You are on page 1of 9

ANG PAKIKINIG

Kahulugan ng Pakikinig Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mula sa salita o tunog na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak (brain) upang bigyang pagpapakahulugan (analyze) kung ano ang narinig. Ayon kay Nida (1957), natututo ang tao na magsalita ng isang bagay batay sa kanyang narinig, kung paano at gaano narinig ang wika. Ito ay mapapatunayan ng isang sanggol na ginagaya ang mga naririnig sa kanyang paligid. Ayon kay Yagang (1993), ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o sinasabi ng nagsasalita ay nasa pakikinig. Samakatwid, kung ano ang narinig na salita o mensahe, iyon ang mensahe ng kausap. Ayon naman kay Rivers (1980), sa karaniwang pakikipag talastasan sa araw-araw, doble ang paggamit natin sa pakikinig kung ihahambing sa pagsasalita at apat hanggang limang ulit na ginagamit sa pagbabasa at pagsulat. Batay sa isang isang pag-aaral, ang pakikinig ang may pinakamalaking bahagdan sa panahon na ginugugol araw-araw. 45% ang nagagamit sa pakikinig, 30% sa pagsasalita, 16% sa pagbabasa, at 9% sa pagsusulat. (Babasoro, et al, p.64) Kahalagahan ng Pakikinig 1. Mabilis na pagkuha ng impormasyon. 2. Daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. 3. Sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig. 4. Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman. 5. Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kaisipan at maunawaan ang kinikilos gawi at paniniwala. 6. Lumilikha ito ng pagkaka-isa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.

Proseso ng Pakikinig

Tunog o Mensahe o Tunog sa Pamamagitan ng Tainga

Pagdala ng mensahe o tunog (auditory nerve)

Pagdala ng mensahe o tunog sa utak

Pagsagot sa mensahe o tunog na narinig (Reaksyon)

Pagpapakahulugan ng salita o tunog

Interpretasyon ng Mensahe

1. Tunog o mensahe na narinig sa pamamagitan ng tainga - Sa tainga nakasalalay ang kawastuhan ng tunog o mensaheng naririnig. Maliban sa tainga, ang tagapagsalita o tagabigay ng mensahe ay mahalaga rin kung malinaw o wasto ang ibinibigay na mensahe. 2. Pagdala ng mensahe o tunog (auditory nerve) - ang mensahe o tunog ay tama o maayos ba ang pagdadala, kung may diperensya o may kasiraan ang daan ng mensahe(auditory nerve), magkakaroon ng ibang tunog o mensahe. 3. Pagkilala ng mensahe o tunog - ang mensaheng tinatanggap ay nasa pagkilala ng tumatanggap. Kung paano itong tinatanggap,minsan depende sa damdamin o sitwasyon ng tumanggap o kalagayan ng tumanggap. 4. Interpretasyon sa mensahe - nasa pagpapakahulugan o interpretasyon ng tumatanggap ang mensahe o tunog. Ang karanasan o kaalaman ng nakikinig ang siyang nagbibigay ng pagpapakahulugan ng mensahe. 5. Pagsagot sa mensahe - ito ang pasagot sa mensahe at pagpapakahulugan ng tagapakinig. Kung tama at wasto ang tugon sa mensahe ang ibig sabihin may pagkakaunawaan ang tagapagsalita at tagapakinig. Minsan may iba-ibang paraan ng pagsagot, pagtango, pag-iling, o sa ekpresyon ng mukha o kaya walang sagot.

