You are on page 1of 2

PM 1.

1: MARKETING

🖊Isa sa mga specialized subjects ng ABM ay ang Principles of Marketing. This subject will help you na ma-
enlighten what marketing is all about especially kung ang kukunin mong course sa college ay BSBA major
in Marketing. Actually, ako dati nung hindi ko pa talaga alam ang concept at di ko pa naiintindihan ang
marketing ang nagreregister lang sa utak ko ay, una, palengke (kasi market hahaha corny pero totoo
haha) at saka mga taong naka-corporate attire. Ang babaw noh? Pero pag nakilala mo pala talaga mas
lalo mo syang maappreciate at mamahalin. Tara Simulan na natin ang discussion!

According to Josiah Go, marketing guru in the Philippines, Marketing is the process of continuously and
profitably satisfying the needs and wants of customers to outperform your competitors.

As a future marketing manager, the definition already gave you your role. Ano ba ang gagawin mo as a
marketing manager. Role kanino at ano? Para madali mong matandaan tatlong C o yung tinatawag na
“3C’s of Marketing”, (1) Company, (2) Customers, and (3) Competitors.

📍Your first role for the company is to make them continuously and profitably operate. Kailngan ang
company na nagpoprodue ng mga product na minamarket mo ay patuloy na nag-ooperate at hindi lang
basta tuloy tuloy, dapat tuloy tuloy na nag-ooperate at nag-eearn ng profit. Without profit, walang
budget for operations and will result to the decline of the company. As we all know, ang lifeblood ng
isang business ay kung ito ay kumikita at tumutubo (Take note may kumikita pero walang tubo, at yan
ang hindi dapat mangyari). Halimbawa ng mga strategies na naobserve ko eh heto, Para sa product
development ang example natsa Jollibee, ang daming products di ba? Pero kung oobserbahhan mo yung
mga burgers, ang sarap di ba? Hahahha at I’m sure naamoy mo ito habang binabasa mo ngayon hahaha
yung mga burgers nila ang dami, may regular yum, yum with cheese, yum with tls, amazing aloha, yum
with bacon, pero yung buns (tinapay) isa lang di ba? Yug patty? Isa lang din. Nagkaiba iba lang sa
palaman. Pero considered as individual product na binibili ng customers. So ano ang lesson dyan, ang
Jollibee nag-ooffer ng maraming burgers pero ang materials sa lhat ng burger na inoofer ay iisa lang. Ang
equipment para i-toast ang buns, lutuin ang patty ay iisa lang. Kumikita sila by offering variety of burgers
with a set of materials and equipment for all. Ang galling ng strategy di ba? Same with sa ice cream nila,
iba iba lang ang toppings, yug chicken, iba iba lang ang bilang at lasa. This example is also same as with
McDonalds. Isa pang halimbawa ay ang Ramen Nagi (familiar?) They are known sa masarap nilang
Ramen. Di sila pumapayag na i-take-out ng mga customer ang ramen nila to ensure quality. Kasi kapag
tinake-out lalamig, bababa ang quality at yun ang ayaw nila to protect their brand. Eh dumating ang
Covid-19. Bawal dine-in di ba? So paano yun? Eh hinndi sila nag-aallow ng take-out and delivery? So ang
ginawa nila ay nagcreate ng Ramen Kit. Para syang cup noodles style na lalagyan mon a lang ng hot
water. Dito nakapag-offer na sila ng product and at the same time na-ensure ang quality nito. So kung
hindi naisip yun ng marketing manager, eventually they do not have any product to offer and baka is ana
din sila sa ma nag-close na businesses ngayong pandemic. Kaya ikaw as a marketing manager you must
create strategies para mas mmag-earn ng profit ang business para ma-operate ito ng matagal.

