You are on page 1of 1

Diabetes: Paano ka masusugpo?

- Angel Cavinta

Tatlong taon na ang nakaraan nang mapansin ng labing anim na taong gulang na si Crisha na
madalas siyang bumangon upang umihi kada gabi.

“Nagigising po ako ng madaling araw, tapos ihi ako ng ihi hangga’t sa napansin kong pumapayat na ako
dahil mataas na pala yung blood sugar ko,” ani ni Crisha.

Nang magpa medical exam siya sa City Health Office (CHO) para magpa-checkup. Nalaman niya na
mayroon na pala siyang sakit na diabetes at ang madalas na pag ihi sa gabi ay isa pala sa mga sintomas
nito.

Nakakabahala ang sakit na ito dahil pabata nang pabata ang mga nagkakaroon nito. Ang diabetes ay
isang kondisyon kung saan tumataas nang husto ang blood sugar ng isang tao. Sinisira ng sakit na ito ang
normal na proseso ng paglipat ng asukal mula sa dugo patungo sa mga selula na nangangailangan nito
para sa enerhiya.

Bilang resulta, sinisira nito ang mahahalagang organ at ang sirkulasyon ng dugo, na minsan ay
nagiging dahilan ng pagkaputol ng daliri sa paa, pagkabulag at sakit sa kidney. Maraming diyabetiko ang
namamatay dahil sa atake sa puso o stroke.

Ilan sa mga sintomas ng diabetes ay ang madalas na paga-ihi, madalas na pagka uhaw, hindi
paghilom ng sugat o kaya ay ang biglang pagdagdag o pagbawas ng timbang.

Kapag napabayaan ang diabetes, magdudulot ito ng kumplikasyon sa katawan gaya ng stroke, kidney
failure, heart attack, at pagkabulag.

Paano nga ba natin maiiwasan ang sakit na diabetes? Una ay ipasuri ang iyong blood sugar.
Pangalawa naman ay dapat tayong kumain ng masusustansiyang pagkain. Sa halip na mga matatamis na
fruit juice at soft drinks ay dapat uminom ng tubig , tsaa , o kape sa halip ng mga pagkaing naproseso ay
kumain ng kanin , karneng walang taba , isda at beans. Pangatlo naman ay mag ehersisyo. Makakatulong
ito par sa iyong blood sugar at mapapanatili ang iyong tamang timbang.

Kaya’t dahan-dahan sa pagpili ng iyong mga pagkain. Piliin natin ang mga pagkaing magdudulot at
magbibigay ng lakas sa ating katawan.

Hindi mo mababago ang iyong genes, pero mababago mo pa ang istilo ng iyong buhay. Sulit ang
anumang pagsiskap natin para mapabuti ang ating kalusugan.

You might also like