You are on page 1of 1

Tamang Pag-upo kung Masakit ang Likod

Payo ni Doc Willie Ong

Para mabilis maka-recover sa pananakit ng likod, dapat ay ma-maintain ang kurba ng iyong spine o likod.

Sundin ang mga ito ng 2 linggo pagkatapos mong makaramdam ng sobrang pananakit ng iyong likod.

1. Pag-upo - Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito'y
kinakailangan mo munang tumayo at maglakad-lakad.

2. Umupo ng may suporta sa likod - Kinakailangan na may nakasuportang unan sa iyong likuran o lumbar
roll.

3. Panatilihin ang iyong balakang at tuhod ay nasa tamang anggulo - Ang iyong hita ay kailangan
nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung mababa ka, gumamit ng foot rest o stool kung
kinakailangan.

4. Umupo ng diretso. Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng ating likuran.

5. Umupo sa upuan na may sandalan at may patungan ng mga braso. Ang pag-upo sa malambot na
upuan o couch o upuan na walang sandalan ay maaaring makapag-pakurba magpakuba sa iyong likod.

6. Sa opisina i-adjust ang iyong upuan palapit sa iyong mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa iyong
upuan o mesa at panatilihing relax ang balikat

7. Kung uupo sa upuan na may gulong wag paikutin ang iyong balakang habang nakaupo sa halip ibaling
ang iyong buong katawan.

8. Kung tatayo mula sa pag-kakaupo bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng
upuan bago tumayo.

9. Sa pagtayo ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang iyong likod sa pamamagitan ng paggawa ng
ilang segundo na backbends.

You might also like