You are on page 1of 3

Munggo Masustansya, Hindi Bawal sa

Arthritis

Masustansya, masarap, at mura ang munggo.


MALI ang paniniwala na masama ito sa
arthritis. Sa katunayan, maraming itong
benepisyo sa puso, utak at katawan.
Ilang sa mga benepisyo ng munggo ay:
1. Bagay ang munggo sa lahat ng tao dahil
napakaraming bitamina at mineral tulad ng
vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine,
B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5
o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o
Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng
copper, iron, manganese, zinc, phosporus,
magnesium, potassium, calcium at sodium.
2. Bagay ang munggo sa lumalaking bata
dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
3. Merong anti-oxidants laban sa pagtanda at
panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at
beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay
pang-neutralize ng free radicals laban sa
kanser at Alzheimers’ disease.
4. Ang laman na purine ng munggo ay
katamtaman (moderate) lamang kaya pwede
kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric
acid ay hinay hinay lang pagkain, hindi po
bawal. Ang bawal sa merong gout ay yung
mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato,
balunan o yung nasa bopis.
5. Mayroong isoflavones na katulad ng
hormone na estrogen ng babae na kailangan
para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes
at insomnia.
6. May taglay na calcium at phosphorus para
sa buto.
7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol
at ang fiber sa munggo ay laban sa bad
cholesterol.
8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes
Association dahil mababa ito sa Glycemic
Index kaya pwedeng kainin ng may diabetes.
Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Isama din
ang munggo sa mga talbos ng ampalaya o
bunga, talbos ng malunggay, sili, spinach,
alugbati, kangkong, sitaw, kalabasa at talong.
Siguradong malusog at malakas kayo.

You might also like