You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BASISTA CENTRAL SCHOOL
A.G. FRIAS ST., POBLACION, BASISTA, PANGASINAN

Banghay Aralin sa Filipino 3

I. LAYUNIN :
Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;

nakagagamit nang wasto ng mga pang-abay na naglalarawan ng


isang kilos o gawi.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap Naipahahayag ang


ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin, bilis, antala
at intonasyon
Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong
tono, diin, bilis, antala at intonasyon

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC) Nakagagamit nang wasto ng mga pang-abay na
naglalarawan ng isang kilos o gawi. (F3WG-IIIh-6)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Paggamit ng Pang-abay
III. KAGAMITAN PANTURO Modyul
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC) MATRIX
Page 153
b.Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource
https://lrmds.deped.gov.ph/
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan Learner’s Packet
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan sa bawat kahon batay sa
kilos na ipinapakita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.
1.Paano tumatakbo ang bata?

a. mabagal
b. mabilis
c. malakas
2.Paano nakapatong ang aklat sa mesa?

a. maayos
b. malinis
c. makalat
3.Paano nananalangin si Ana?

a. mahina
b. malakas
c. maingay
4.Paano naglalakad ang pagong?

a. mahinhin
b. mabagal
c. mabilis
5.Paano niyayakap ni Gina ang kanyang Lola?

a. maluwag
b. mahigpit
c. matamlay

BALIK-ARAL
Panuto: Suriin ang bawat larawan batay sa kung ano ang ipinapakitang kilos o
gawi nito. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1.
1.

2.

3.

Tuklasin
Basahin mo ang kuwento.
Ang Aming Pamilya
Isinulat ni: Jonabeth M. Banggay
Tuwing umaga, ang bawat miyembro ng aming pamilya ay may kaniya -
kaniyang gawain. Si Tatay ay maagang nagpapakain ng mga alagang hayop sa
likuran ng bahay, habang si Nanay ay abalang nagluluto ng aming agahan.
Matiyagang nagdidilig ng mga halaman si Kuya samantalang masiglang
naglilinis ng bahay si Ate. Ako naman ay maingat na nagliligpit ng aming higaan.
Sadyang kay inam pagmasdan kung nagtutulungan sa mga gawain ang bawat
isa. Bukod dito, madaling matapos ang mga gawaing bahay.

B. Development
(Pagpapaunlad) Suriin
Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel. 1. Sino
ang tinutukoy sa kuwentong binasa? 2.Ano ang ginagawa ni Ate sa kanilang
bahay? 3.Paano isinasagawa ni tatay ang kilos sa pagpapakain ng alagang
hayop? 4.Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? 5.Ano-ano ang
salitang kilos na ginamit sa teksto? Paano ito inilarawan?
Pagtalakay sa Aralin
Magiging epektibo at malinaw ang iyong pagpapahayag kung mailalarawan mo
nang maayos ang mga kilos o gawi na nais mong ipabatid. Ang salitang maayos,
abala, matiyaga, masigla at maingat ay mga salitang naglalarawan ng kilos na
tinatawag na pangabay. Ang nagpapakain, nagluluto, nagdidilig, naglilinis,
nagliligpit ay mga salitang kilos o gawi. Ang tawag natin dito ay pandiwa.
Ang pang-abay ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng isang kilos o gawi na
sumasagot sa gabay na tanong na paano. Halimbawa

Pagyamanin
Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong papel at piliin sa kahon ang
tamang sagot.

C. Engagement (Pagpapalihan)
Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang ideya. Isulat
ang sagot sa papel.
Natutunan ko sa modyul na ito na ang ___________ ay salitang naglalarawan
ng isang ______ at ______ na may gabay na tanong na _____________.
Isagawa
Panuto: Piliin ang tamang pangungusap na may angkop na pang-abay batay sa
isinasaad ng larawan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

1. a. Nagwawalis ang bata.


b. Nagwawalis ang mga bata.
c.Nagwawalis nang mabuti ang bata.

2.
a. Ang pamilya ay magbabakasyon.
b. Ang pamilya ay sabik na magbabakasyon.
c. Ang pamilya ay namamasyal.

3.
a. Naglilinis si Nanay.
b. Sadyang masarap ang ulam na niluluto ni Nanay.
c. Nagluluto si Nanay ng masarap na ulam.

4.
a. Pinapainom ni Lolo ang mga hayop.
b. Hinahabol ni Tatay ang mga hayop.
c. Pinapakain nang maigi ni Tatay ang mga hayop.

