang isang tao.

Para makamit natin ang ating pambansang layunin dapat

lahat ng tao ay magtulungan. Ang mga kabataan ay ang pag-asa

ng bayan, sila ay may karapatang matuto ng mabuti nang hindi

nakakasagabal sa kanilang indibidwalismo upang magawa nila

ng maayos ang kanilang tungkulin sa ating lipunan. Hindi

pwedeng ipagkait ang nararapat na edukasyon para sa kanila,

ngunit hindi rin pwedeng ipagkait ang pag-asenso nila bilang

isang indibiduwal.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Al-ag (2018), dapat malaman ng guro ang iba’t-

ibang salik na nakaka-apekto sa paghuhubog ng bata sa

kanyang mga kaalaman, kakayahan, abilidad, at ugali.

Responsibilidad ng isang guro bilang parte ng paaralan ang

pagkonsidera sa nag-iibang interes ng mga mag-aaral upang

sila ay umunlad.

Kabilang sa mga sampung nagungunang nagdudulot ng

istress ng mga estudyante ang masyadong maraming baong

gawain, maraming nilalaman na kailangang matutunan at ang


8

masikip na talaorasan ng iba’t-ibang asignatura. Imbes na

umunlad ay nasasayang lamang ang mga kakayahan at talento

nga estudyante dahil hindi na nila magagawa ang kanilang

“best” dahil sa patong-patong na gawaing sa bawat asignatura

(Basbas, et. al, 2018).

ANG SULIRANIN

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang

malaman ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa

kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Bohol Wisdom School at

kung paano nito naapektuhan ang indibiduwalismo ng bawat

isa. Mahalagang bigyang pansin ang nasabing layunin upang

matutukan ang ibang pangangailangan ng mga mag-aaral para sa

kanilang ikabubuti.

Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral ayon sa:

1.1 edad; at

1.2 kasarian?

2. Anu-ano ang profayl ng kanilang mga tugon/persepsiyon

sa mga sumusunod:
9

2.1 mga guro;

2.2 asignatura; at

2.3 kurikulum o paaralan?

3. Ano ang mungkahing gawain upang matugunan ang resulta

ng pag-aaral?

Paglalahad ng Hipotesis

Hindi positibo ang pananaw ng mga mag-aaral sa

sistemang edukasyon ng Bohol Wisdom School.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makabuluhan sa mga

sumusunod:

Sa mga Estudyante. Sila ang naaapektuhan sa sistema ng

paaralan kaya mahalagang nakakabuti para sa kanila ang

kapaligirang pang-edukasyon. Sila ay patuloy na magsisikap

kung mabibigyang pansin ang kanilang mga interes at iba’t-

ibang talento. Maiiwasan nila ang malulong sa depresiyon.

Sa Paaralan. Maraming magulang ang magiging

interesadong magpatala ng kanilang mga anak kapag ang

sistema ng edukasyon ay tunay na pinapaunlad ang nag-iibang

karunungan ng kabataan. Maiiwasan din ang mga kaso ng

depresiyon.
10

Sa mga Guro. Tunay na magagawa nila ang tunay na

tungkulin ng isang guro; ang tulungan ang bawat estudyanteng

umunlad bilang isang mabuti at marunong indibiduwal. Mas

gagaan din para sa kanila kapag may kooperasyon silang

makukuha mula sa kanilang mga interesadong estudyante.

Sa Susunod na Mananaliksik. Ito ay magsisilbing

sangguniang materyal sa karagdagang pananaliksik.

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Upang makamit ang layunin na papel-pananaliksik na ito,

ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong disenyo. Bukod

doon, binigyan ang mga tagatugon ng mga survey tungkol sa

paraan ng sistema ng edukasyon at mga posibleng aspeto kung

saan hindi nito napapalaganap ang indibiduwaslismo ng

tagatugon.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginanap sa Bohol Wisdom

School na matatagpuan sa C.P.G. North Avenue, Tagbilaran


11

City. Ito ay isang pribadong institusiyon na non-sectarian.

Binuo ito ng mga may dugong Tsino.

Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga tagatugon ng pananaliksik na ito ay ang mga

sumusunod:

Talahanayan 1

Bohol Wisdom School – Junior High School Department


CPG North Avenue, Tagbilaran City
7 - Citrine 16

7 Opal 16

7 – Quartz 16

7 – Ruby 16

7 - Turquoise 16

8 – Amethyst 14

8 – Jade 14

8 – Onyx 14

8 – Pearl 14

8 - Sphene 14

Total: 150

Pinagmulan ng Datos

Ang mga datos ay galing sa isinigawang sarbey ukol sa

saloobin ng mga mag-aaral sa sistema ng edukasyon ng


12

paaralan at kung paano nito nakakatulong sa indibiduwalismo

nila.

Instrumento ng Pananaliksik

Para sa layunin ng pag-aaral, ang talatanungan o

questionnaire ang ginamit sa pagkalap ng datos. Ang

talatanungan ay binuo ng tatlong bahagi. Ang unang bahagi

naglalaman ng profayl ukol sa tagasagot gaya ng edad at

kasarian. Ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga

katanungang makakapag-bibigay ng impormasyon tungkol sa

pananaw ng mga estudyante ng sistemang pangedukasyon. Ang

huling bahagi ng talatanungan ay nagtatanong sa kanilang

persepsiyon kung paano naimpluwensiyahan ng sistema ang

kanilang indibiduwalismo. Sila ay sasagot gamit ang sukat na

ito:

5 – Labis na Di Sumasang-ayon

4 – Di Sumasang-ayon

3 – Neutral

2 – Sumasang-ayon

1 – Labis na Sumasang-ayon

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Paglikom ng mga Datos. Ang mga mananaliksik ay nagbigay

ng liham sa pinuno ng High School Department para humingi ng


13

pahintulot upang magsagawa ng pag-aaral. Pagkatapos mai-

apruba, binigyan ang mga estudyante ng mga napiling baiting

ng questionnaire sa pahintulot ng kanilang subject teacher,

at hinintay na matapos sumagot ang mga tagatugon.

Pagkatapos ay itinipon ng mga mananaliksik ang mga

questionnaire at maingat na binilang bago pinag-isa. Ang

nakalap na datos ay ginamit para sa statistical treatment at

analysis. Ang mga mananaliksik ay nakipagtulungan sa

kanilang istatistisiyan upang makuha ang inaasam na resulta.

Pagsusuring Istatistikal. Para malaman ang profayl ng

mga tagatugon, ang pormulang percentage ang gagamitin para

matahasan ang kasarian at edad nila.

P = (f/n)*100

Kung saan:

P = Percenatge

f = Kadalasan bilang ng mga respondents

n = Kabuuang bilang ng mga respondents

Para malaman ang profayl ng mga tugon o persepsiyon ng

mga tagatugon sa mga guro, asignatura, at paaralan, ang

pormulang weighted mean ang gagamitin.

∑ f i xi
x=
fi
14

Kung saan:

x = Weighted Mean

f i = Katumbas ng salik na pinili

x i = Item na binigay

Ang mga resulta ng data ay binigyang kahulugan batay sa

hanay:

SCALE DESCRIPTIVE VALUE RANGE

5 – Labis na Di Sumasang-ayon 4.2 – 5.0

4 – Di Sumasang-ayon 3.4 – 4.19

3 – Neutral 2.6 – 3.39

2 – Sumasang-ayon 1.8 – 2.59

1 – Labis na Sumasang-ayon 1.0 – 1.7

KATUTURAN NG MGA TERMINOLOHIYANG GINAMIT

Indibiduwalismo. Ang pagkakaiba ng isang tao sa iba

pang tao. Ang kakayahan, talent, abilidad, at karunungan ng

isang tao na iba sa iba.


15

Sistema ng Edukasyon. Ito ang paraan ng pamamahala ng

paaralan. Sa pananaliksik na ito, sakop nito ang mga

asignatura ng paaralan, school activities, ang schedule ng

mga mag-aaral, mga guro, mga school clubs, at ang paraan ng

pagtuturo.

You might also like