You are on page 1of 3

Hilo o Vertigo: Anong Solusyon

Ang pinakamadalas na dahilan ay ang problema sa loob ng tainga


(inner ear problem). Ang tawag dito ay vertigo. Nag-uumpisa itong
problema sa sipon o trangkaso. Matagal itong gumaling at minsan ay
umaabot sa 2-3 linggo ang pagkahilo. Heto ang ating mga payo:
1. Kapag matindi ang pagkahilo, umupo sa isang tabi at huwag
gumalaw. Kung pakiramdam mo ay aatake ang iyong hilo, huwag
maglikot dahil baka lalo ka lang mahilo.
2. Kung hindi naman grabe ang iyong pagkahilo, ituloy lang ang
iyong normal na gawain. Maglakad at mag-ehersisyo. Gusto natin
mapanatili ang lakas ng iyong katawan para hindi kayo matumba.
3. Humawak sa isang matatag na bagay sa tabi mo. Kapag nahihilo
ka, minsan ay nalilito ang iyong utak sa iyong pagka-balanse. Ang
paghawak sa isang silya o mesa ay makapagpapabawas sa iyong hilo.
4. Dahan-dahan lang sa pagtayo mula sa iyong kama. Sa umaga,
siguraduhing “gising” na ang iyong mga paa at kamay. Baka wala
pang lakas ang iyong tuhod at matumba ka. Umupo muna ng isang
minuto bago tumayo.
5. Kung ang hilo mo ay dahil sa biglang pagtayo, galaw-galawin ang
iyong hita at paa. Ito’y para manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa
iyong katawan.
6. Magsuot ng flat na sapatos. Huwag magsuot ng may takong (high
heels) dahil mahihirapan kang mag-balanse. Maganda ang rubber
shoes para matatag ang iyong paglalakad.
7. Magdala ng flashlight habang naglalakad sa gabi. Kailangan mo
ng sapat na ilaw para hindi madapa.
8. Huwag maglakad sa ibabaw ng carpet. Kapag makapal ang carpet,
mahihirapan ang iyong katawan mag-balanse. Para bang lagi kang
matutumba.
9. Maglagay ng mga hawakan sa banyo. Magsapin din ng gomang
tapakan sa banyo para hindi ka madulas.
10. Bawasan ang alat at asin sa iyong pagkain. Kapag mahilig ka sa
maaalat, puwedeng dumami ang iyong tubig sa katawan, pati na rin
sa loob ng tainga. Minsan ay nagdudulot din ito ng pagkahilo.
11. Uminom ng salabat. Ang luya at mainit na tubig, na ginagawang
salabat, ay napakabisa laban sa hilo. Subukan ito.
12. Puwede din uminom ng gamot tulad ng meclizine 25 mg tablets
(dizitab o bonamine). Ayon sa pagsusuri, kasing bisa ito ng salabat.
13. Huwag uminom ng alak. Kung nahihilo ka na ay huwag nang
magpakalasing pa. Doble disgrasya iyan.
14. Uminom ng 8-12 basong tubig. Kapag kulang ka sa tubig,
puwedeng bumaba ang iyong blood pressure.
15. Matulog ng 7-8 oras sa gabi. Kapag kulang ka sa tulog, mas hilo
ka rin sa umaga.
16. Magbawas ng stress. Ang taong ninenerbiyos ay madalas ding
makaramdam ng pagkahilo.
17. Magrelax. Huminga ng malalim at dahan-dahan ng 7 beses.
18. Subukang pisil-pisilin ang balat sa pagitan ng mata. Isa itong
acupressure point.
19. Suriin ang iyong gamot. May mga gamot na puwedeng maging
sanhi ng pagkahilo, tulad ng aspirin, gamot sa altapresyon at diabetes.
Kumonsulta sa iyong doktor para masuri ito. Good luck po!

You might also like