You are on page 1of 2

Tagapagsalita: Gallegar, Clarence James T.

Instruktor: Gelin, Keiron Ray H.


Asignatura: Filipino 1
Koda ng Kurso: 20279
Pamagat ng Kurso: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

I. LAYUNIN
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

 Malaman ang kahulugan, kahalagahan at proseso ng pakikinig.


 Magamit nila ang kanilang natutunan para sa pang araw-araw na sitwasyon.
 Mas maipalawak pa ang kanilang ideya tungkol sa pakikinig.

II. KONSEPTO NG PAG-AARAL


Ang kursong ito ay isang metalinggwistik na pag-aaral ng Wikang Filipino sa Akademikong
larangan. Sa lapit ng multidisiplinaryo at paarang interaktibo. Inaasahang matutukoy at
matatalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wikang ito. Malilinang ditto ang mga kasanayan
sa paggamit ng Wikang Filipino tungo sa lalong mataas na komunikasyon at sa kritikal na
pagdidiskurso.

III. TALAKAYAN
KAHULUGAN NG PAKIKINIG

 Ito ay isang aktibong proseso ng pagtangap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring


pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag isipan,
tandaan, at inaalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa


tuwirang pagbabasa.

 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon
ng mabuting palagayan.

PROSESO NG PAKIKINIG
 PANDINIG - Ito ay ang pag tanggap ng sound waves bagamat di nangangahulugang
may ganap na kamalayan sa pinakikinggan.

 ATENSYON - Ang mapiling pagtanggap ay tinatawag na atensyon. Maaring maraming


naririnig ngunit mayroon isang tiyak na stimuli na nakapupukaw ng atensyon.

 PAG-UNAWA - Ito ay ang hakbang na tumutukoy sa pag-aanalisa ng mga kahulugan ng


mga tinatanggap na stimuli.

 PAGTANDA SA MENSAHE - Ito ay ang bahaging madalasmakaligtaan ng ilang


communications analyst. Subalit ang bahaging ito ay napakahalaga dahil
nangangahulugan lang ito na hindi lang natanggap ng indibidwal ang mensahe kundi
nabibigyang-kahulugan pa nito ang nadaragdag sa kanyang iskema o dating kaalaman.

 PAGTATAYA - Sa bahaging ito, tinitimbang ng aktibong tagapakinig ang mga


detalyeng kanyang napakinggan, natutukoy ang katotohanan sa mga opinyon at
natutukoy ang kawalan o pagkakaroon ng bias sa mensahe. Sa puntong ito rin
ay nagbibigay ng hatol ang tagapakinig hinggil sa kanyang na pakinggan.

 PAGTUGON - Ang tagapakinig ay maaaring tumugon sa pamamagitan ng berbal o di


berbal na komunikasyon. Sa pamamagitan ng hakbang na ito ay naipapakita na
nagkaroon ng ganap na pakikinig

IV. PAGSASANAY

 Sa isang kalahating papel, gumawa ng reflection paper kung bakit mahalaga na kailangan
natin malaman ang ideya, proseso at kahulugan ng pakikinig. (10 Puntos)

V. TAKDANG-ARALIN

 Bumuo ng grupo na nagbibilang ng limang estudyante. Gumawa ng dalawang minutong


dula dulaan gamit ang Proseso ng Pakikinig. Ipresent niyo ito sa susunod nating
pagkikita.

You might also like