5.
a. Si Abby ay naliligo.
b. Si Ben ay masayang naliligo.
c. Naliligo ang pamilya.
D. Assimilation (Paglalapat) Tayahin
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-abay sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.(Maingat, Malawak, Malamig)_________ na umakyat ang mga tao sa
matarik na bundok.
2.Ang mga bata ay (matipid, masayang, maliwanag) _____________ nag-
eehersisyo.
3. Tumakbo nang (mabilis, masipag, mahiyain) ____________ ang atleta.
4.(Mabilis, Malikot, Malapad)_________ na nagtatanim ang mga
manggagawa.
5.Nagsuot si Fauna nang (mapait, masikip, matamis) _______ na damit.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Prepared by:

Jonalyn D. Dela Cruz


Teacher III

Checked by:

Jane V. Mamaril
Master Teacher I

Noted by:

Violeta B. De Guzman,EdD.
Principal III
Iayos mo ang mga panuto na nakasulat sa ibaba. Lagyan ng numero 1-4 ang patlang upang
maisunod-sunod ang tamang hakbang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Hakbang sa Paglilinis ng Ngipin


_____Panghuli, magsipilyo sa umaga at gabi.
_____Pangalawa, sipilyuhin ang ngipin nang paitaas at paibaba.
_____Una, maglagay ng tamang dami ng toothpaste sa sipilyo.
_____Pangatlo, idura ang toothpaste at magmumog gamitang malinis na tubig.

A. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Paglalahad

Basahin ang usapan.

Naghanda si Ana sa pagpasok sa paaralan, dala niya ang kaniyang takdang- aralin na
ipinagawa sa kanila ng kanilang gurong si Bb. Cruz. Ito ay tungkol sa tamang paghuhugas
ng kamay.

Bb. Cruz: “Magandang umaga mga bata.”


Mag-aaral: “Magandang umaga rin po, Bb. Cruz.”
Bb. Cruz: “Nagawa ba ninyo ang inyong takdang-aralin?”
Mag-aaral: “Opo, Bb. Cruz.”
Bb. Cruz: “Ngayon, sino sa inyo ang makapagsasabi sa harap ng
klase nang tamang paghuhugas ng kamay?”
Ana: “Ako po, Ma’am.”
Bb. Cruz: “Sige, Ana, maaari mo ng ibahagi sa klase ang iyong
sagot.”
Binasa ni Ana ang kaniyang takdang-aralin.
Ana: “Una ay hugasan ang kamay ng malinis na tubig.”
“Pangalawa ay lagyan ng sabon ang kamay at kuskusin ito sa
harap at likod.”
“Banlawan ang kamay ng malinis na tubig.”
“Panghuli ay punasan ang kamay ng malinis na tuwalya.
Bb. Cruz: “Magaling! Ana. Mamaya ay isasagawa natin ang
paghuhugas ng kamay. Sana ay gawin ninyo ito nang tama
palagi upang makaiwas kayo sa sakit.”

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong mula sa
usapan.
1. Anong takdang-aralin ang ipinagawa ni Bb. Cruz sa mga bata?
a. mga hakbang sa paghuhugas ng plato
b. mga hakbang sa paghuhugas ng gulay
c. mga hakbang sa paghuhugas ng kamay
2. Sino ang nagbasa sa harap ng klase ng kanilang takdang-aralin?
a. Ana
b. Annie
c. Amy
3. Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?
a. utos ito ng aking mga kaibigan
b. dahil ito ang sabi ng karamihan
c. upang maging malinis at malayo tayo sa sakit
4. Mahalaga bang sundin natin ang mga hakbang sa paghuhugas ng kamay?
a. Oo, dahil ito ang tamang paraan upang makaiwas sa sakit.
b. Hindi, huhugasan ko ang aking mga kamay sa gusto kong paraan.
c. Hindi, masyadong mahaba ang hakbang ng tamang paghuhugas ng kamay.
5. Alin sa sumusunod ang tamang pagkasunod-sunod sa paghuhugas ng kamay? Isulat
ang letra ng tamang sagot.
Bilugan ang tamang bilang ng pantig sa sumusunod na salita.
Isulat ang bilang 1-4 sa patlang upang maisunod-sunod ng tama
ang hakbang sa paghuhugas ng kamay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
na ibibigay ko.
Makinig ng mabuti sa
sasabihin ko at sundin ang
bawat panuto.
1.Gumuhit ng isan g
malaking parisukat.
2.Sa loob ng parisukat,
magdrowing ng bilog.
3.Sa loob ng bilog,
magdrowing ng parihaba.
4. Sa parihaba isulat ang
inyong pangalan
Isulat ang bilang 1-4 sa loob ng kahon upang mapagsunod-
sunod ang mga panuto. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
NAME:__________________________________________GRADE:_____SECTION:________
ESP
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11
12
13
14
15
16
17
18
19.
20.
21
22
23
24
25
26

You might also like