You are on page 1of 7

PREPARATION OF STATEMENT OF FINANCIAL POSITION – BALANCE SHEET

Para sa mga nagbabasa ng mga posts for FABM2, this is the last lesson for Week 1 which is Statement of
Financial Position. Nung mga nakaraang posts naidscuss na natin ang definition, as well as yung elements
and accounts to be used in the preparation (pati yung classification). Basically, if we will be preparing the
ststement of financial position, sa wari ko eh kung alam mon a ang lahat ng iyan ay susundan mon a lang
yung format eh hahha But then dapat alam mo why it came up that way. So kaysa magbackread ka pa sa
page at hanapin ang mga topics na dapat ay nabasa mo muna so nilagay ko na din sya dito (Ayos ba yun?
Haha) Mayroong dalawang paraan to present the statement of Financial Position, ito ay ang (1) Report
Form at (2) Account Form,

I-CLICK ANG BAWAT PICTURE PARA SA EXPLANATION.

Pinili ko na yung example na detalyado para kumpleto kaya wag ka ma-shookt sa mga figures at sa dami
ng nakalagay.

If nabasa mo na yung mga previous posts related dito, pwedeng di mo na basahin yung discussions sa
ibaba. Click agad sa picture for explanation.

Definition: The Statement of Financial Position is a statement that gives the financial condition of a
business as of a given date.

Kung nagbabasa ka ng ibang books ang tawag din dito ay balance sheet. Ito ay isa sa mga reports na
pine-prepare ng mga accountants na nagpapakita ng kondisyon o kalagayang pinansyal ng isang negosyo
o kompanya.

Sir paanong kondisyon o kalagayan po ng isang kompanya? Ganito. Ang SFP kasi ay nagpapakita ng lahat
ng assets (pag-aari), liabilities (pagkakautang) at equity (capital) ng isang kompanya at base sa napag-
aralan natin sa FABM1. Assets = Liabilities + Owner’s Equity. Naipapakita nito kung (1) may sapat na pag-
aari ba ang isang kompanya para bayaran o magbayad ng mga pagkakautang nito. Naipapakita din ng
report na ito (2) kung ang mga assets ng kompanya ay pinundar ng mga may-ari kaysa sa pinundar sa
utang – nangyayari ito kapag mas Malaki ang equity kaysa sa liabilities.-- Ibig sabihin mas Malaki ang
claims ng may-ari sa kompanya dahil mas Malaki ang claims niya sa total asset ng business. Ang
mangyayari kasi kapag mas Malaki ang liabilities kaysa sa equity, pwedeng mag-lead sa bankcruptcy.
Bankcruptcy, ibig sabihin lubog na sa utang kaya dapat i-liquidate(ibenta) ang mga ariarian ng negosyo
para makabayad sa utang.

“As of the given date” – ibig sabihin ang mga amounts reflected sa report na ito ay nag-eexist up to the
date reflected sa report. Halimbawa, nakalagay ay “As of December 31, 2018, Cash- P120,000” Ibig
sabihin sa pagtatapos ng taon ay may P120,000 na pera (cash) sa pagsisimula ng susunod na accounting
period. Maisingit ko na din yung sa Statement of Comprehensive Income (SCE) Di ba doon ang reporting
ay “For the period” ang amounts reflected doon ay para sa lamang sa period (panahon) na iyon.
Halimbawa, For the month ended December 31, 2019, Service Revenue, P500,000. Ibig sabihin ang kinita
ng negosyo na P500,000 ay kinita sa buwan ng December 2019. Hindi na ito makikita, o carried over sa
January dahil ang kinita ng December ay dapat Makita lamang sa buwan ng December at hindi na sa
ibang buwan. Gets mo ba? If hindi, comment ka lang. Anyways focus tayo kay SFP muna.

ELEMENTS OF STATEMENT OF FINANCIAL POSITION

ASSETS- are properties or rights on properties owned by the business. They are items of value that
belong to the business. Specifically, assets include cash and cash equivalents, receivables, inventories,
prepaid expenses, property, plant and equipment, investments, intangible assets and other assets.
(Durana, 2017)

Asset pag-aari ng negosyo na may halaga (economic and future benefit) and nasa ilalim ng control o
pamamahala ng negosyo na maaring magamit o ginagamit upang mag generate ng income (kita) ang
isang negosyo.

LIABILITIES- are debts of the entity.

Yun nga, utang, haha normal sa negosyo ang may utang, feeling ko nga walang negosyo ang may utang
ngayon except sa GMA7 haha kahit tayo nga di ba? Utang intended for investment, utang pambili ng
property, utang sa suppliers. Hindi naman basta makautang lang, nagungutang ang negosyo for the sake
of may inaasahang mas malaking benefit doon kaysa sa halaga inutang. Ibig sabihin nangugutang ng may
kabuluhan. Haha Specific accounts ay ang walang kamatayang accounts payable haha kasama si notes
payable, taxes payable, salaries payable, interest payable at unearned income.

