You are on page 1of 1

Jan Nyckkus M.

Nacario
Grade 11- Integrity
REPLEKSYON NG PAGKATUTO

ANTAS NG PAGPAPAHALAGA

Matapos matalakay ang aralin hinggil sa iba’t ibang konsepto ng pagbasa,


napagtanto ko na sadyang mahalaga ang pagbabasa sa buhay ng isang tao sapagkat ito
ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita,
pagsulat at panonood. Dahil sa pagbabasa nagkakaroon ng mas maayos na
komusnikasyon ang bawat tao na maituturing na napakahalaga dahil sa komunikasyong
kanilang mabubuo ay maaaring magkaroon ng magandang resulta. Masasabi rin natin
na kapag ang isang tao ay may kakayahang makapagbasa ay madali siyang makaunawa
o makintindi, dahil sa kakayahang ito ay maaring mabigyan ang isang indibidwal ng
magandang kinabukasan. Ang pagbabasa ay nakakapagbigay ng karagdagang kaalaman
sa isang na tao na maaari niyang gamitin sa bawat desisyong kanyang gagawin o sa
pagpili at pagtukoy kung ano ang tama at mali. Maaaring maging inspirasyon, libangan,
at lunas ang pagbabasa. Nagiging inspirasyon ito sapagkat kung ang binabasa ay
maaring niyang maikumpara sa kaniyang buhay, libangan sapagkat maaari itong
pampalipas oras at may kabuluhan pa ang oras na iyon, at lunas sapagkat sapagbabasa
ay maaring makalimutang ang mga bumabagabag sa isipan.

Kaya naman maaari kong maging konklusyon sa araling ito ay ang pagbabasa ay
isang mahalagang kasanayan na dapat taglayin ng isang indibidwal kung nais niyang
magkaroon ng magandang kinabukasan. May magandang epekto ang pagbabasa sa
ating buhay, hindi lang naapektuhan nito ang isang tao kundi ang lipunang
kinabibilangan. Naging sandata ang pagbabasa na kinikailangan natin upang harapin
ang mga problemang darating sa buhay. Isa ring magandang kontribusyon ng pagbabasa
ay ang mga kaalamang natamo ay maaaring maisasalin sa ibang tao. Dahil sa
magandang naidudulot ng pagbabasa ay dapat nating sanayin ito at ituro sa ibang tao
ang kahalagahan ng pagbabasa sapagkat pati ang mga susunod na henerasyon ay
makikinabang dito.

Batay sa mga nabanggit na konsepto, higit kong naibigan ang konsepto ni


Bayados (1999) sapagkat sumasangayon ako sa kaniyang sinasabi na ang tagumpay o
kabiguan ng magaaral ay repleksyon sa pagkaunawa kung ano ang pagbasa na
sumasalamin sa itinuturo at ang paraan ng pagtuturo ay repleksyon sa pagbasa na
paniniwalaan o pinanghahawakan ng guro. Saaking palagay ang tinutukoy ditong guro
ay ang mga taong nagtuturo kung papaano magbasa at nagbibigay kahulugan sa isang
babasahin(nanay, tatay, kuya, ate, at propesyonal na guro) . Kaya kung ang guro ay
walang sapat na kaalaman maaring makapagbigay ito ng maling sagot, na magiging
resulta ng kabiguan nang estudyante na mabigyan kahulugan ang binabasa. Hindi tulad
ng guro na nasa eskwelahan na may sapat na kaalaman ay makakapagbigay ito ng
tamang sagot sa estudyanten na kaniyang tinuturuan. Ibigsabihin nakadepende sa guro
ng isang indibidwal kung papaano niya mabibigyan kahulugan at kung gaano kawasto
ang pagbibigay pakahulugan sa binasa.

You might also like