You are on page 1of 2

Ang 

diarrhea o pagtatae, na minsan ay tinatawag ding LBM o loose bowel movement, ay isang
pangkaraniwang digestive condition kung saan nagiging madalas at matubig ang pagdumi. Sa kabutihang
palad, maraming kaso ng pagtatae ang nawawala sa loob lamang ng ilang araw nang hindi na kailangan
uminom ng gamot o pumunta sa doktor.
Merong tatlong uri ng diarrhea  o pagtatae. Ito ay ang:

 Acute diarrhea. Ito ang pinakakaraniwang uri ng diarrhea, kung saan nagtatagal ang pagtatae
ng isa hanggang tatlong araw.
 Chronic diarrhea. Kapag paulit-ulit o pabalik-balik ang pagtatae o kaya ay umaabot ito ng
higit pa sa apat na linggo, chronic diarrhea  ang tawag dito.
 Persistent diarrhea. Ang persistent diarrhea ay isang uri ng pagtatae na tumatagal ng dalawa
hanggang apat na linggo, o minsan ay higit pa.

PARAAN NG PAGPASA NITO; Sa pagkain o pag-inom ng tubig na madumi

Ano ang Sanhi ng Diarrhea o Pagtatae?


Maraming sanhi ang diarrhea  o pagtatae. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
 Mga Bacteria at Virus
 Ilang Uri ng mga Gamot
 Mga Digestive Disorder

Ano ang mga sintomas ng diarrhea?


Ang pangunahing senyales ng diarrhea  ay ang madalas na pagdumi ng basa at/o malambot na dumi. Bukod
pa rito, pwede ring makaranas ang isang taong nagtatae ng mga sumusunod na sintomas:

 pananakit ng tiyan
 pamumulikat ng tiyan (stomach cramps)
 pagkahilo at pagsusuka
 pagkawala ng kontrol sa pagdumi o biglaang pagdumi

Kapag malubha ang kaso ng diarrhea, pwede ring maranasan ang mga sumusunod:
 lagnat
 pagkakaroon ng dugo sa dumi
 weight loss
 dehydration (labis na pagkauhaw)

LUNAS AT MGA PARAAN PARA MAIWASAN ITO:


MGA PARAAN PARA MAIWASAN ITO:
1. Ugaliing maghugas ng kamay. Gumamit ng sabon at malinis na tubig.
2. Panatilihing maayos at malinis ang iyong kapaligiran at palikuran. Takpan ang inyong basurahan at palikuran
upang hindi langawin.
3. Ilagay at itabi sa isang malinis at ligtas na lugar ang mga tiring pagkain. Takpan lagi at initin bago kainin ang mga
natitirang pagkain.
4. Hugasang Mabuti sa dumadaloy na tubig (gumamit ng tabo kung walang gripo o bomba) ang mga gulay o
pagkain bago lutuin. Lutuing Mabuti ang iyong pagkain.
5. Pakuluan ang inoming tubig nang hanggang 15 minutos. Palamigin ito. Uminom lamang ng ligtas na tubig.
6. Pasusuhin ang iyong sanggol hanggang sa 2 taong gulang.
7. Pabakunahan ang iyong mga anak (Rotavirus Vaccine)

Ilan pa sa mga pwedeng treatment  o dagliang lunas para sa pagtatae ay ang mga sumusunod:

1. Rehydrate
Ang pag inom ng malinis na tubig ang pinakaunang step sa pag-rehydrate. Pwede rin gumawa ng Oral Rehydration
Solution (ORESOL), lugaw at pwede rin ang pag-inom ng mga sports drink gaya ng Pocari Sweat o Gatorade upang
mapalitan ang mga nawalang tubig sa katawan.
SANGKAP SA PAGGAWA NG ORESOL:
1. Isang (1) kutsaritang asin
2. Tatlong (3) kutsaritang asukal
3. Walong (8) basong tubig o (1) litrong tubig

2. Probiotics.
Para maibalik ang magandang balanse ng gut bacteria, pwedeng makatulong ang pag-inom ng probiotic
supplements. Subalit, tandaan na pwedeng magdulot ng mga side effect,  katulad
ng constipation at bloating, ang sobrang pag-inom ng probiotics. Bago ito subukan bilang treatment para sa
pagtatae, magtanong muna sa doktor kung paano ito gamitin at ano ang tamang dosage.

3. Good Diet at Pag-iwas sa mga Oily Foods.


Pagdating sa mga pagkain, makakatulong ang saging, kanin, at tinapay para mabuo at tumigas ang dumi.
Hangga’t maaari, iwasan ang mga mataba at oily  na pagkain. Hindi rin maganda para sa pagtatae ang mga
pagkain at inuming nagdudulot ng labis na hangin sa tiyan, katulad ng beans, repolyo, at softdrinks.

4. Pag-inom ng Tsaang-Gubat
Pinapawi ng Tsaang Gubat ang mga sakit, gaya ng pagtatae. Mayroon ding antibacterial properties ang Tsaang Gubat
dahil sa taglay nitong ethanol. Kung ang sanhi ng iyong pagtatae ay bacteria, makatutulong ang Tsaang Gubat sa
paggamot ng pagtatae.

Paraan ng pagprepare:
 Tea Bags Ng Tsaang Gubat
Available na ang mga ito para sa pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan. Ang ipinapayong paghahanda nito ay ihalo
ang tsaa sa isang tasa ng mainit ng tubig sa loob ng 1 – 2 minuto. Uminom ng 1 tasang tsaa kada araw.

 Sariwang Dahon Ng Tsaang Gubat


Upang makagawa ng iyong tsaa, hugasan ang dahon ng Tsaang Gubat gamit ang tubig. Tadtarin ang mga dahon hanggang
sa magkaroon ka ng isang tasa nito. Pakuluan ang isang tasang dahon ng Tsaang Gubat sa dalawang tasang tubig na may
katamtamang lakas ng apoy sa loob ng 15 hanggang 20 minuto.

5. Antibiotic o anti-parasitic.
Kung ang pagtatae ay dulot ng bacteria  o parasite, reresetahan ka ng iyong doktor ng antibiotic  o anti-
parasitic. Tandaan na hindi pwedeng gamitin ang mga gamot na ito para sa diarrhea  na dulot ng virus.

You might also like