EQUITY- capital.

Ang haba ano? Haha from the term itself, ito yung investment ng may-ari. Investment in the form of
cash, pwede din naming equipment, land, or iba pang property. Initially magiinvest talaga ang may-ari
pero as the business continues syempre gagawin nya ang lahat para mag-earn naman ang investment
nya, and mag earn ng profit and by earning profit nadadagdagan ang kanyang capital. Pag single
proprietorship ang businessmayroon isang capital account. Pag partnership, bawat isang partner may
capital account, at kapag corporation nakalgay ito sa stockholders equity account.

CLASSIFICATIONS OF ASSETS: CURRENT OR NON-CURRENT

Nung nakaraan napag-aralan natin ang tatlong major accounts sa statement of financial position. Ito ay
ang assets, liabilities at owner’s equity. Under each major accounts ay may mga accounts, and those
accounts must be classified if current or non-current.

ASSETS

Assets should be classified only into two: current assets and non-current assets. Per revised Philippine
Accounting Standards (PAS) No.1, an entity shall classify assets as current when:

a. it expects to realize the asset, or intends to sell or consume it, in its normal operating cycle;

b. it holds the asset primarily for the purpose of trading;


c. it expects to realize the asset within twelve months after the reporting period;

d. the asset is cash or cash equivalent (as defined in PAS No. 7) unless the asset is restricted from being
exchanged or used to settle a liability for at least twelve months after the reporting period.

So iyan ang magiging basis natin for classification. If hindi mag-fall dyan (sa akin na llang haha) it will be
classified as a non-current asset. So saan ko bam una nakuha yan? Sa libro po ni Sir Win Balllada (Ui kilala
nya. Haha sya yung author ng accounting books, made easy ang nakalagay, easy nga ba? Oo naman!  )
Ipaliwanag natin one by one.

a. ang ari-arian dawn a ito ay maaring magamit, maubos, maibenta sa normal na operating cycle. Ano
yung operating cycle?Ito yung panahon sa pagitan ng pagkakabili nung asset at sa time na ma-convert ito
sa pera. Halimbawa, merchandise inventory (kapag grocery ito yung de lata, keso, chichirya, toothpaste
in short yung mga paninda) after mo makuha sa upplier mo ang mga grocery tingin mo ba tatagal yun sa
grocery store mo ng matagal na panahon as in 3 years? 5 years? Hindi. Ibig sabihin, MABIBILI at
MAUUBOS ITO agad ng mga customer mo.

b. ang pangunahing purpose ng asset na ito ay para maibenta o para makatulong magcreate ng benta o
maiperform ang service. Halimbawa, cash, to sustain yung daily operations ng business you need cash
para magbayad ng sweldo ng employee, magbayad ng kuryente, magbayad ng utang, mamili ng iba pang
property. So ibig sabihin with this nagcocontinue ang operation ng business mo because sa asset na iyan.

c. Dito pumapasok ang liquidity na tinatawag. Sir ito ba yung sa science solidity, liquidity, gasity? (Ok last
ko nay an hahhaha) Pag sinabi nating liquidity, ito yung bilis ng isang asset bago ma-convert sa pera.
Halimbawa, receivables, (unless stated na long-term ang receivable ibig sabihin babayaran ng mahigit pa
sa isang taon) if ma-convert or masingil mo yung mga pautang mo or stated na ang utang ay babayaran
halimbawa for 30 days, 45 days, 6 months, it is classified as current asset. (Yung receivable mo sa kaklase
mo, ano ang classification? Haha more than 1 year na ba?)

d. sa pang-apat na criteria diretsahan na, pera o yung mga bagay na ang katumbas ay pera. Ano muna
ang cash equivalents? Iyan ay mga short-term investments, halimbawa treasury bills or government
bonds. Actually parang din yan pero tumutubo ng interest. Sir sino po nangutang sa business o kanino po
ipinautang ng business? Sa gobyerno. Yan yung pag nangutang at pinautang mo sure na magbabayad
s’yo, gobyerno yan eh. Hehe (medyo i-discuss ko na din ha?) Bakit po nangungutang ang gobyerno?
Minsan kulang sa budget. Halimbawa may government projects kulang sa pondo, inetead na mangutang
ang gobyerno sa banko o sa China (HAHAHHAA joke lang po wag nyo po ako ipakulong HAHA)
mangungtang na lang ang gobyerno sa mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pag-iissue ng bonds at
treasury bills. Astig di ba? Haha.

