You are on page 1of 1

V.

PANGKALAHATANG REPLEKSYON

Ang pagbuklat ng bawat libro ay isang simbolo ng pagkatuto. Ang


pakikinig sa mga bawat salita ng isang guro ay isang paraan para mapaunlad
ang sarali. Ang mga pagsusulit na naghahasa ng iyong kakayahan at talino.
Bilang isang mag-aaral tungkulin ng bawat indibidwal ang making,
matuto, at paunlarin ang sarili. Sa araling “Filipino sa Piling Larang Akademik”
nabuksan nito ang isipan ng bawat indibidwal kung ano ang pagkakaiba ng
akademik sa di- akademik. Nailathala dito kung paano pormal o tama ang
isang pagsulat. Naiipakita din dito ang mga dapat iwasan o dapat tandaan
bago sumulat ng mga nabanggit. Sa pagtatalakay nito, napaunlad ang
kaisipan naming mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang paraan ng pagsulat gaya
na lamang ng mga talumpati, panukalang proyekto, bionote, adyenda,
katitikan ng pulong at mga iba’t ibang uri ng sanaysay. Ang araling ito ay
napaunlad ang aming mga kaalaman mga mag-aaral ukol sa pagbibigay ng
mga sariling kaalaman o opinyon. Napakahalagang malaman nito sapagkat
makakatulong ito sa hinaharap.
Ang araling ito ay malaki ang naiambag sa kaalaman naming mga mag-
aaral. Napalawig rin nito ang kahalagahan ng pagsulat sapagkat nauuso na
ngayon ang teknolohiya at nakakalimutan na ng bawat mag-aaral ang halaga
at ganda ng pagsulat. Hindi maitatangging ang bawat kabataan ngayon ay
nakatuon na lamang sa social media at hindi nabibigyang pansin ang kanilang
mga natatagong talento. Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa Piling
Larang Akademik ay aking natutunan ang mga wasto at iba’t ibang paraan ng
pagsulat. Sa bawat salita na binibitawan ng aming guro ay ang paglawak at
pagkatuto upang mapaunlad ang aking sarili at mga pagsusulit na
nagpapatunay na ang bawat mag-aaral ay may natutunan at nahasa ang
kakayahan at talino ng bawat estudyante.

You might also like