Professional Documents
Culture Documents
KAHULUGAN
Isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig
at pag-iisip. (Bernales, 2000).
Isang aktibong proseso na nagbibigay daan sa indibibwal upang pag-isipan, pagnilay-
nilayin, analisahin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salita.
Ang pakikinig ay aktibong pagtanggap at pag-unawa ng mensahe. Ito rin ay pagtugong
mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagpadala ng mensahe.
Ayon kay Rivers (1981), sa karaniwang pakikipagtalastasan sa araw-araw, doble ang
paggamit natin sa pakikinig kung ihahambing sa pagsasalita at apat hanggang limang ulit na
gamit sa pagbasa at pagsulat.
Epektibo ang komunikasyon kapag wasto ang pag-unawa sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagpadala ng mensahe. Marami ang hindi nakababatid sa kahalagahan ng pakikinig
bilang kasangkapan sa pakikipagtalastsan. Ang kakayahan sa pakikinig ay kakayahang
maaaring mapaunlad sa pamamagitan ng wastong paggamit nito.
LAYUNIN NG PAKIKINIG
1.Pagtamo ng karunungan at
impormasyon
2.Katulong sa pakikisangkot
at pakikisalamuha
3.Nagbibigay ng kaligayahan
at kawilihan
Kailangang matuto ang isang tao sa epektibo at kritikal na
pakikinig upang magkaroon ng:
1.Karunungan
2.Impormasyon
3.Pakikisangkot
4.Kawilihan
5.Kaligayahan
2.Pakikinig na Diskriminatori
Kritikal na pakikinig
- Ginagamit ito para sa organisasyon
at analisis ng mga datos na
napakinggan
- Inuunawa at inaalala ng tagapakinig
ang mga impormasyon kanyang
napakinggan
3.Mapanuring Pakikinig
Selektiv na pakikinig
- Mahalaga rito ang konsentrasyon
- Bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig
ay bumubuo ng mga konsepto at
gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu
sa antas na ito
4.Implayd na Pakikinig
- Pakikinig sa sarili
- Pinagtutuunan ang pribadong
kaisipan ng isang indibidwal na pilit
niyang inuunawa at sinusuri
Mga Paraan Upang Maging Epektibong
Tagapakinig
1. Kaswal na Pakikinig
(Passive Listening)
2. Aktibong Pakikinig
(Active Listening)
Kaswal na Pakikinig(Passive Learning)
Ang uri na pakikinig na ito ay isinasagawa
ng walang tiyak na layunin. Ang tagapakinig ay
maaring nakikinig upang makipag-usap lamang o
kaya ay malibang.
Ilan sa mga hadlang sa mabisang pakikinig ayon kina Badayos (2007) ay ang
mga sumusunod:
1. Bilis ng komprehensyon kontra sa bilis ng pakikinig. Ang bilis ng
pagsasalita ng isang tao ay may average na humigit-kumulang 100 hanggang
150 salita bawat minuto. Gayon pa man, sa pakiking, ang isang tao ay
makapakinig hanggang 400 na salita sa loob lamang ng isang minuto. Subalit,
hindi ito nangangahulugang lubos ang pang-unawang magaganap mula na
salitang kanyang narinig. Malaking konsiderasyon pa rin dito ang lebel ng pag-
unawa ng isang tao.
2. Hindi makatotohanang atensyon. Ito’y tinuturing na isang disorder tungo sa
mabisang pakikinig. Kahalintulad din ito ng pamemeke ng atensyon ng isang
tagapakinig kung saan makikitang tumatango ang ulo subalit hindi naman
nauunawaan ang napakinggang mensahe.
MGA HADLANG SA MABISANG PAKIKINIG