CURRENT ASSETS

Ako dati para madali ko matandaan kung current, pag tagalog kasi ng current, kasalukuyan, ibig sabihin
madaling mawala, nagagamit agad, hindi nagtatagal (parang kayo ng jowa mo haha) kaya ayun
natandaan ko sya. Okay so magbigay ako ng halimbawa ng mga current assets.
1. Cash- any medium of exchange that a bank will accept for deposit at a face value. (Bukod sa coins and
currencies kasama din dyan yung cheke, o kaya man ay bank deposits considered as cash pa din)

2. Cash equivalents- short-term, highly-liquid investments that are readily convertible to known amounts
of cash and which are subject to insignificant risk of changes in value. (pinaliwanag ko nay an kanina
kung talagang nagbabasa ka haha pero dagdag ko lang yung nasabing “insignificant risks” yung danger na
hindi ka mabayaran ay almost impossible dahil government ang may utang sa business mo)

3. Notes receivable- is a written pledge that the customer will pay the business a fixed amount of money
on a certain date. (ito yung customer mo na nangutang tapos may promissory note)

4. Accounts receivable- claims against customers arising from sale of services or goods on credit. (yes di
muna nagbayad si bes sa graham balls na tinda mo)

5. Invetories- assets held for sale in the ordinary course of business. (bukod sa eample ko kanina na mga
paninda sa mga retail stores, kasama din dyan yung mga materyales para gawin yung finished product,
karaniwan yan sa mga manufacturing businesses)

6. Prepaid expenses- expenses paid for by the business in advance. (Nakakita ka langg ng expense,
expense account na. yan ay asset account, mga gastos na binayaran mo na in advance. Halimbawa one-
year insurance, 6-months rent. (But if specified na more than a year ag binayaran considered sya as non-
current)

NON-CURRENT ASSETS

1. Property, Plant and Equipment- these are tangible assets that are held by enterprise for use in the
production or supply of good or services or for rental to others, or for administrative purposes, and
which are expected to be used during more than 1 period. Ito yung PPE na alam ng mga ABM at
accountancy students. Halimbawa nito ay Land, Equipment, Building, Furniture and Fixtures at Machine.
Sa example pa lang alam mo ng matagal itong magagamit, it can take several years para magamit ng
business. Though nag-dedepreciate (nalalaspag) except sa land but still hindi naman sya in less than a
year para mapakinabangan. Dagdag ko lang ano ba pinagkaiba ng furniture sa fixture, kasi madalas ko
yan nababasa pero ano ng aba? Haha Pag furniture, an tama ang nasa isip mo, chairs, tables, karaniwan
naigagalaw at pwedeng ilipat. Pag fixtures naman kabaligtaran, stack sya in place, halimbawa cubicle
partitions, shelves, at ceiling fans.

2. Intangible assets- identifiable, non-monetary assets without physical substance but are held for use by
the business. Halimbawa ay patents, copyrights, licenses, brand names, mga sikretong proseso, at iba pa.

3. Biological assets- are assets used by agricultural business in the production of goods and services.
Ayan naman yung kung supplier ka ng itlog sa mga palengke, o gatas, ang biological asset mo ay ang mga
manok at baka.

4. Long-term investments- ito naman yung kabaligtaran ng kanina, if stated na yung mga marketable
securities (short-term investments) ay for a long time so mag-fall sya as non-current asset.
Eh Sir bakit po ba kaiangan pa i-classify kung current or non-current? Una, kasi you are preparing a
report, it must be presented in detail and pangalawadito nakikita ng mga stakeholders (owners,
suppliers, potential investor etc) kung gaano ka-liquid ang isang company. It aids for decision making
kumbaga.

For upcoming video tutorials, please subscribe to the Official YouTube Channel of ABM Online PH

http://youtu.be/A-m2Fwaz9lo

Maraming Salamat!

CLASSIFICATION OF LIABILITIES: Current or Non-current (Explained in Tagliish by Sir RDS)

Nung nakaraan, ang assets ay na-classify natin between current or non-current, ngayon naman ang i-
classify natin ay ang mga liability accounts. So again kapag sinabi nating liability, ito ay tumutukoy sa mga
obligasyon at utang ng business. Ito rin ay nagrereprsent sa clainms ng mga creditors (pinagkakautangan)
sa mg assets ng business.

Ano nga ba ang criteria bago masabi na ang isang obligasyon o utang ay current at non-current.

Per revised Philippine Accounting Standards (PAS) No. 1, an entity shall classify a liability when:

a. it expects to settle the liability in its normal operating cycle;

b. it holds the liability for the purpose of trading;

c. the liability is due to be settled within twelve months after the reporting period, or;

d. the entity does not have an unconditional right to defer settlement of the liability for at least twelve
months after the reporting period.

