You are on page 1of 2

FIL PED 2 (Pangkat 1)

*Kahulugan ng Kagamitang Panturo


 Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na
ginagamit bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasaysayan, saloobin,
palagay, kaalaman, pang-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging
kongkreto, tunay, dinamiko at ganap pagkatuto.
 Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa
pagtuturo at pagkatuto

Samakatuwid:

 Ayon sa ibinigay na kahulugan ng mga dalubwika ang kagamitang panturo ay anumang


bagay na makikita sa loob at labas ng silid-aralan na makatutulong sa lalong ikauunawa
at ikalalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral.
 Ang guro ay sangkap sa pagkatuto ng mga mag-aaral dahil ito ang nagsisilbing
pinakamahalagang kagamitan sa silid-aralan na nagbabahagi ng mga impormasyong
kailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto.

*Kahalagahan ng Kagamitang Panturo


 Nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan. Sapgkat nakikita nila at
nararanasan ang talakayan.
 Walang nasasayang na panahon ang guro at mag-aaral dahil may direksyon ang pagtuturo
at pagkatuto.
 Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o pagtalakay ng aralin
sapagkat may kagamitang panturo na gagabay sa guro sa talakayan at magbibigay rin dito
ng pahinga sa pagsasalita.
 Tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo.
 Gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humikayat ng interaksyon.
*Mga Batayang Simulain sa Kagamitang Panturo
Prinsipyo at Teorya
Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalang-alang at maunawaan nang
mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa paggamit at pagdisenyo ng kagamitang panturo.
Batayang Konsepto o Disenyo
Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa panahon ay nakaugnay at nakaayon sa
kurikulum upang makatulong na maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay
awtentiko at konkreto sa teksto at gawain.
Pamantayan sa Kagamitang panturo

 Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng kagamitang panturo upang nakabatay


ito sa target na paggagamitan.
 Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain sapagkat kinakailangang mag-isip ng
mabuti kung anong kagamitang panturo ang gagawin.
Ilustrasyon
Ito ay tumutukoy sa mag-aaral na makabuo ng larawan o konsepto upang higit na maunawaan
ang talakayan.
Pamagat
Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mga mag-aaral na malaman ang gagawin

You might also like