Mga Elemento na may Impluwensiya sa Pakikinig

1. Oras malaki ang epekto sa pakikinig ng oras. Kailangan may kahandaan ang tagapakinig upang lubusang maunawaan niya ang kanyang naririnig. Nagagawa ng tagapakinig kung lubusang nakapahinga at sariwa ang hangin at handa ang isipan. Kung siya ay nagulantang sa tawag ng telepono sa oras ng kanyang pagtulog o tawag ng celfon sa panahon ng klase o trabaho, maaaring iba na ang kanyang pagtanggap sa komunikasyon. Malaki rin ang epekto kung bagong gising, puyat, inaantok o walang tulog ang tagapakinig o tagatanggap ng mensahe. 2. Edad ang kasanayan ng pakikinig ng tao ay hindi magkatulad. May nagsasabi na ang mga bata ay mahina ang kakayahan sa pakikinig dahil kulang pa sa pag-unawa sa mga naririnig kaya kailangang maikli lamang ang mga pangungusap na gamitin upang makuha ang mensahe o kaya bagalan nang kaunti ang pananalita upang makuha ito. Samantala, sa edad na nakikinig ay mas malawak ang pang-unawa dahil sa karanasan maliban sa mga mahihina ang pandinig. 3. Tsanel karaniwan, ito ang suliranin kung ang ginagamit ay telepono, celfon, at brodkast sa radyo. Kung maingay ang daluyan ng komunikasuon, hindi naririnig o hindi naiintindihan ang mensahe. Kung pasalita naman at malinaw ang pagbigkas ng tunog at wasto ang gamit na salita, walang problema ang tagapakinig o nakikinig. 4. Konsepto sa pansarili nasa pagpapakahulugan ang tagapakinig ang kanyang naririnig na mensahe. Paano tinatanggal ang mensahe. Maaaring may impluwensiya ang mga salitang ginamit ng tagapagsalita. Maaaring magaan o mabigat ang dating o masama o maganda ang tinanggap ng tagapakinig. 5. Kultura ang pagkakaroon ng iba-ibang kultura ng bayan ay nagkakaroon ng iba-ibang pagpapakahulugan. Gaya ng katutubong Igorot kung mayroon sila canao, kung mas maingay ang tunog na kanilang nililikha, mas masaya, mas matagumpay ang pagdiriwang, samantala ang ibang katutubo ay bawal mag-ingay dahil magagalit ang kanilang mga ninunuo. Ganoon din sa ibat ibang sector ng relihiyon. 6. Kasarian May mga taong higit na nakikinig sa babae kung paanog iba naming sa lalaki. Kung an gang preperensya nila, mas magiging epektibo ang pakikinig. Iba rin ang pagkakaintindi ng mga kasarian sa pakikinig. Ang mga babae ay mapalabok magsalita samantalang ang mga lalaki ay tuwiran. Maaari itong makaapekto sa kung paano sila umintindi.

7. Lugar malaki ang epekto ng pakikinig sa tahimik, malamig, at malinis na pook. Madaling maunawaan at malinaw na marinig ang mensahe sa anumang tsanel o daluyan ng komunikasyon.

Uri ng Pakikinig Paraan: 1. Passive o marginal na pakikinig - ang nakikinig dito ay hindi gaanong na pagtutuunan ng pansin ang mensahe o pinakikinggan na mensahe sapagkat maraming isinasabay na gawain. 2. Masigasig at may pagpapahalaga - ang nakikinig ay gustong magkaroon ng kaalaman sa mensahe o ideya ng tagapagsalita. Hanggat maaari ay malapit sa nagsasalita upang ganap niyang maunawaan ang nilalaman ng mensahe. 3. Kritikal o mapanuring pakikinig - ang layunin ng nakikinig ay makuha ang mensahe at magbigay puna ng pagkakatulad at pagkakaiba. Ito ay uri ng pakikinig na gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig. 4. Paglilibang o masaya at malugod na pakikinig- ang nakikinig ay para sa sariling kasiyahan gaya ng pakikinig ng musika,konsert,dula mula sa radyo,kuwento o tula. Ang ganitong uri ng pakikinig ay ginagawa upang maglibang o aliwin ang sarili. 5. Deskriminatibo ang layunin ng deskriminatibong pakikinig ay matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. Binibigyang pansin nito ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita. 6. Komprehensibo ang pinagtutuunan ng pansin ng tagapakinig sa bahaging ito ay ang nilalamang ng mensahe ng tagapagsalita. Ang mahalaga sa ganitong uri ng pakikinig ay kung paano mauunawaan ang kabuuan ng mensahe. 7. Paggamot Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pakikinig, natutulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.

