You are on page 1of 2

Pagbunot ng Buhok sa Ilong, Posibleng Mag-Impeksyon

sa Utak

Marami ang hindi nakakaalam na may “danger


triangle” sa ating mukha. Ito ang lugar mula sa ilong
hanggang sa bibig kung saan ang anumang impeksyon
dito ay posibleng pumasok sa ating utak. Bihira lang ito
mangyari pero posible pa rin.

Kaya huwag ninyong tirising ang tigyawat sa mukha at


huwag din bunutin ang buhok sa ilong dahil posible
itong mag-impeksyon. Ang medikal na tawag dito ay
“Cavernous Sinus Thrombosis” isang nakamamatay na
impeksyon sa utak.
Madalas ay hindi magandang tingnan kapag masyado
nang mahaba ang buhok sa ilong. Ngunit mahalaga ang
mga buhok sa ilong lalo na sa pagsala ng mga dumi sa
hangin kapag tayo ay humihinga. At may mahalagang
dahilan kung bakit hindi mo dapat ito bunutin.

Maraming mga mikrobyo ang naninirahan sa ating ilong.


Kapag binunot mo ang buhok nito, magkakaroon ng
space kung saan maaaring pumasok ang mikrobyo at
magdulot ng impeksyon sa iyong katawan.
Dahil ang ilong ay nasa "danger triangle", posibleng
makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng
impeksyon doon. Ito ay dahil ang mga ugat na
nanggagaling sa ilong ay may komunikasyon sa mga
ugat na nanggagaling sa utak.

Kapag nakapunta ang mikrobyo sa utak maaaring


magdulot ito ng meningitis o brain abscess o pamamaga
ng utak.
Kaya, ugaliin na lamang na i-trim o gupitin ang mga
buhok sa ilong na nakalas. Huwag itong bunutin upang
hindi magkaroonng sugat o open area kung saan
makakapasok ang mikrobyo.

You might also like