Professional Documents
Culture Documents
Ang diarrhea o pagtatae ay isang laganap na kondisyon kung saan ang dumi ay basa at hindi buo. Ito ay
nagdudulot ng mga sintomas tulad ng madalas na pagdumi (tatlong beses o mahigit), pananakit ng tiyan,
panghihina, at dehydration.
Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga bagong silang na sanggol at maliliit na bata
dahil sa dehydration. Ito ay laganap sa mga lugar na may maduming pinagkukunan ng tubig at pagkain.
Ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay mayroong diarrhea?
Dahil indikasyon ang diarrhea ng maraming uri ng sakit, mahalagang magpatingin agad sa doktor upang
matiyak ang tunay na sanhi nito. Ang sumusunod ay ang mga pagsusuri na kinakailangang gawin:
Physical Exam – Isinasagawa ito upang matukoy ang mga sintomas ng isang pasyente. Bukod sa
pagtatae, susuriin rin ang iba pang sintomas gaya ng lagnat, blood pressure, pananakit ng tiyan, at mga
senyales ng dehydration. Kadalasan ring tinatanong ang pasyente kung mayroon siyang iniinom na
gamot na maaari ding may kinalaman sa diarrhea.
Stool Test – Ito ay isinasagawa upang matukoy ang mga mikrobyo na maaaring nagdudulot ng
diarrhea. Ilan sa mga halimbawa ng mikrobyo na maaaring magdulot ng diarrhea ang Entamoeba
histolytica at Escherichia coli.
Blood Test – Kinukuha ng nurse ang dugo ng pasyente na posibleng may diarrhea. Idadaan ang dugo sa mga
iba’t ibang eksamen upang makita kung meron impeksyon, o hindi pagkapantay-pantay ng antas ng
electrolytes (mga mineral sa dugo) sa katawan.