Mga Uri ng Tagapakinig Ang mga tagapakinig ay maaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon habang nakikinig lalo na sa isang klase o pag-uusap. Narito ang mga ilan;

EAGER BEAVER - siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tangu nang tangu habang may nagsasalita sa kanyang harapan. Kaya minsan nagtataka tayo kung interasado ba sya sa pinaguusapan o nakikinig talaga siya at ganoon lang ang reaksyon.

SLEEPER - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala syang tunay na intensyong makinig sa katunayay naiinis pa nga siya kapag may nag-iingay. Parang nagsasayang lang tayo ng laway kapag sila yung kausap natin.

TIGER - siya ang tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita. Lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

BEWILDERED - siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig. Samakatwid pumapasok sa isang tenga labas sa kabila.

FROWNER - siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdudula. Atentibo siya sa pinapakinggan pero ang purpose nya lang doon ay makapagimpres.

RELAXED - siya ang problemsa sa isang nagsasalita. Panoy kitang kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Walang makikitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

BUSY BEE - isa sya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat. Hindi lamang siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagdaldalan sa katabi o nagbabasa ng libro atbp.

TWO-EARED LISTENER - siya ang pinakamagandang kausap o tagapakinig. Nakikinig siya hindi lang gamit ang tenga kundi gamit rin ang utak para maintindihan ang sinasabi. Siya ang dapat tularan na tagapakinig.

Katangian ng Mabisang Tagapakinig 1. Huminto sa pagsasalita magkaroon ng konsentrasyon o focus sa pakikinig. Iwasan ang pakikipag-usap at anumang nakakagambala sa pakikinig. 2. Kontrolin ang kapaligiran tanggalin lahat ang maaaring makatawag pansin o makagawa ng ingay habang nakikinig. 3. Ihanda ang sarili kailangan magkaroon ng interes ng pakikinig sa nagsasalita. Ihanda ang kaisipan, ganoon din ang pisikal na katauhan gaya ng pagiging masigla at aktong tagapakinig upang huwang antukin. Bigyan ng paggaang ang nagsasalita. 4. Pakinggang mabuti ang mga impormasyon o layunin ng tagapagsalita. Sikaping itala ang mga mahahalagang paksa. 5. Kailangang magkaroon ng bukas na isipan sa mga mensaheng inihahatid ng tagapagsalita. Bigyan ng puwang ang kanyang ideya o isipan upang madagdagan ang kaalaman. 6. Iwasan ang pagbibigay ng madamdaming reaksyon o maging emosyonal. Maaaring gumamit ang tagapagsalita ng mga salita na hindi katanggap-tanggap (balbal) sa tagapakinig, o ideya na laban sa pan iniwala ng tagapakinig o maaaring mga salita na nagbibigay ng takot, nagpapagalit, o naghahasik ng kaguluhan. Kailangang ang konsentrasyon ay sa mensahe ng tagapagsalita, hindi ang mga salitang ginagamit o idea na sinasabi o binabanggit. 7. Iwasan o ipagpaliban ang paghuhusga sa tagapagsalita. Bawat tao ay may kanya-kanyang katangian. Halimabawa, hinuhusgahan ang tagapagsalita dahil sa kanyang katauhan, komyunista, katutubo, o kilalang personalidad dahil naaapektuhan ang mensahe ng tagapagsalita. Husgahan ang mensahe hindi ang tagapagsalita. 8. Patapusin ang tagapagsalita kailangang mailahad o maibigay lahat ang mensahe bago magbigay ng puna sa mensahe. Kailangan maghintay na matapos ang nagsasalita bago sumagot upang magkaunawaan.

Mga Dahilan ng Pakikinig 1. Makinig upang makakuha ng impormasyon o karagdagang kaalaman. Ang pakikinig ay nangangailangan ng panahon at atensyon. May konsesntrasyon upang maunawaan at matandaan ang ibinibigay na impormasyon ng nagsasalita gaya ng lektyur o panayam at seminar. 2. Makinig upang masuri ang mensahe. Makikinig nang mabuti upang makapagbigay ng opinyon o ideya. Kailangan maunawaan ang paksa o mensahe upang makapagbigay ng matalino at wastong reaksyon.

