You are on page 1of 5

Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Hindi na mawawala sa impresyon ng nakararami ang kawalan ng kapakinabangan

ng mga taong may espesyal na pangangailangan sa ating lipunan. Isa ito sa mga rason

kung kaya nagkaroon ng mga eskwelahan at institusyon na naglalayong matugunan ang

kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga pangunahing

kakayahan ng isang normal na indibidwal. Ang mga institusyon o eskwelahan na ito ay

maaaring pampubliko o pampribado. Ang pagpapaunlad na ginagawa nila sa mga taong

may espesyal na pangangailangan ay tumutulong upang maiwasan o tuluyan ng mawala

ang pag-iisip ng karamihan na walang kapakinabangan sa lipunan ang mga taong may

mga kakaibang pangangailangan.

Sa bawat eskwelahan, hindi mawawala ang mga guro na nagsisilbing ikalawang

magulang ng mga mag-aaral. Ang hirap na pinagdadaanan ng bawat guro ay tunay ngang

nagsisilbing simbolo ng pagiging espesyal na indibidwal nila sa lipunan. Tulad ng ibang

mga guro, ang mga ikalawang magulang ng mga mag-aaral sa SPED ay naglalaan din ng

mahabang oras at pasensya sa pagtuturo. Mas mahabang oras ang kinakailangan ng isang

guro sa SPED upang maunawaan ng lubusan ng kanilang mga mag-aaral ang mga bagay

na kinakailangan nila sa pagpapaunlad ng kani-kaniyang mga kakayahan. Ang mahabang

pasensya sa pagtuturo ay isang importanteng bagay na sinasanay ng mga guro sa sektor

na ito dahil madaling makuha ng ibang mga bagay ang atensyon ng mga mag-aaral na
Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 2

kanilang tinuturuan. May pagkakapare-pareho man ang mga pagsasanay na dinadaanan

ng mga guro bago sila mabigyan ng lisensya sa kanilang propesyon, may mga ibang

bagay ang pinagdadaanan ng mga guro sa SPED. Mula sa hirap na kanilang nararanasan

sa pagpapahaba ng kanilang pasensya sa pagtuturo dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang

espesyal na pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral hanggang sa pag-iisip ng mga

bagay na kanilang magagawa upang lubusang mapaunlad ang bawat isang mag-aaral at

maging isang produktibong indibidwal ng lipunan sa hinaharap na mga panahon.

Bagama’t hindi ganoon kadami ang pumapasok sa sektor ng SPED upang magturo dahil

sa pangamba sa hirap na kanilang maaaring danasin sa propesyon na ito, padami pa rin

nang padami ang mga magulang na nais ipasok ang kanilang mga anak na may espesyal

na pangangailangan sa mga eskwelahan o institusyon kung saan may mga gurong

handang magturo upang mapaunlad ang kanilang mga mag-aaral para sa kani-kaniyang

mga sarili at para rin sa lipunan na kanilang kinabibilangan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng mga guro sa

SPED sa kanilang mga mag-aaral at sa lipunan na naglalayon na:

1. Bigyang pansin ang importansya ng mga guro sa SPED.

2. Maipaliwanag ng lubusan ang mga nagagawa at nagiging papel ng mga guro sa

SPED sa kanilang mga mag-aaral at sa lipunan.


Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 3

3. Malaman kung gaano pinapahalagahan ng gobyerno ang mga guro sa SPED.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na pinamagatang “Kahalagahan ng mga guro sa Special

Education para sa kanilang mga mag-aaral at sa lipunan” ay makatutulong upang mas

mabigyang pansin at pagpapahalaga ang guro na nagsasakripisyo ng kanilang kakayahan

sa pagtuturo sa mga “special children” o mga indibidwal na may espesyal na

pangangailangan.

Ang pananaliksik na ito ay maaaring magmulat sa mga mambabasa na pasukin

ang ganitong propesyon upang makatulong sa mga indibidwal na may espesyal na

pangangailangan. Hindi ganoon kadami ang mga nagnanais na maging guro sa SPED

dahil sa hirap na kanilang maaaring pagdaanan sa pagtuturo sa mga “special children”. Sa

pagbibigay ng mas malawak na kahalagahan sa mga papel na ginagampanan ng mga guro

sa sektor na ito, maaaring magbigay ito ng kalinawan sa tunay na buhay na nasa likod ng

mga gurong ginagampanan ang isang propesyon na sadyang espesyal kumpara sa lahat.

Maaaring hindi ganoon kadami ang mga eskwelahan o institusyon na para sa SPED,

ngunit ang pangangailangan ng mas maraming guro para sa sektor na ito ay napakahalaga

upang mas mabigyang tugon ang pangangailangan ng mga indibidwal na sadyang

espesyal sa ating lipunan.


Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng mga guro ng sped sa

kanilang mga mag-aaral at ang kanilang mga papel sa ating lipunan. Saklaw ng pag-aaral

na ito ang mga mag-aaral na kabilang sa SPED at ang mga gurong may mga karanasan na

sa pag-tuturo sa mga indibidwal na may espesyal na pangangailangan.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga gurong nagtuturo sa SPED at sa mga mag-aaral

na kumuhuka ng kursong ito na nasa ikatlo at ikaapat na taon na ng kanilang pag-aaral

upang matukoy ang halaga ng kanilang papel sa lipunan at upang mabigyan sila ng sapat

na pagpapahalaga.

Depinisyon at Terminolohiya

Upang mabigyan ng mas malawak at mas malinaw na paliwanag ang mga

terminong ginamit sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay ang depinisyon ng mga ito:

Special children – terminong ginagamit sa mga batang indibidwal na mayroong

espesyal na pangangailangan dahil sa kakulangan sa kanilang mga kakayahan tulad ng

bulag, bingi at pipi.


Isang Pananaliksik Tungkol Sa Kahalagahan Ng Mga Guro Sa SPED… 5

Special Education – isa sa mga sektor ng edukasyon na nagbibigay ng pokus sa

mga indibidwal na may espesyal na pangangailangan upang mapaunlad ang kanilang

kakahayan sa buhay.

You might also like