📍Second, yung role mo for the customers. You need to satisfy their needs and wants. Ano difference ng
dalawa? Need is kailangan. Want is gusto. Tinagalog ko lang ba? Hahaha Pwede kasing pare-parehas tayo
ng kailngan pero iba ang gusto natin sa kailangan na iyon. Sa pamilya lang natin di ba? Lahat tayo
kailangan kumain pero iba iba pa gusto natin na ulam. Parang ganyan. Haha Una dyan kailangan mo
muna makilala ang customers mo, that is by doing market research o dyan din pumapasok yung
environmental scanning na napag-aralan natin sa OrgMan. Halimbawa natin is McDonalds (oh Jollibee
naman kanina eh haha) alam naman natin na ang McDo ay isang global brand at hindi siya nagsimula
ditto sa Pilipinas, kaya ang mga produkto nito tulad ng naririnig ko sa mga feedback ay pang Amerikano
ang lasa. Kaya to penetrate the Filipino market kailangan nila mag-offer ng mga products na pang Pinoy.
Pano po ba yung pang Pinoy? Familiar sila sa produkto, lasang Pinoy, presyong Pinoy at Pinoy ang feels.
Kaya mag Chicken McDo kasi mahilig tayo sa fried chicken, may spaghetti (na last year ay binago ang
lasa, yung mas matamis kasi dati di ba medyo maasim, Italian style kasi kaya di masyadong be ng mga
Filipino), may chicken fillet, coke float, burger mcdo at iba pa na dito lang sa Pilipinas meron kasi Pinoy
ang customers. Ang presyo, mural ang, kaya may McSavers di ba? Complete meal na, sa ghalagang P50
lang. Pano po yung Pinoy ang feels? Through their commercials, naaalala mo si Karen saka si Lolo, yung
Huling El Bimbo commercial at ang Aldub, di ba? They need to connect sa mga Pilipino and they were
successful.

📍Pangatlong role mo is for your Competitors. You need to outperform them. Kailangan hindi ka lang
basta nag-ooperate, hindi lng basta nakakapagserve sa customer dapat ikaw ang una, ang company mo
ang may pinakamataas na market share. Nakakapressure di ba? Pero sa ganitong mindset, ang
nagbebenefit ay ang customers. Mas nagkakaroon ng value ang mga choices nila ng product dahil may
competition. Inuulit ko ang value ay nasa perception ng mga customers, pag sinabi nating value, “”ang
mura at napakasarap!” , “kahit mahal, sobrang tibay naman”, “Malaki, marami, masarap, sa presyong
abot kaya!” quality ng product in relation sa presyo nito. Value is “sulit” in layman’s term. Familiar ka sa
brand na Nokia? Yan ang number 1 brand ng cellphone noon,halos lahat ng may cellphone noon ganyan
ang brand, pero bakit ngayon parang bihira ka na makakita ng ganyang brand? Innovation, dumating
ang Samsung, Apple, Huawei atbp at hindi sila nakasabay, though meron silang inooffer na models ng
cellphone pero hindi na sila ang unang choice. Isa pang halimbawa ay Coca-Cola, bakit kaya sya ang
number one brand ng softdrinks? Aside sa lasa and variety, yung connection ng coke sa manonood. They
invest also in promotions, di bap ag may mga World Cup, at iba pang international competitions, sponsor
sila. Yung ga taglines na “Open Coca-Cola, Open Happiness” at yung feeling mon a kulang ang tanghalian
mop ag di ka nagbukas ng coke, kasalo sa pagbukas din ng coke sa Eat Bulaga. Aside from that wala
yatang sari-sari store sa Pilipinas ang walang tindang coke. Haha ibig sabihin the company also invests in
logistics and distribution. Pwede mong matalo ang competitors by product quality, pricing strategies,
massive and effective promotions, and distribution of your products.

🆙Marketing is important. Kung ano ang tingin at pananaw ng customers towards a company or product
that is already marketing.So paano mo gusting Makita ng mga tao ang kompanya o produkto mo? It is
marketing.

🆒Isang definition lang yan but I hope na-enlighten ka kung ano ba ang marketing. It is a very exciting
and interesting subject or course sa college. It will ulnleash the creativity in you.

You might also like