Ipaliwanag natin bawat isa, actually almost same criteria in classifying current assets, yun nga lang
icoconvert mo lang sya concerning liabilities.

a. Kapag ang utang ay maaring mabayaran within its normal operating cycle. Kapag sinabi nating
operating cycle, ito yung oanahin kung kalian narecieve ng business yung mga goods hanggang sa
maibenta ito at mag-earn ng profit. If within that period nabayaran or payable ang utang then it is a
current liability. Sa maliliit na negosyo parang ganito sya, nangutang ka pampuhunan, bumili ka ng
products tapoos nabenta mo then nagbayad ka ng utang sa pinagkunan mo ng puhunan, ang
classification ng inutang mo ay current. Sa salita ng pangkaraniwang tao “hanggang sa makabawi”

b. Ang purpose ng utang ay para makapag-operate ang business, makapagbenta, makapag produce ng
goods and services. Nag-loan ang business for the purpose of makapagbayad ng rent,makabili ng
materials, at ng mga kagamitan, then it is considered as current liabilities.

c. If based on the agreement ay dapat bayaran in a period not less than a year or 12 months.
d. If based on contract ay nakasaad na payable within a period of less than 1 year ang obligation o utang
at walang Karapatan angg company na i-extend ito, then that utang is a current liability.

I-discuss naman natin ang mga common accounts classified under current and non-current liabilities.
Ang mga definition na nababasa ninyo ay galling sa libro ni Sir Win Ballada, author ng mga accounting
books. Yung explanation ko kadugtong ng definition.

CURRENT LIABILITIES

Accounts Payable- represents the reverse relationship of the accounts receivable. By accepting the goods
or services, the buyer agrees to pay them in the near future. Ito yung common accunt title for utang,
kumbaga sa gamut generic ito haha May customer na nangutang then accounts payable. Yung utang ng
kaklase o kumara mo sa yo accounts payable.

Notes Payable- the business entity is the party who promises to pay the other party a specified amount
of moneyon a specified future date. Ito naman yung pag nangutang tapos gumawa ng promissory note.

Accrued Liabilities- amounts owed to others for unpaid expenses. Ito yung utang ng business para sa
mga expenses na nagamit na ng company pero hindi pa nababayaran. Halimbawa ay interest. Nung nag-
looan ka may interest yun na kaakibat kada buwan, so tulad ng napag-arala natin sa expense recognition
principle, dapat irecord na ang expense para sa period na nagamit sya kahit hindi pa bayad. Iba pang
halimbawa ay utilities, salaries at taxes.

Unearned Revenues- When the business entity receives payment before providing customers with goods
or services, the amounts received are recorded in the unearned revenue account (liability method). Dito
naman ang utang mo ay goods and services, nangyayari ito kapag may mga advanced payment ang mga
customer. Halimbawa nagpaparty ako sa McDo para sa birthday ko sa isang buwan, binayaran ko na
lahat, so technically may utang sa akin ang McDo pero ang utang nila ay yung performance ng service
which is yung party.

Current Portion of a Long-Term Debt- these are portions of mortgage, bonds, and other long-term
indebtedness which are to be paid within one year from the balance sheet date. Ito naman yung parte or
portion ng long-term debt na kailangan ng bayaran not less than a year. Halimbawa may long-term debt
ka, yung interest na na-iincurred nun per month ay need na bayaran pero yung principal amount (halaga
ng inutang) ay babayaran sa specified time na nakasaad.

NON-CURRENT LIABILITIES

Mortgage Payable- this account records long-term debt of the business entity for which the business
entity has pledged certain assets as security to the creditor. Ito yung kapag nag-purchase ang business ng
property, ang peoperty din na ito (or other property) will serve as collateral. Kapag sinabing collateral ito
yung magiging kapalit kapag nag fail ang nangutang na makapagbayad.

Bonds Payable- Business organizations often obtain substantial amount of money from lenders to finance
the acquisition of equipment and other needed assets. The bond is a contract between the issuer and
the lender specifying the terms of repayment and the interest to be charged. Ang karaniwang nag-iissue
ng bonds kapag inuutangan ay ang mga korporasyon, gobyerno, o hospital, yung bonds ay kasunduan sa
pagitan ng nangutang at inutangan na ang interest ay babayaran either monthly, semi-annually pero ang
principal amount ay babayaran in due time base sa agreement.

Bakit ng aba kailangan pang i-classify? Kasi you are making a report, yung report na iyon makikita at
gagamitin ng mga stakeholders for decision-making kaya dapat detailed and comprehensive ang
pagggawa ng report. Mai-identify din kung ano ba ang mga obligation ng company na kailangan na agad
i-settle.

You might also like