You are on page 1of 2

Liezette Joy C.

Lapating
BSED FILIPINO 2102

Ayon kay Abad (1996)

"Ang kagamitang panturo ay anumang


karanasan o bagay na ginagamit bilang
pantulong sa paghahatid ng mga
katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga mag-aaral upang lalong maging
konkreto o tunay, dinamiko at ganap ang
pagkatuto."
Lubos kong sinasang-ayunan ang pahayag na ito dahil
totoo naman na maaaring magmula sa ating pansariling
karanasan ang mga kagamitang panturo. Ako bilang isang mag-
aaral na nangangarap na maging isang guro sa hinaharap,
masasabi ko na magagamit ko ang karanasan at mga natutunan
ko mula sa mga nakita kong istilo at mga kagamitang panturo na
ginamit ng aking mga naging guro upang makapaghatid sa
aming mga mag-aaral ng isang mabisang pagtuturo at
pagkatuto. Bukod dito, alam naman natin na ang kagamitang
panturo ay nagsisilbing instrumento at isa ding pundasyon
upang mas epektibong maisakatuparan ang mga katotohanan,
kasanayan, saloobin, palagay at iba pa sa partikular na aralin na
siyang ituturo ng isang guro. Bagaman ito ay isa lamang
pantulong, nararapat din na ito'y malawakang pag-isipan dahil
hindi basta-basta ang paggawa at paglikha ng mga kagamitang
panturo. Bilang isang guro, kinakailangan na maging masining
at mapamaraan ka sa paggamit ng kagamitang panturo upang
sa ganun ay makatulong iyon kung paano mo gagawing
makatotohanan para sa mag-aaral ang partikular na paksa na
iyong tatalakayin. Mayroon din dapat itong mga hakbangin at
bilang guro dapat ianalisa mo muna kung ang bawat
kagamitang panturo ba ay makatutulong at magiging epektibo
sa paglinang ng kaalaman ng bawat mag-aaral. Dagdag pa,
bukod sa ito'y may magandang bunga upang maging konkreto,
dinamiko, at ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Malaki
ang ambag nito sa paglago ng mag-aaral dahil sa tulong ng mga
kagamitang panturo mas nabibigyan sila ng pagkakataon na
makilahok sa klase at gawin nila itong interaktibo at kawili-wili.
Ang mga kagamitang panturo ay maituturing na bahagi na rin
ng buhay ng isang guro dahil nagsisilbi itong gabay nila. Kaya
nararapat na ito ay laging isaalang-alang upang magkaroon ng
matibay na pagsasamahan o koneksyon sa pagitan ng isang guro
at isang mag-aaral.

You might also like