You are on page 1of 2

DETERMINING ACCCOUNT BALANCES AND PREPARATION OF TRIAL BALANCE

📌Ito yung kadugtong na topic ng Rules of Debits and Credits: Recording Transactions in T-Accounts. Just
make sure na nabasa mo na iyon at naunawaan bago basahin ito.

🖋After mo i-record ang mga transactions, ang susunod nating gagawin ay aalamin natin ang account
balances (pag sinabi nating account balance, ito yung kung MAGKANO ang balance ng isang account
after resording lahat ng transactions, halimbawa magkano ang cash at the end of the period? Magkano
na lang ang accounts payable?lahat ng accounts aalamin natin) at pagkatapos nyan ay gagaw tayo ng trial
balance. (Ang trial balance ay ang listahan ng lahat ng accounts kasama ang corresponding debit or
credit balances nito.

🖋Ito ang unang encounter mo sa pagbabalanse. Haha Ulitin ko lang yung tip ko nung nagrerecord ka ng
transaction using T-accounts. KUNG NAGLAGAY KA SA DEBIT, DAPAT NAGLAGAY KA SA CREDIT. KUNG
MAGKANO ANG INILAGAY MO SA DEBIT DAPAT IYON DIN ANG NASA CREDIT. Siguraduhin Mo yan para
mama-YES! Ka na lang kapag balance ka.

📍📍Gamitin mong reference ang picture sa ibaba.

Para malaman mo ang account balances ganito ang gagawin mo per account:

(1) I-add mo lahat ng nasa debit.

(2) I -add mo lahat ng nasa credit

(3) i-compute mo ang difference ng dalawang total.

(4) Kung saan mas Malaki iyun ang kanyang account balance

(5) Ilagay ito sa tapat kung debit o credit

(6) Lagyan ng double rule at wag kakalimutan ang peso sign.

🖋Halimbawa sa cash, ang total ng debit side ay P481,000 at ang credit side naman ay P230,000. Ang
difference ay P251,000. Dahil mas Malaki ang balance sa debit, ang cash ay may debit balance nna
P251,000. Ibig sabihin nyan matapos ang lahat ng transaction sa buwan na iyon, ang business ay
mayroon pang tumataginting na P251,000.

🖋Kapag ang account naman ay walang either debit or credit side, ang gagawin mo llang ay i-add mol ang
kung may i-aadd, if wala yun na yung account balance ng account na yun. Halimbawa sa account ng
computer supplies isa lang ang entry automatic, yun na yun, (sana lagi ganyan noh? Hahhaha)

🖋Gawin mo lang ang procedure hanggang makuha mo llahat ng account balances.

📍📍SIR KAHIT SAAN PO BA PWEDE MAG-FALL ANG ACCOUNT BALANCE NG ISANG ACCOUNT?

Ang sagot sa tanong ko na iyan ay isang MALAKING HINDEEEEE!!! (Galit ka Sir? HAHHAHAH) Mayroon
tayong tinatawag na NORMAL ACCOUNT BALANCE, ang balance ng isang particular na account ay dapat
na nasa side kung saan sila nadadagdagan. Paano po Sir?

🖋Halimbawa ang cash, kapag nadadagdagan ang cash di ba debit? So dapat ang account balance nya ay
nasa debit. Isa pang halimbawa, accounts payable, di ba kapag nadadagdagan ito nirerecord natin sa
credit? Kaya dapat sa credit side ang account balance nya. To summarize lahat ng assets, withdrawals, at
expenses dapat nasa DEBIT ang account balance, lahat naman ng liabilities, owner’s equity at income
account ay dapat na nasa CREDIT. KAPAG HINDI GANYAN ANG LUMABAS, KAILNGAN MO I-REVIEW ANG
PAG-ANALYZE AT PAGRERECORD MO. So kung mapapansin nyo naman, tama nasa tama naman ang
account balances ng mga accounts.

Ang susunod naman natin na gagawin ay ang trial balance (moment of truth hehe)

So gayahain lang ang heading, ilagay ang name ng company, yung word na trial balance at ang date.

🖋Pagkatapos ay ilista ang lahat ng accounts mula assets hanggang expenses (Take note, hindi pwede ang
rambol rambol ang accounts ha, sundin mo na lang din ang sequence base sa given na chart of accounts)

🖋Pagkatapos ilista ay ilagay mo na ang account balances. (may dalawang columns sa tapat ng bawat
accounts, debit at credit. Kung ang balance ng isang account ay debit, lalagay mo lang ang amount sa
tapat kung debit ba or credit)

🖋Halimbawa yung cash may debit balance na P251,000 kaya dapat yung amount nya ay nakatapat sa
cash at debit. Gawin ito hanggang sa pinakahuling account.Pagkatapos ay i-atotal ang balance ng bawat
column, debit at credit. DAPAT PAREHAS. Pag parehas ito ay balance! Huwag kalimutan ang peso sign at
double rule.

Take note, hindi lahat ng balance ay tama. Pero mmay chance na tama ka dahil balance ka. Haha

❤️Marami sa mga ABM students ang nahihirapan dito. Ang masasabi ko lang ay normal itong
pakiramdam dahil una, kailangan mo talaga mag-analyze, pangalawa, first time natin itong pag-aralan eh.
Mula Grade 1 hanggang Grade 10 may accounting ba? Wala. Kaya normal feeling ito. Ang maipapayo ko
lang ay PRACTICE at tyaga talaga na magbasa, at mgsagot ng problems kasi kapag pinaulit ulit mo
magsagot, marerealize mo na ang mga accounting problem ay pare-parehas lang, nagbabago lang ng
pangalan ng company saka ng amount. Kaya natin yan!

You might also like