You are on page 1of 1

Dakilang Propesyon

Anim na buwan hanggang sa kasalukuyan


malaking pagsubok ang pinagdaanan
Pero hindi ito magiging sagabal
Para matuto kaming mga mag-aaral

Salamat sa inyo aking mga guro,


Mga aral na di kayang tumbasan ng ginto.
Sapagkat kung wala kayo, di kami matututo
Lahat ng alam namin utang namin sa inyo.

Kamiy isang munting estudyante


Makulit at minsa’y pasaway sa klase
Pero may isang taong sami’y naging instrumento
Upang kami’y matuto at maging talentado

Kayo ay laging naka alalay,


Nagbibigay kulay sa aming buhay,
Laging karamay sa kabiguan at lumbay
Ikaw na nga guro, susi sa aming tagumpay.

Guro ko ang aking tunay na huwaran


Hindi kinukunsinti mga kamalian
Bawat pangaral kami ay may natututunan
Pagmamahal sa amin ay di matatawararan

Sa amin kailanman kayo ay hindi nagkulang


Sa paaralan kayo ang aming pangalawang magulang
Kayo po ang nagsisilbing ilaw at tulay
Para sa huli kami ay magtagumpay

Aking pasasalamat ngayo’y binibigkas


Kulang pa nga ito sa pasasalamat kong wagas
Salamat sa inyo aking guro,aking inspirasyon
Guro nga po ay tunay na dakilang propesyon

“SALAMAT AKING GURO!

You might also like