You are on page 1of 3

Pamamanhid ng katawan: Baka Diabetes o Stroke

na

Madalas ka ba makaramdam ng pamamanhid?

Ito ay isang karaniwang nararamdaman na


karaniwan ay walang seryoso o malubhang
kahihinatnan.

Para sa mga typist, mga mechanical workers at


kababaihan na naglalaba, karaniwang sila ay
nakararanas ng pamamanhid ng mga kamay, na
dahil sa carpal tunnel syndrome. Ang kondisyong
ito ay nangangahulugang na ang ugat (median
nerve) na nagbibigay ng lakas sa kamay ay naiipit.
Ipahinga ang iyong mga kamay.

Ang isa pang karaniwang lugar ng pamamanhid


ay sa hita sa pag-upo at pag-higa. Ito ay dahil sa
naiipit ang sciatic nerve sa may balakang natin.

Ngunit dalawang mas malubhang sanhi ng


pamamanhid ay stroke at diabetes.

Bagamat bihira lamang ito, may ilang mga


pasyenteng na-stroke ay ang reklamo lamang ay
bahagyang pamamanhid sa katawan. Kaya naman
kung may pag-aalinlangan, ang mga doktor ay
maaaring mag-request ng isang CT Scan sa ulo
para masuri ang stroke.

Ang diabetes ay maaari ring maging sanhi ng


pamamanhid, karaniwan sa mga binti at paa.
Kung hindi mo mapananatili ang iyong blood
sugar ng mas mababa sa 120 mg/dl, maaari itong
magresulta sa pinsala sa mga ugat.
Ang may diabetes ay dapat mag-ingat sa kanilang
mga binti dahil ang karaniwang senaryo ay ang
pagkakaroon ng pamamanhid sa paa muna,
pinsala sa paa at impeksyon. Sa mga
napabayaang mga kaso, maaari itong humantong
sa amputation o pagkaputol ng binti.

You might also like