You are on page 1of 3

Simula sa pag utlaw at paglubog ng haring araw

Mga gampani’t responsibilidad patuloy na umaapaw


Ngunit gayunma’y hindi nito pinundi ang dakila niyong pagmamahal
Sa propesyong hindi matutumbasan ng anumang pagpapagal

Sa bawat kumpas at pilantik ng inyong kamay sa ere


Ay tila amin ng nakamtan ang iba’t ibang bentahe
Ng mga umaapaw na karunungang bumubukal
Mula sa aming dinarakilang propesor na sa ami’y ikinintal

Sa bawat pangungusap na lumalabas sa inyong mga labi


Binubuhay ninyo ang mga yumao naming mga sarili
Inyong binakbak at tinibag ang mga balakid sa aming pagkatuto
Kayo’y nagsilbing aming kalasag upang proteksiyunan ang aming mga mundo

Sa tagal ng ating pinagsamahan at pagsasamahan


Walang maipipintas, walang masasabing pagkukulang
Sapagkat kayo’y naging tunay sa inyong bokasyon
Sapagkat kami’y siksik at alaga sa inyong aksiyon

Ang inyong mga sakripisyo’t mga pagsusumikap sa pagtuturo kung kukwentahin


Kulang ang mga bituin sa buong sansinukob upang itoy sukatin
Napakamakapangyarihan ng inyong pagkalinga sa mga tulad naming kabataan
Napakamapapalad ng mga estudyanteng gurong sa inyo’y dumaan

Madami ka ng naprodyus na mga guro na iyong nilakipan ng natatanging kakayahan


Panigurado akong hindi ka din nila malilimutan
Dapat ka maam pamarisan ng sambayanan
Saludo kami sa iyo magpakailanman

Maam Merge, malayo na ang inyong narating at malayo pa ang inyong tatahakin
Ang inyong kadalubhasaa’y tatatak at sa aming isipa’y hindi buburahin
Ang inyong hindi matinag-tinag na dedikasyo’y ay magsisilbing legasiya
Na aalalahanin ng mundong ito na may isang Mergiecelyn Quezada
Na naging tulay at tagapamagitan sa mga pangarap ng mga kabataan na tulad niya’y
maging isang guro din na may huwarang gampanin sa mundong kinagisnan niya

Lilipas ang mga panahon, mauubos ang petsa sa kalendaryo


Ngunit ang inyong mga pabaon sa ami’y hindi maglalaho
Taas noo naming ipagsisigawa’t ipagmamalaking kayo’y aming naging guro
Mahal ka namin maam Merge mula sa kaibuturan ng aming mga puso
Iyan si Mam Mergicielyn Quezada
Tumatatak sa atin ang mga turo at payo niya
Mga aral na kapaki-pakinabang maririnig mo sa kanya
Ang pagmamahal at pagaalaga niya ay ating nadarama

Siya ay isang huwarang ina


Ating pangalawang ina rin sa eskwela
Sa tamang landas isa siya na sa atin ay nagdadala
Hindi maikakaila ang pagkalinga niya't pagaalala

Bilang mga magiging guro sa hinaharap


Isa siya sa ating mga tinutularan sa pagabot ng ating mga pangarap
Mga natututunan po namin sayo at aming mga nakakalap
Sa pangaraw araw naming buhay ay siyang magiging sangkap

Sa larangan ng pananamit napakagaling niyang magdala


Parang mayroon nga sa school na artista at fashionista
At ito ay isa po sa mga turo ninyo sa amin na dapat maging presentable ka
Kagaya ninyo, kapag sa estudyante mo ay haharap ka na

Kayo po ang aming hinahangaan


Sa pagtuturo ninyo sa iba't ibang larangan
Sa paglinang ninyo sa aming mga kaalaman
Kami ay patuloy ninyong hinuhubog sa loob ng paaralan.

Kaming mga magaaral ay may kanya kanyang kahinaan


Pero mayroon din kaming kapasidad at kakayahan
Maraming salamat po sapagkat kmi'y inyong pinagtitiwalaan
Ito'y nagiging daan rin kaya't ang mga ito'y aming pinagyayaman

Pagod at hirap ay tinitiis ninyo


Ibinibigay ang Sipag at pagmamahal sa ginagawa ninyo
Hindi matatawaran ang inyo pong sakripisyo
Kaya't sa inyo, kami po ay saludo

Sa aming mga nangangarap na maging guro, kayo po ay inspirasyon


Ito po ang ginagamit namin na isa sa aming mga motibasyon
Sa lahat ng mga gawain, kayo'y nagbibigay aksiyon
Ang pagtuturo at pagpapatuto ay ilan lamang sa inyong layon.

You might also like