You are on page 1of 5

CHRONIC-KIDNEY DISEASE PREVENTION AND CONTROL

Lhan-Lhan

Ano ang Kidney disease?

Ang kidney o bato ang nagsasala sa iba’t-ibang bagay na dumadaloy sa


loob ng katawan tulad ng dugo, pagkain at tubig. Dahil dito, ang katawan
ay nalilinisan at natatanggalan ng mga dumi o toxin. Kung hindi
nagagampanan ng bato nang maayos ang tungkulin nito, ang tawag dito
ay sakit sa bato.

Anu-ano ang mga sanhi ng kidney disease?

Ibang sakit ang kadalasang pinanggagalingan ng sakit sa bato ngunit


maaari rin itong makuha sa birth defect at genetics. Ito ang mga iba pang
sanhi:
Diabetes
High blood
Lupus
Pag-inom ng steroids
Baradong renal artery
Polycystic kidney disease
Pyelonephritis
Glomerulonephritis

Ano ang mga sintomas ng sakit sa bato?


Maaring walang maramdaman ang taong may sakit sa bato
Pagmamanas ng paa, mukha o buong katawan
Mabulang ihi
Ihi na kulay tsaa
Pag ihi ng madalas (3 beses) sa gabi.
De Pablo

Risk factors
Mga dahilan ng pagkakaroon ng kidney diseases o sakit sa bato.

Diabetes
- dahil sa sobrang asukal sa dugo, nahihirapan ang bato na salain ito.

Hypertension
- Matagal ng hindi nakokontrol ang presyon sa dugo
- Ito ay nagiging dahilan para lumiit at humina ang ugat sa bato
- Hindi na nakakapag dala ng dugo sa kidney tissue.

Sakit sa puso.
- Hindi na makapag bomba/bigay ng dugo.
- Napupuno o naiipon ang dugo
- Nagkakaroon ng pressure sa mga ugat na naka konekta kidney/bato
- Dahilan para maipon rin ang dugo sa kidney.

Pag-inom ng mga gamot para sa kirot/rayuma


- Ang mga gamot po na ito ay maaari pong masama sa kidney.
- Lalo na kung panay o tuloy tuloy ang pag inom.
- Halimbawa: Zoledronic acid, ramipril, enalapril, lisinopril, spironolactone,
ibuprofen, naproxen, vancomycin, furosemide
- Ilan sa mga gamot na to ay nagpapababa ng blood flow sa bato.

Pag-inom ng mga gamot na nagmumula sa mga halaman (herbal


medications) Halimbawa: Chinese herbal medicine
Halimbawa: alfalfa, aloe, bayberry, woodworm oil na meron sa mga alcohol.

Paninigarilyo
- Nagiging sanhi ng pagbabara sa ugat na nakakaapekto sa sirkulasyon ng dugo sa
kidney.
- Nag papabilis paglala ng sakit sa kidney.

Pagbigat ng timbang na higit pa sa naaayon sa tangkad.


- Ito po ay may tyansang mapunta sa type 2 diabetes at hypertension.

Pagkakaroon ng kamag-anak na may sakit sa bato.


- impluwesya ang genetic sa pag kakaroon ng sakit sa bato.

Pagkakaroon ng impeksiyon o pamamaga ng daluyan ng ihi.


- pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato at sa pantog.
Magbabanggit po ako ng Ilang mga paniniwala patungkol sa sakit sa bato.
At kaylangan nyo lamang pong sabihin kong ito ay Tama o Mali.

Cue
Mali- Pasensya po mali po kayo.

1. “Lahat ng sakit sa kidney ay hindi na gumagaling.” (mali)

- Hindi lahat ay hindi na gumagaling.


May mga uri ng sakit sa kidney na madaling gamotin. Tulad ng acute kidney failure
at acute glomerulonephritis. Ang mahalaga ay maagapan sa pamamagitan ng pag
gamot dito para hindi lumala.

2. Kapag may sakit sa kidney, ang pamamanas ay


nangangahulugang mahinang-mahina na ang mga kidney.

- May mga uri ng sakit sa kidney na mayroong pamamanas pero po normal ang
pagtrabaho ng kidney.
- Halimbawa ay nephrotic syndrome.