3. Makinig upang mapagtanto o masusing mapag-aralan ang mensahe. Ang tagapakinig ay taimtim sa pakikinig sa payo ng magulang o kaibigan o kaya sa mensahe ng pari o ng pastor upang mapag-isipan ang ibig ipahiwatig ng nagsasalita. 4. Makinig upang lalong malinang ang kaalaman. Maaaring making sa paboritong awit at musika, dula sa radio, o kuwentuhan tungkol sa mga sining, balita, pangyayari, aghan, fashion, manlalaro, artista na nakakapagbigay kasiyahan at bagong kaalaman.

Mga Sagabal sa Mabisang Pakikinig 1. Pisikal ito ay tumutukoy sa ingay sa loob o labas ng silid o sa kapaligiran. Maaaring mahina ang pandinig ng tagapakinig, maaari rin ito ay tumutukoy sa kalagayan ng tagapakinig, kung siya ay pagod, gutom, inaantok, takot, o simpleng ayaw making. Malaki rin ang epekto ng panahon, umaga, tanghali o gabi, mainit o malamig, umuulan, atbp. Maaari rin kung nasaan ang tagapakinig, mataas, mababa, malayo, o nasa ilalim ng gusali, atbp. 2. Sikolohikal tinutukoy dito ay maaaring ang tagapakinig ay gusting-gusto ang paksa o hindi interesado o ayaw ang paksa, luma na ang paksa, hindi kapana-panabik ang paksa. Maaaring galit o ayaw niya o hindi siya naininiwala sa tagapagsalita. Maaari rin gusting-gusto niya ang tagapagsalita, idolo, o kakilala kaya taimtim na nakikinig. 3. Wikang ginamit maaaring mahirap maunawaan ang wiakng ginamit. Mataas ang lebel ng wikang ginamit tagapagsalita o mataas ang lebel ng tagapakinig. Maaaring maling gamit ng salita o balarilang ginamit ng tagapagsalita kaya mahirap maunawaan ng tagapakinig. 4. Pagbuo ng maling kaisipan May pagkakataon na tayo ay nakikipag-usap sa ating sariling kaisipan habang nakikinig at sa pamamagaitan nito, ang nabubuo ay kung ano ang nabuong kaisipan natin at hindi ang kabuuang nilalaman ng ating pinakikinggan. 5. Pagkiling sa sariling opinyon Nakabubuo tayo ng sarili nating kaisipan habang nakikinig sa isang nagsasalita mula sa sarili nating opinyon na wala naming matibay na basehan. Kailangan ng malawak at bukas na pang-unawa. 6. Pagkakaiba-iba ng kahulugan Ang nabubuo nating interpretasyon sa ating narinig ay maaaring iba sa pakahulugan ng nagsasalita kaya kailangan dito ang paglilinaw sa pamamagitan ng pagtatanong sa tagapagsalita kung anong kaisipan o ideya ang naririnig na gusting linawin. 7. Pagkakaiba ng Kultura may epekto ang impluwensya ng kultura sa pakikinig. Posibleng mangyari na hindi nating mantanggap ang mensaheng ipinadala ng tagapagsalita dahil sa

kaibahan ng kultura. Sa kanilang banda, paninindigan natin na ang tama sa narinig natin ay hango sa ating sariling kultura o kung hindi man ay hindi natin matatanggap ang kanyang sinabi. 8. Suliraning Pansarili hindi natin gaanong mauunawaan an gating pinakikinggan kung namamayani at umuukilkil sa ating isipan ang ating sariling problema sapagkat nakapokus tayo sa problema at hindi sa ating pinakikinggan.

Talasanggunian: Antonio, L. F., Mangahis, J. C., Nuncio, R. V., & Javillo, C. M. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon: C&E Publishing, Inc. Bernales, R. A., Tumangan, A. P., Lim, D. P., & Mangonon, I. A. (2000). Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasa). Valenzuela: Mutya Publishing House, Inc. Rodrigo, M. C. (2009). Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino 1). Mandaluyong: Books Atbp. Publishing Corp.

PAKIKINIG
Ipinasa nila: (Pangkat I) Alinsug, Joena Aquino, Wilmar Dela Cruz, Jeliza Hetrosa, Erine Mendoza, Christienne Sagun, Danica Taloza, Georgette

Ipinasa kay: Gng. Olivia Guttan

You might also like