You are on page 1of 4

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I. Introduksyon

Ang mga guro ay ang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Malaki ang

papel na ginagampanan ng mga guro isang gabay tungo sa isang mabuting

daan at hindi lamang sa pag-aaral pati na rin sa pang-araw-araw na pamumuhay

ng mga mag-aaral. Ngunit hindi lamang umiikot ang tungkulin ng mga guro sa

paaralan kundi pati na rin sa kanyang personal na buhay. Hingil sa kaalaman ng

bawat isa hindi lamang sa pagtuturo umiikot ang buhay ng isang guro kundi may

iba’t iba pa itong responsibilidad sa buhay. Hirap man sa pagbabalanse ng kanyang

oras sa pamilya man o paaralan, ginagawan pa rin ito ng paraan upang mabigyang

kahalagahan ang bawat isa.

Tulad ng ilan sa mga pinakamaimpluwensyang huwaran para sa pagbuo ng

mga estudyante, ang guro ay responsable para sa mahigit lang academic

enrichment. Ang guro ay maaari ding maging isang pinagkakatiwalaang tao at

mapagkukunan ng kaalaman para sa mga estudyante na nangangailangan gumawa

ng mga mahahalagang desisyon. Ang mga guro ay makatutulong sa kanilang mag-

aaral sa pag-aaral sa kolehiyo, galugarin ang mga oportunidad sa propesyon at

makipagkumpetensya sa ang mga kaganapan na kahit sila ay hindi inaakala na

kaya nila (teacher.com, 2019)

Ayon sa lifehack.com, ang mga problema na nahaharap sa mga guro ay

kinabibilangan ng mag- aaral, kakulangan ng suporta ng magulang, at kahit na

kritisis mo mula sa isang publiko na maaaring hindi alam ng kanilang pang-araw-

araw na buhay. Hindi rin natin maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay

mayroong iba’t ibang guro ang masasaksihanat makakasalamuha ang bawat mag-

1
aaral. Mayroon ding iba ang pag-uugali, katauhan,paraanng pagtuturo at kahit ang

kakayahang mag-isip.

Ang mga guro ay stress sa kanilang trabaho at pribadong buhay. Halos

tatlong kapat ng guro (73%) nagsasabi na ang kanilang trabaho ay stressful. Ang

kinalabasan, mas madalas sila umalis ng trabaho na pisikal at emosyonal na pagod

at dinadala ang trabaho sa kanilang tahanan. Ang guro na hindi nakakahanap ng

balanse sa pagitan ng trabaho at pribadong buhay ay nanganganib na ma-burnt out

(Concordia University -Portland, 2019).

Note: dapat formal instead na estudyante dapat yung word na

mag-aaral yung ginagamit kasi formal

P- prior knowledge

N- apa, kaligirang pangkasaysayan

K- tesis na pahayag

II. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng pagbabalanse

ng mga guro sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa pagitan ng kanilang

pagtuturo at personal na buhay na naglalayong:

 Maipakita kung paano nila nababalanse ang kanilang buhay sa pagitan ng

pagtuturo at personal na buhay.

 Maibahagi sa mga tao kung anong sakripisyo ang ginagawa ng mga guro

upang mabigyan ng pansin ang kanilang damdamin nang sagayon ay

mabigyan ng halaga/atensyon ang kanilang mga ginagawa.

 Maiintindihan ng mga tao kung ano-ano ang mga ginagawa at sakripisyo ng

isangguro upang magampanan nila ang kanilang responsibilidad.

2
Note: Dalawang huling bullet parang magkapareho lang

daw kasi

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Para sa mga guro, makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga guro dahil

mas lalo nilang maiintindihan ang stress na kanilang nararamdaman galing sa

eskwelahan at personal nilang buhay, at kanilang maipapabatid sa mga tao kung

ano ba ang kanilang mga saloobin.

Para sa administrasyon, magkakaroon sila ng kaalaman kung ano man ang

mga kinahaharap na suliranin ng mga guro, hingil sa pagbabalanse ng pagtuturo at

personal na pamumuhay ng isang guro.

Para sa mga mag-aaral, Para sa mga mag-aaral, sila ay magkakaroon ng

kaalaman sa pamumuhay ng guro bukod pa sa pagtuturo. Dahil dito ay, kanilang

mauunawaan kung gaano kahirap ang maging isang guro.

Para sa mga student-teachers, makakakuha sila ng iba pang kaalaman

na hindi lingid sa kanilang naging karanasan sa pagtuturo bilang mga student-

teachers.

Para sa lipunan, sila ay magkakaroon ng kaalaman at kanilang mababatid na hindi

biro ang karanasan ng isang guro upang makapag bahagi sa mamamayan ng iba’t

ibang matutunan na karunungan.

Note: maintindihan yung stress?

Baguhin yung kaalaman cheness hahaha


3
IV. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga hinaharap ng mga guro sa kanilang

pagtatrabaho at personal na buhay at kung ano ang kanilang pamamaraan upang

mabalanse nila ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang saklaw ng aming pag-aaral ay ang mga guro na nagtuturo sa Senior High

School ng World Citi Colleges, Quezon City. Ang limitasyon ng aming pagaaral

na ito ay ang mga guro sa taong panuruan na 2018-2019 sa Senior High School

ng World Citi Colleges, Quezon City.

Note: tama na yang unang talata yung pangalawa na lang

baguhin niyo

V. Depinisyon ng Termonolohiya

Upang mabigyan ng mas malawak at mas malinaw na paliwanag ang

mga terminong ginamit sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay depinisyon ng mga

ito:

You might also like