You are on page 1of 3

Bakit May Namamatay sa Bangungot?

Ang bangungot o sudden unexpected death syndrome ay


ginagamit upang ilarawan ang nakakatakot at matinding
panaginip na kadalasan ay nauuwi sa kamatayan. Ang term
na "bangungot syndrome" ay sinasabing madalas na nakikita
sa mga taong kumain ng napakarami (matataba at mga
seafoods) at uminom ng maraming alak bago matulog at
hindi na nagigising pa. Ang posibleng sanhi nito ay biglang
inatake sa puso habang natutulog, Brugada syndrome o
iregular na pagtibok ng puso na maaaring magdulot ng
pagkamatay at acute hemorrhagic pancreatitis.

Ang acute pancreatitis ay isang inflammatory condition ng


pancreas o lapay na sobrang sakit at minsan ay
nakakamatay. Ang mga sakit sa pancreas ay mahirap
madiagnose. Walang madaling paraan para makita ang
pancreas directly na hindi kinakailangan ng operasyon at
kadalasan ay hindi sapat ang mga imaging techniques.
Karamihan sa nagkakaroon ng acute pancreatitis ay
gumagaling din matapos ang tamang gamutan. Ngunit may
mga kaso na nagiging malala at nagreresulta sa pagdudugo
ng lapay, tissue damage, infection at cyst formation.
Ano ang Sintomas ng Acute Pancreatitis?

1. Sakit sa itaas na bahagi ng tiyan na umaabot hanggang


sa likod. Lumalala ang sakit kapag kumakain lalo na kung
matataba ang pagkain.

2. Nahihilo at nagsusuka.

3. Nilalagnat

4. Mabilis ang tibok ng puso at pulso.

Ang acute pancreatitis ay madalas na sanhi ng gall stones o


labis na pag-inom ng alak at pagkain ng marami lalo na ang
matatabang pagkain bago matulog. Ang mga bato sa apdo
ay pwedeng bumara sa pancreatic duct na pwedeng
magdulot ng injury sa pancreas. May kaso din nito na dahil
sa pag-inom ng gamot, impeksyon, trauma, metabolic
disorder o surgery.

Paano Maiiwasan ang Pancreatitis?

1. Kumain ng masustansyang pagkain.

2. Iwasan ang mga matatabang pagkain lalo na sa mga may


bato sa apdo.

3. Iwasan ang mga red meats, itlog at butter.


4. Huwag uminom ng alak o bawasan ang pag-inom nito
(limitahan sa isa hanggang dalawang baso kada araw).

5. Mag-ehersisyo araw-araw

You might also like