Ang Makrong Kasanayan ay tumutukoy sa mga kasanayang likas ng mga tao. Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
2. Anu-ano ang mga Makrong Kasanayan?
Ang mga Makrong Kasanayan ay ang mga sumusunod: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat.
3. Ibigay ang depinisyon ng bawat Makrong Kasanayan.
Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. Naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang pagsasalita naman ay ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya, pinaniniwalaan at nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo. Pagbibigay ito ng kahulugan sa mga sagisag/simbolo sa iyong kaisipan. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga simbolo (titik) na nakalimbag sa pahina. Ito ay susi sa malawak na karunungan. At ang huli, ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba't ibang ideya na pumapasok sa ating isipan. Westfield Online Learning G12- Pagsulat sa mga Piling Larangan
4. Ano ang pinakagamitin sa mga Makrong Kasanayan? Bakit?
Ang pinkagamitin sa mga Makrong Kasanayan ay ang pakikinig. Ito ang pinakagamitin sapagkat ito rin ang pinakaaktibong proseso na ginagamit ng lahat. Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Hindi natin maaaring ipagkait sa ating sarili ang pakikinig sapagkat ito ay isang likas na kasanayan.
5. Paano nakatutulong ang makrong kasanayan sa iyo?
Ang makrong kasanayan ay isang napakahalagang salik na nakakaapekto sa ating pang araw-araw na gawain. Ito ay kalimitan nating ginagamit sa pag-aaral o pakikipagkomunikasyon. Nakatutulong ang makrong kasanayan sa aking buhay sapagkat tinutulungan ako nito na maintindihan ang aking paligid at makipagsapalaran sa iba. Nagsisilbing daan rin ang makrong kasanayan sa mabisang pagkakaunawaan. Naipapahayag ko rin sa iba ang aking opinyon sa pamamagitan ng makrong kasanayan. Nahahasa rin ang aking kaisipan at kaalaman sa tulong ng mga makrong kasanayan.