You are on page 1of 3

Solvency Ratios - is a key metric used to measure an enterprise’s ability to meet its

obligations and used often by prospective business lenders. The solvency ratio indicates
whether a company’s cash flow is sufficient to meet its short and long term liabilities.

Explanation:
So from the term itself stable kaya bang bayaran ng kumpanya ang lahat ng pagkakautang.
So ano yung kinalaman niya sa stability ng kumpanya? If a company cannot pay its
obligation therefore it will result in bankruptcy. Kaya nga sabi sa definition, it is being used by
prospective business lenders. So tinitignan yung solvency ratio if the company has the
capacity to pay para magbayad ng utang. So halimbawa kung ikaw yung prospective
business lenders so seeing the ratios of this company so you can decide whether migrant
mo yung loan or hinde.

So under ng solvency ratio meron tayong lima.

1. Time interest earned - It evaluates the ability of a company to pay the interest on its
debt.
Explanation
So sa ratio na to makikita natin kung kaya ba ng isang kumpanya na magbayad ng interest
sa mga inutang nito. So dito sa number 1 ang pinag uusapan lang muna natin ay ang
kakayahan nung kumpanya para makapag bayad ng interest doon sa inutang nito.

Formula

Time interest earned = Operating income divided by interest expense

So base sa formula saan ba natin ito makikita? Makikita ito sa statement of comprehensive
income.

Example

Operating income = 343,008 Interest expense = 74,208

343,008/74,208 = 4.62

Ibig sabihin kahit mahigit sa apat na beses mo pa doblehin ang interest expense ay kaya
itong bayaran ng kumpanya. So dito sa time interest earned kapag mas mataas ang nakuha
mong ratio mas maganda at mas favorable siya sa company.

2. Debt ratio - measures the percentage of assets funded by creditors.


Explanation
So dito sa debt ratio ipinapakita kung gaano kalaki yung shares or claim ng mga creditors or
yung mga pinagkakautangan ng kumpanya doon sa total assets ng mismong kumpanya.

So ang formula na ginagamit natin para malaman kung magkano yung shares ng creditors
sa total assets ng business ay
Debt ratio = Total liabilities divided by total assets. So saan ba natin iyon makikita para
magamit yung formula? Makikita ito sa statement of financial position. Nandon yung total
assets tsaka yung total liabilities. Kukunin naten yung amount nila doon.

Example

Total liabilities = 1,832,936/3,921,953 = 0.47 or 47%

Ibig sabihin ang total assets ay pinondohan sa pamamagitan ng pag utang. Parang
lumalabas diyan na 47% ang pag aari ng mga pinagkakautangan ng kumpanya. So dito sa
debt ratio mas mababa yung percentage mas maganda. Kase ibig sabihin konti lang yung
claims or funded nung creditors naten doon sa total assets ng company.

3. Equity ratio- indicates the percentage of assets funded by the owners.

Explanation
So kabaliktaran naman ito ng debt ratio. So dito ipinapakita kung ilan ang percentage ang
shares ng owners or ang claim ng owners sa total assets ng business. So kanina yung
claims ng creditors so ngayon naman yung mimsong owner nung business ilan yung
percentage ng share niya sa lahat ng ari arian nung kumpanya. So gagamitin natin yung
formula na

Formula

Equity ratio = Total equity divided by total assets. Saan makikita? Makikita ito sa SFP. Take
note: Total owners equity lang ha baka kasi mamislook mo na sa SFP ay naka total ang
liabilities at OE.

Example

Total equity = 2,089,017 Total asset = 3,921,953

2,089,017/ 3,921,953 = 0.53 or 53% . Ibig sabihin 53% ng total assets ay pinondohan ng
owner or sa owner mismo so kumbaga yung share niya doon ay 53%. Sa ratio na to mas
mataas mas maganda kase ibig sabihin mas konti yung utang mo or mas marami kang
investment compared to your liabilities.

4. Debt to equity ratio - is a financial ratio indicating the relative proportion of


shareholders and equity and debt used to finance company assets.
Explanation
Dito sa debt to equity ratio ipinapakita ang ratio ng utang ng business sa investment ng
owner.

Formula
Debt to equity ratio = Total debt or total liabilities divided by owners equity. Ito ay makikita sa
SFP.

Example

Total debt = 705,000/1,003,500 = Owners equity = 0.70

So ano ba ibig sabihin ng 0.70 na yan? Ang ibig sabihin sa bawat pisong puhunan o kapital
ng owner ay may 0,70 na inutang. Dito mas maganda kung mas mababa sa 1 ang
makukuha dahil ipinapakita nito na mas marami pa rin ang investment ng may ari kaysa mas
marami siyang utang or mas maraming utang yung business.

You might also like