3. Kapag may sakit sa kidney, dapat uminom lagi ng maraming tubig.

- Depende sa uri ng sakit sa kidney.


- Tama po ito UTI, at ‘bato sa kidney’
- normal ang pagtatrabaho ng kidney.
- Hindi tama pag mayroonng pagmamanas ito po ay maaring makasama.

4. “Wala naman akong nararamdaman, masasabi bang wala akong sakit sa


kidney?”

- Hindi lahat ay may nararamdaman.


- Meron pong sakit na walang nararamdaman,
- lalo na kung nagsisimula pa lamang ang sakit.
- Madalas sa urinalysis lamang makikita kung may sakit sa kidney.
- Halimbawa: acute glomerulo nephritis
5. “Ok naman ang pakiramdam ko, hindi ako kailangan magamot para sa aking
sakit sa kidney”

- Maaaring maganda ang pakiramdam ng karamihan pag ginagamot para sa


sakit sa kidney.
- Hindi ibig sabihing maaari nang itigil ang mga gamot.
- Maaaring mauwi sa mabilis na paglaki ng sakit sa kidney, at
humantong sa maagang pag dialysis o kidney transplant.

Divine

Healthy Kidney Tips

Sino sino po ba ang mga naka experience na nagkaroon na ng sakit sa bato?

Ano ano po ang daily routine na ginagawa ninyo upang hindi mas lumala?

* Ready na po ba kayong malaman kung ano ano ang mga healthy tips upang
maalagaan ang ating mga bato?

Ang paraan para mapanatiling malusog ang ating mga kidney ay:

• Drink plenty of water


- Ipagpalagay natin na ikaw ay malusog at hindi fluid retainer, ang pagpapanatili sa
katawan na maging hydrated ay hindi masyado mahirap sa iyong kidney alisin ang
iba pang dumi sa iyong katawan.
- Gaya nga ng ating nasa food pyramid hindi mawawala ang 8x of glasses a day,
bakit kelangan natin uminom ng maraming tubig sa isang araw? kelangan natin
mapanataling hydrated para hindi mahirap sa ating kidney na alisin ang iba pang
dumi sa ating katawan.

• Stay active
- Ang cardiovascular fitness ay susi sa magandang level ng blood pressure na
makakatulong makaiwas sa chronic kidney disease
- Makakatulong ito upang maging mabuti ang takbo ng ating katawan, mas magiging
malakas pa tayo upang labanan ang mga sakit na ating nararramdaman laban sa
sakit ng bato.

• Avoid some over the counter medications


- Ang paggamit ng matagal sa anti-inflammatory medications tulad ng ibuprofen o
acetaminophen ay nakakadulot ng kidney damage, disease at failure.
- May tendency na, mas lalong lumala ang ating sakit sa bato which means mas
lalong magkakaroon ng kidney damage, disease at failure lalo na kung hindi naman
ito nireseta mg ating mga doctor kaya much better parin na galing sa doctor ang
mga binibili nating mga gamot.
• Eat healthy
- Iwasan ang asin sa iyong diet. Ang healthy diet ay susi sa pagpapanatili ng
magandang level ng blood pressure. Paniguraduhin na iwasan ang sobrang asin
para maibsan ang trabaho ng kidney at makababa ng tyansa magkaroon ng kidney
disease. Ilang pagkain ang sinasabi na nagpapalakas sa kidney tulad ng cabbage,
fish, lemon, onion, kale, red grapes, cherries, blueberries at raspberries at meron din
na pagkain na hindi nakakabuti sa kidney at ang pagkain sa kanila ay dapat iwasan.

Ang isa sa mga kidney friendly food ay ang renal diet.

Ano nga ba ang renal diet?

Ang renal diet ay nakakatulong sa pagbabalanse ng level of fluids, electrolytes at


minerals sa ating katawan lalo na ang mga taong may sakit sa bato.

Lagi nating tatandaan na kelangan natin itong malaman kung ano ang ating kakainin
at tatanungin natin ito sa ating healthcare provider para makasiguradong tama ang
ating mga kinakain.

You might also like